Love Hate- 14

122 6 1
                                    

Maagang nagising si Phil, kaya naisipan niyang malakad lakad sa labas.

Napunta siya sa park wala pang masayadong tao dahil maaga pa, tinignan lang niya ang iilang tao na naglalakad at yung iba najo'jogging.

Nagring ang cellphone niya kaya agad niyang sinagot ito.

"Hello Phil" seryoso ang nasa kabilang linya.

"Ano?" Iritadong taong niya dito.

"Ano na, akala ko ba--" di pa niya natatapos ang sasabihin binabaan na niya ito ng cellphone.

Bakit ba siya kating kati sa balak ko, wala siyang koneksyon sa Zamorra, o walang ginagawa sa kanya pero kating kati ito.

Pagbalik niya ng bahay di pa siya nakakapasok sa loob nakita na niya si Andi na nasa garden at dun nakaupo habang nagkakape.

Nakatingin lang siya dito, gusto niya tong lapitan pero naiinis siya na nakikitang masaya kasama ang iba.

Pero parang may sariling isip ang paa niya na naglakad patungo kung nasaan ang dalaga.

"Goodmorning" bati niya dito.

Ngumiti ang dalaga at agad umikot sa may gate para pagbuksan ang binata.

"Goodmorning" masayang bati nito.

Napakamasayahin ni Andi na kahit nasa di maganda ang araw mo yan kaya niyang pagaanin ang loob mo sa isang matimis na ngiti lang.

"Pasok ka" aya nito sa binata, kaya agad naman pumasok sa loob.

Bumalik sila sa inupuan ni Andi sa may garden at dun naupo.

Tahimik lang sila, sinulyapan niya ang dalaga, naka pajama at t-shirt na pinatungan ng jacket ang suot nito pero kahit simpleng damit ang suot niya ay ni hindi nabawasan ang kagandahan.

Napatingin si Andi kay Phil kaya medyo nagulat siya.

"Why?" Tanong ni Andi kay Phil.

"Nothing" sabi niya at ngumiti.

Ginaya siya ni Andi na ngumiti din, napatitig siya sa maamo at magandang mukha ng dalaga, biglang nag iba ang tibok ng puso niya.

Natatakot siya sa kakaibang nararamdaman niya mali ito saway niya sa isip.

Gagamitin mo lang siya, para makaganti wag mong hayaan talunin ka ng nararamdaman mo saway ng isang parte ng isip niya.

Tumayo siya "Balik na ako sa bahay" seryosong sabi niya kay napatango na lang si Andi at sinundan lang siya ng tingin hanggang makalabas ito.

"Goodmorning" sabay na bati ni Reese at Xander sa kaibigan kakapasok lang.

Napatingin si Phil sa dalawa parang baligtad kasi si Xander ang nagluluto at si Reese ang nakaupo at nagkakape, napailing siya di marunong magluto si Reese.

Hinain na ni Xander ang mga niluto niya at nagsimula na silang kumain, napatingin sila sa kay Phil na tulala.

"Bro ano naengkato ka ba?" Tanong ni Xander sa kaibigan.

Tumawa ni Reese kaya napalingon silang dalawa "Di siya namaligno, inlove yan" sabi nito at napailing.

"E-ewan ko sayo" pagsusungit ni Phil sa kaibigan.

"Confirm" sabi ni Reese at tumawa at nag appear pa sila ni Xander.

Nainis siya kaya tumayo at dumeretso sa kwarto niya narinig niya pa ang pagtawa ng dalawang kaibigan.

Humiga siya at pinatong ang kamay sa mata mali to pinapagalitan niya ang sarili.

Di ko dapat to nararamdaman, hindi mali to.

LOVE ME OR HATE ME (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon