Love Hate- 5

263 19 26
                                    

Maagang nagising si Andi kaya nag ayos na siya, at bumaba.

"Hi Manang! Goodmorning!" Bati niya sa matanda.

"Goodmorning prinsesa" bati ni Manang sa dalaga.

"Manang, Andi na lang po Please!!" Nagpa cute pa ito at nag puppy eyes.

Natawa naman ang matanda sa inasata ng dalaga "Ikaw talaga, di ako sanay sa Andi lang mas gusto ko yung prinsesa, bagay na bagay sayo" sabi nito kaya nagpout ang dalaga.

Ngumiti lang ito, matagal tagal na din sa Manang na kasama ni Abby, meron din isa pang kasama na taga laba at plantsa the rest si Manang na, ayaw din ni Abby na madaming katulong kasi pati siya naglilinis maliit lang naman ito bahay.

Nagising na din si Abby kaya sabay silang kumain, "Mag gogrocery ako sasama ka ba?" Tanong nito sa dalaga.

"Isasama mo ako Tita?" Tanong ng dalaga sa tiyahin niya, di siya makapaniwala.

"Oo naman" nakangiting sabi nito, alam niyang buhay prinsesa ang pamangkin niya, pero alam niya maraming namiss ito, puro lalaki ang lagi niyang nakakasalamuha kaya kung may time at magkasama sila, sinasama niya ito sa mga lagi niyang ginagawa bilang isang simpleng tao, kahit gusto niyang malapit sa mga pamangkin niya, ayaw niya baka dumating na naman yung time na didiktahan siya ng Kuya Andres at Kuya Antonio.

"Yes, Tita thank you" excited na sabi ng dalaga.

**

Si Andi na lang ang nag drive papuntang supermarket, pagbaba nila nakita niya na nakakuha ng pansin ang pamangkin niya, simple lang naman ang suot nito, nakablouse na sleeveless maong short at sandals at nakapusod ang buhok, lips shinner lang ang nilagay sa lips na natural na mamula mula, sa kasimplehan niya nangingibabaw pa din ang ganda ng dalaga.

Simula ng dumating si Andi sa buhay niya, medyo naintindihan niya ang paghihigpit ng mga magulang at kapatid, pero ayaw niyang danasin ang dinanas niya nung panahon niya.

"Let's go" sabi ko sa kanya, nginitian lang siya nito napakaamo ng mukha ng dalaga, maraming nagsasabi ng kahawig niya ito ng mga panahon nasa gantong edad pa lang siya, pero para sa kanya kamukha niya ang ina.

Maamong mukha, bakas ang kainosentehan sa mukha ng dalaga, matangos na ilong, mapupulang labi, malalim na dimples sa kanan pisgi at ang magandang mata na nakuha sa Papa niya, mapilantik kasi ang ang pilik mata nito, na kapag ngumingiti ay umaabot hanggang mata.

Di maiiwasang mapatingin ang mga kalalakihan sa dalaga, tinitignan ng masama ni Abby ang lahat na tumitingin sa pamagkin niya alam niya ang mga iniisip nito. Napailing na lang siya boys is boys.

"Tita, chocolates" excited na hinila ang tiyahin.

"Jusme baby, look yung cart natin kalahati ay chocolates, tumigil ka na" saway niya sa pamagkin.

"Sige na isa na lang, promise!" Ngiting ngiti ito at nagpuppy eyes pa sa tiyahin.

"No, halika na" at hinila siya nito di niya ito ini'spoil katulad ng Daddy, Tito at mga Kuya niya na konting pacute, paawa at pag please please.

Nilingon niya ito, nakapout ito, natawa siya parang bata pa din tong si Andi ayaw niyang nagpapatawag ng baby dahil dalaga na daw siya pero kung umasta ay baby pa din.

Palabas na sila ng supermarket para umuwi inayos nila ang pinamili sa likod.

Pagdating nila sa bahay nagkatinginan sila tatlo naisip nila sinong magbibitbit papasok kaya nagkatawanan sila, wala silang choice eh kaya bubuhatin na nila.

"Need help" sabi ni Phil na biglang sumulpot sa harap ng dalaga, kaya nagulat siya napaatras tuloy sa ng bigla.

"Ha....ah...ano kasi" nagbubulol siya dito, shucks naman sabi niya sa isip niya.

"Ang dami kasi nito" turo ng Tita niya sa mga grocery nila pinamili.

"Tulungan ko na po kayo" sabi ng binata at bunuhat papasok ng bahay ang pinamili nila.

Napangiti naman ang dalaga, gwapo na gentleman pa san kapa sabi niya sa isip niya.

"Oh kumain ka muna" naglapag ng slice ng cake at juice si Abby sa table para pakainin si Phil, siya kasi nagbuhat lahat balak nilang tulungan kaso ito mismo ang tumanggi.

"Iwan ko muna kayo" sabi ni Abby kay Phil at Andi, tumango lang sila.

"Diyan ka ba talaga nakatira?" Tanong ni Andi sa binata kumakain din kasi ito.

"Hindi bakasyunan ko lang yung bahay namin diyan, pag stress na stress na ako diyan ako nags'stay" Paliwanang niya.

"Eh san ka pala talaga nakatira?" Tanong niya sa binata.

"Quezon City" simpleng sagot nito.

"Ah!" Napatango lang siya.

"Ikaw bakit nandito ka?" Tanong nito sa kanya.

"Nasa ibang bansa ang Daddy ko, kaya sabi niya dito muna ako sa Tita ko bakasyon na din" sagot nito.

"Bakit pala di kita nakikita pag nagbabaksyon ka dito?" Tanong ng binata.

"Baka di lang tayo nakakasabay, tsaka minsanan lang din ako dito pag nandiyan sila Dad, si Tita lang ang bumibisita samin" sagot na dalaga sa kausap.

"Zamorra! Ang alam ko ikaw ang nag iisang prinsesa ng pamilya Zamorra" sabi nito, napakunot siya ng noo at tumingin sa binata na parang nagtatanong na how did you know.

"Ano ka ba kilalang kilala kayo sa business world kaya nagtataka ka pa pano ko nalaman" nakangiting sabi ng binata.

Napabuntong hininga lang siya, Oo nga naman bakit pa siya nagtanong eh kilalang kilala ang Zamorra sa business world simula sa Lolo niya hanggang sa mga pinsan niya ngayon.

Ang mga pinsan niya ay kasama ng Daddy ay Tito niya ang nagmamanage ng business nila, soon pati siya di pa lang siya hands on dito, kasi ayaw niya pa di naman siya pinilit ng mga ito, pero sabi ng mga ito pag tungtong niya ng 22, sa ayaw at gusto niya kailangan na niyang tumulong sa mga pinsan.

"So anong feeling ng prinsesa?" Tanong nito sa kanya.

"Fine?" Sagot niya ng patanong sa kausap.

Natawa naman ito " bakit patanong?" Tanong nito sa kanya.

Natawa din siya bakit nga ba patanong, masaya, masarap kasi ikaw ang prinsesa on the other hand nakakasakal.

"Ayos lang" sagot niya, ayaw na niyang i'elaborate sa kausap ang nararamdaman niya, ngumiti lang siya dito.

"Oh sige, aalis na ako" sabi ni Phil.

"Sige, sige thank you ha" sabi ni Andi sa binata.

"No problem" sabi nito at lumabas pa.

Pagkapasok ni Phil sa bahay niya, tumunog ang cellphone niya "Anong balita?" Tanong nito.

"Malapit na ako sa kanya?" Sabi niya.

"Ano sunod na mong balak?" Tanong nito.

"Make her fall in love with me!" Sabi ni Phil.

secretvhans ♥♥

LOVE ME OR HATE ME (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon