Nagmamadaling nag ayos si Andi, nabasa niya kasi ang text ni Trent na pupuntahan siya nito.
"Oh dahan dahan, madapa ka" biro ng Tita niya sa kanya, patakbo kasi siyang bumaba.
"Tita talaga" sabi niya at nag blush.
"Aba, dalaga na ang prinsesa natin" biro naman ni Manang Minda sa kanya.
Lalo siyang namula sa biro ng dalawa kasama, kaya naglakad siya palabas ng pinto.
Tumayo siya dun at hinintay niya ang binata, nakatingin siya sa may kaliwa niya, ng biglang may kumalabit sa kanya kaya napatingin siya.
Bahagya siyang natulala, si Phil nakapabahay lang ito, simpleng T-shirt, walking short at tsinelas lang.
Bakit ang gwapo pa din niya, nakapambahay lang naman ito, tanong ni Andi sa sarili.
"Goodmorning" nakangiting bati ni Phil sa kanya, nakatitig ito sa kanya.
"Go-good..morning" sabi niya na medyo nauutal pa.
"Ang aga mo namn nasa labas?" Tanong nito na di tinatanggal ang pagkakatitig nito sa dalaga.
"May hinihintay kasi ako" sagot lang ng dalaga at sinadyang ibaling ang tingin sa iba, kasi baka mag droll lang siya.
"Mukhang importante, hinihintay pa kasi ng prinsesa" nakangiti niyang ni Phil.
Isang tipid na ngiti lang ang sinukli niya.
"Hey princess!" Tawag kay Andi, sabay silang lumingon sa nagsalita.
"Trent!" Tawag niya dito, kaya agad bumaba sa kotse at lumapit sa kanya.
"Goodmorning" masayang bati nito sa kanya at ginulo pa ang buhok niya.
"Goodmorning" bati nito sa binata.
"Trent si Phil, Phil si Trent" pagpapakilala niya sa dalawang binata.
Inabot ni Trent ang kamay niya dito, nakatingin lang si Phil, kaya tinignan niya ito.
Inabot din ni Phil ito at nag shakehands sila, "Nice to meet you bro" sabi ni Trent kay Phil, isang simpleng tango lang ang sagot ng binata.
Nakita ni Andi ang pagbabago sa mukha ni Phil, sa nakangiting mukha hanggang sa pag seryoso nito.
Kaya napakunot siya ng noo, pero ng mapatingin ito sa kanya bigla ulit nagbago ang mood, ngumiti ito ulit.
Shemay, bakit ang gwapo gwapo mo. Sabi ni Andi sa sarili.
"Sige, pasok na kami" pagpapaalam niya kay Phil.
Tumango lang ito, sa kanya at kay Trent, si Trent naman umakbay sa dalaga at tumango lang kay Phil.
Pagpasok nila, di naman regular ang pagtibok ng puso niya, pero di dahil sa pag kakaabay ni Trent kundi sa simpleng pag ngiti ni Phi sa kanya.
"Are you Okey princess?" Worried na tanong ni Trent.
"Oo naman" masiglang sagot niya tinaggal niya ang pagkakaakbay ni Trent sa kanya, at kumapit sa braso nito, natawa na lang ang binata sa kanya.
"Ang sweet" panunukso ng Tita niya sa kanila, tumawa lang sila.
"Halika pasok na" aya ni Abby sa dalawa.
***
"Hi" sabi ni Andi at kumaway pa, nag skype kasi sila ng Daddy, Tito at mga Kuya niya.
"Hi princess, Hi Tita Abby/ Abby" sabay sabay na sabi ng mga ito.
"Ako display dito?" Sabi ni Trent na nasa sulok lang.
BINABASA MO ANG
LOVE ME OR HATE ME (On Hold)
RomanceIsang dalaga naniniwala sa happy ending,katulad sa mga fairytale na may prince charming at lalo lalo na sa true love. Paano kung dumating ang nag iisang lalaking nakapagpatibok ng puso niya, ngunit galit at paghihiganti ang tanging alam nito? Mapapa...