Nakaupo na silang sampu magkakatabi si Clint, Clyde, Clarence, Andi at Candice, kaharap nila si Xander, Cass, Camille, Phil at Reese.
"Okey let's order!" Pambabasag ni Andi sa tensyon lalo na kay Clint, Cass at Xander.
"Oo nga gutom na me" Pag sang ayon ni Camille kay Andi.
"Psh lagi kang gutom" Pang babasag ni Clyde kay Camille.
"Hoy Clyde mahal mo pa ba buhay mo diba kaya manahimik ka baka isalang kita diyan" Pag babanta ni Camille sa binata.
"Ayan na naman kayong dalawa aso't pusa naman kayo" Saway ni Candice.
Natawa lang sila ng umakmang ibabato ni Camille yun tinidor kay Clyde nagtago naman ito sa likod ni Clint.
"Stop it!" Sabi ni Clint kaya tumigil ang dalawa.
"Sungit ni Kuya Clint" Bulong ni Andi kaya natawa si Clarence at Candice na katabi niya.
"And what's funny?" Tankang tanong nito.
"You!" Turo ni Clarence sa kanya na tatawa tawa.
"Stop it na nga Kuya bully mode ka na naman" Sagot ni Andi sa kanya.
Umorder na silang lahat at panay asaran lang nilang lahat, si Phil nakamasid lang sa dalaga na nagpapagulo ng utak niya sa mga nagdaang araw.
Napatingin sa kanya ang dalaga at ngumiti ito sa parang may sumipa sa kanya dahil sa pagngiti ng dalaga napakainosente nito.
Ngumiti lang din siya sa dalaga pero nakita niya ang nagtingin ng mga Kuya nito sa kanya.
Buti na lang at dumating ang order nila kaya nawala ang atensyon nila sa binata.
"Here baby!" Abot ni Clint kay Andi.
"Ito pa baby" Si Clyde naman.
"Tagalin mo nga ito baka makain mo" Sabi Clarence pero siya pa din nagtanggal.
Di naman maiwasan ng triplets na matawa sa eksena lagi na lang silang ganyang apat.
"Ang sweet naman nilang apat!" Komento ni Reese.
"Yeah ganyan talaga silang apat" Tatawa tawang sagot ni Camille.
Nakangiti si Xander sa nakikita, "Baby'ng baby si Andi!" Komento ni Xander.
"Yeah ganyang silang tatlo pagdating sa kanilang baby Andi" Nakangiting sagot ni Cass.
"Clarence ano ba yan, hayaan mo na si Andi ang kumuha umaapaw na plato niya!" Saway naman ni Candice kay Clarence.
Nagmake face lang ang binata kaya kinurot ni Candice ang binata.
"O di ikaw na lang kumain para tumaba ka" Sabi ni Clarence na nilagyan yung plato Candice.
"A ganun!" Kinurot ni Candice ang binata.
"A.....ray amazona ka naman Candicepotpot!" Sabi ni Clarence na himihimas ang braso.
"Tama na nga yan kumain na kayo!" Suway naman ni Cass sa mga ito.
Nagkainan na sila ng maayos at mapayapa.
Matapos nilang kumain ay umorder pa sila ng dessert nila, nagkukwentuhan silang lahat si Phil nanatitiling tahimik.
"Ikaw Phil may pinagkakaabalahan ka ba?" Seryosong tanong ni Clint at tumingin dito.
"Nagmamanage ako ng business namin supermarket" Simpleng sagot nito.
Tumango lang ito, "Diyan ka nakatira malapit kay Tita Abby?" Tanong naman ni Clyde.
"Hindi bakasyon lang ako diyan" Sagot ulit nito.
"Hanggang kelan ka naman diyan?" Parang walang emosyon na tanong ni Clarence.
"I don't know, di palagi depende" Sagot ni Phil.
Tumango lang yung tatlo sa sagot ng binata para naman di makahinga si Xander at Reese para kasing na ho-hot seat ang kaibigan nila.
Si Phil naman nakailang lunok ng laway dahil sa sitwasyon, ang triplets at Andi nakakaramdam din ng tensyon.
"Uhm....bili ako ng ice cream" Tayo ni Andi.
"Upo, ako na!" Hila ni Clarence sa dalaga.
Tamayo din si Candice para samahan ang binata.
Nagpout lang si Andi kaya ginulo ni Clyde ang buhok ng dalaga at inakbayan ito.
"Siya nga pala baby, nagtext si Trent pupunta daw siya bukas" Sabi ni Clint kaya napatingin si Andi ka Phil na napatingin din sa kanya.
"A okey Kuya" sagot na lang ng dalaga.
Matapos nilang kumain napagpasyahan nilang umuwi na.
Magkakasabay silang lumabas, katulad ng pagdating nila si Reese at Phil magkasama umuwi, nauna na ang mga ito.
Sila Andi naman kasama ang mga Kuya at Si Camille at Candice.
At si Xander at Cass, bago pa pumasok si Cass sa sasakyan ni Xander ay sumulyap ito kay Clint na siyang nasa driver seat dahil siya ang magdadrive.
"See you sa bahay Ate Cass!" Sabi ni Andi kaya napalingon ito sa dalaga.
Simpleng ngiti lang ang binigay niya sa dalaga at pumasok na ng sasakyan ni Xander.
Umalis sila Xander at sumunod na din ang grupo nila Andi, ang ingay sa loob ng kotse nila Clint pero ang binata ay malayo ang inisip ng dalaga.
Pagkarating nila sa bahay ni Abby nandun na si Cass.
"Uuwi pa ba kayo late na" Sabi ni Antonio sa triplets.
"Oo nga dito na lang kayo magpalipas ng gabi" Pagsang ayon ni Andres.
"Oo nga naman" Si Abby naman.
Tumango lang ang tatlo kaya napagpasyahan nilang tumabi kay Andi, inayos nila ang hihigaa, at dahil pang single lang ang kama, iniusod nalang nila ito at ng magkakatabi silang matutulog.
Kinabukasan, matapos magbreakfast ay napagpasyahan na umuwi ng tatlo, ipapahatid pa sana sila pero tumanggi na ang mga ito dahil kaya naman daw nila.
"Where going back to Manila on Monday" Deklara ni Andres kaya tumango lang sila.
"Ikaw Abby di ka ba pupunta ng Manila diba nun nakaraan may pumasok dito di na safe" Sabi ni Antonio kaya napalingon ito sa kapatid, sure siya na di ito titigil hangga't di sila nito napapa oo na sa kanila na tumuloy.
"Alright Kuya" Pagsuko niya, ngumiti naman si Andi makakasama na niya ang Tita Abby niya sa bahay nila.
**
Nag aayos na sila para sa pagbalik ng Manila, isasabay na nila si Abby isinama na din si Manang dahil di maiwan ni Abby ito.
"Babalikan na lang yung iba Kuya" Sabi ni Abby sa Kuya Andres niya.
Tumango lang ang mga ito, paglabas nila nakita nila sila Phil kaya agad itong lumapit sa kanila.
"Aalis ka Tita?" Tanong nito, tango lang ang nasagot ni Abby sa binata.
"O siya Phil una na kami ha!" Paalam ni Abby dito.
"Ingat po kayo ha!" Sagot lang ng binata at ngumiti sa mga ito at sumulyap kay Andi na katabi ng Daddy niya, ngumiti lang ang dalaga sa kanya.
Umalis ng ang mga ito, nakatingin lang si Phil sa papalayong mga sasakyan.
"Damn!" Bulong niya, nakaramdam siya ng lungkot, lungkot na hindi niya na makikita si Andi.
Gago ka talaga Phil, di ka dapat nakakatamdam ng lungkot di mo na nga nagawa ang plano mo may ganyan ka pa, kausap niya sa sarili.
Tumalikod lang siya at bumalik sa bahay niya.
----
vhans :)
06-23-2015

BINABASA MO ANG
LOVE ME OR HATE ME (On Hold)
RomantiekIsang dalaga naniniwala sa happy ending,katulad sa mga fairytale na may prince charming at lalo lalo na sa true love. Paano kung dumating ang nag iisang lalaking nakapagpatibok ng puso niya, ngunit galit at paghihiganti ang tanging alam nito? Mapapa...