"Text me pag nakarating ka na ha!" Sabi ng Daddy niya.
"Yes Daddy, ikaw din papakabait ka dun ha!" Sabi ni Andi at inayos ang ang kwelyo ng damit ng ama, may out the country ito at dahil dun mags'stay muna siya sa Tita niya bakasyon na din, bunsong kapatid ito ng ama niya.
"Ingat sa pag dadrive!" Paalala ng ama "I love you baby!" Nakangiting sabi nito.
"I will Daddy, i love you too bigtime!" Sabi nito at humalik sa ama, at kumaway bago paandarin ang kotse niya.
Siya si Andrea Sabina Zamorra, 21 years old ang nag iisang prinsesa ng pamilya, siya lang kasi ang babae, ang sumunod naman sa Papa niya ay ang Tito Antonio niya na may tatlong anak na lalaki at ang bunso nila ay ang Tita Abigail ay wala pang asawa.
Siya lang ang babae, kaya over protective sa kanya ang mga pinsan niya na Kuya na din ang turing niya mas matatanda pa ang mga ito sa kanya kaya bantay sarado, pati ang Tito niya strict sa kanya lalo na ang Daddy niya.
Sa katauhan na lang ng Tita Abby niya nakukuha niyang kakampi, ang Mommy kasi niya namatay ng 7 years old siya, dahil sa cancer.
Nagring ang cellphone niya kaya sinagot niya ito gamit ang speaker phone "Hi Baby!!" Sabi ng pinsan niyang si Clint Aron Zamorra ang panganay na anak ng Tito Antonio niya.
"Be good!" Rinig niyang sabi ng Kuya Clyde Adam Zamorra ang pangalawa.
"Wag matigas ang ulo kay Tita Abby" sabi ng Kuya Clarence Alec Zamorra na bunso sa tatlong maton.
"Opo mga Kuya, i will be a good girl!" Nakangiting sagot ni Andi sa mga kapatid.
"Baby! Mag iingat sa pag da'drive ha!" Rinig na sabi ng Tito Antonio.
"I will Tito!" Sabi nito at nangingiti.
"We love you baby!" Sabay sabay na sabi ng Tito at mga pinsan niya.
"I love you guys! Bigtime!" Sagot lang niya.
"Oh siya, aalis na kami baka maiwan kami ng plane, again be good!" Ulit ng mga ito at in'off ang cellphone.
Natatawa siya, aalis kasi silang lahat including ang Daddy niya may kailangan silang aatendan at unfortunately sa ibang bansa, kaya ngiting tagumpay siya "Walang bantay! Oh yeah!" Sigaw niya.
Ang strict kasi ng mga ito sa kanya, bawal ito, bawal yan at kung ano ano pa, lagi nilang sinasabi na "You're our Princess!"
Alam niya naman yun kaso may mga times na nasasakal siya, lagi siyang nagsusumbong sa Tita Abby niya sinasabi lang nito "Mahal ka kasi nila, namin kaya pinoprotektahan ka."
Pero ito ang kakampi niya ang Tita Abby niya, wala na din ang Mommy nila Clint bata pa sila ng nawala ito di alam kung san nagpunta.
Kaya ang Tita nila ang tumayong ina sa mga ito kay Andi, Clint, Clyde at Clarence.
Sa bandang Bulacan lang naman nakatira ang Tita niya, di niya nga alam ba't medyo malayo sa Daddy at Tito niya, ang lagi lang sinasabi nito mas gusto niya dun kaya Oo na lang siya.
"Andito na pala ang Prinsesa Andi namin eh!" Tawag ng kasama sa bahay ng Tita Abby niya, mas maliit ang bahay nito, compare sa bahay nila ng Daddy niya at bahay ng Tito niya.
"Hiyiieehh! Manang!" Sabi niya yumakap dito.
"Kagandang bata talaga nere, halika at pumasok nasa garden ang Tita mo kinakausap na naman ang alagang bulaklak" natatawang sabi sa kanya.
Natawa lang siya, mahilig talaga sa bulaklak ang Tiyahin niya, iba't ibang klase at kulay.
"Tita!" Tawag niya dito at nagmamadaling yumakap sa tiyahin.
"Hi Baby, how are you?" Hinalikan pa siya sa pisngi, di niya naririnig ang Andi sa Daddy, Tito at mga Kuya's niya.
"Fine! Tita, Andi nga kasi!" Reklamo niya dito, natawa ito at kinurot sa pisngi kaya nag pout ito.
"Why? Your really our Baby princess diba?" At yakap nito sa dalaga.
"I know but please sila Dad nga yun ang tawag sakin eh kung di Baby, Princess Andi naman pangalan ko" pagrereklamo niya.
Natawa lang ang tiyahin sa inaakto ng pamangkin ganun din siya ng mga panahon niya, nag iisang prinsesa nasa kanya ang atensyon at pagmamahal, wag lang sana magaya ang pinakamamahal at nag iisang dalagang pamangkin sa kanyang kapalaran.
"Halika at kumain na tayo, ipinagluto kita nga paborito mong Kare kare!" Sabi niya dito.
Biglang sumigla ang mukha ng dalaga "Talaga Tita? Halika let's eat, gutom na ako" sabi niya ay hinila ang tiyahin.
secretvhans♥♥

BINABASA MO ANG
LOVE ME OR HATE ME (On Hold)
RomansaIsang dalaga naniniwala sa happy ending,katulad sa mga fairytale na may prince charming at lalo lalo na sa true love. Paano kung dumating ang nag iisang lalaking nakapagpatibok ng puso niya, ngunit galit at paghihiganti ang tanging alam nito? Mapapa...