Dumaan ang mga araw mas nakilala pa ni Eric at Abby ang isa't isa, mas napapalapit ang loob nila.
"Napapansin ko na napapalapit ka kay Eric" Seryosong sabi ng Papa niya, napasulyap siya dito at nilingon ang Mama at mga Kuya niya na nakatingin sa kanya.
"H-ha bakit po, m-mabait naman po si Eric beside kaibigan niyo naman po ang parents niya diba?" Nag aalangan na tanong nito.
Nakita niyang nagtinginan ang mga ito, "Gusto ko na putulin mo ang relasyon mo sa lalaking yun" Sabi ng Papa niya na ikinagulat niya.
"B-bakit po?" Tanong ng dalaga.
"Basta sundin mo na lang ako Abby" Sabi ng Papa niya, napayuko na lang ito.
Nasa kwarto niya di siya mapakali di niya alam kung bakit ganun ang sabi ng Papa niya kaya tinawagan niya si Eric.
"Hello Eric" Simula nito.
"Hi Abbypots!" Bati nito sa kanya laging Abbypots ang tawag sa kanya nito.
"Tumigil ka nga Ericpots" Sabi niya dito ganyan silang dalawa.
"O napatawag ka?" Tanong nito.
"A....hmmm kasi alam mo ano kasi.....ano yun...." Di niya maituloy ang sasabihin niya.
"Sige ano yun puro ko ano" Natatawang biro nito sa kanya.
"Ikaw talaga...hindi kasi ano may problema ba ang parents mo sa parents ko?" Nag aalangan na tanong nito sa kanya.
Nakarinig siya ng butong hininga sa kausap na binata, "Meron ba?" Tanong niya ulit.
"Bakit pinalalayo ka ba nila sa akin?" Balik na tanong nito sa kanya..
"Hmmm...parang ganun na nga" Sabi nito sa kanya.
"Ewan ko ba parang dahil sa deal na di ko din maintindihan ang nangyayari pero ang alam ko ayoko lumayo ka sa akin" Sabi ng kausap niya, na ikangiti niya.
"Wag kang mag alala di ako lalayo sayo" Sabi nito sa kausap.
Nagdaan pa ang mga buwan na lalong mas naghigpit ang mga magulang at Kuya ni Abby sa kanya.
"Bakit ba Kuya?" Naiinis na tanong nito sa mga kapatid.
"Bakit ang tigas ng ulo mo?" Sabi ng Kuya Antonio niya.
"Bakit ba kasi pinipigilan niyo ako wala naman akong ginagawang masama, wala kaming ginagawang masama" Galit ng sigaw niya sa mga kapatid.
"Basta wag kang makulit" Naiiritang sabi ni Antonio sa kapatid.
"No!" Diin na sagot nito.
"Abigail!" Natigilan siya ng tawaging ng Kuya Andres niya alam niyang galit ito pag tinatawag siya nito sa pangalan niya.
"Kuya naman e" Naiiyak na protesta nito, magkikita sana sipa ni Eric pero grabe makabantay ang Kuya niya kaya in the end di siya nakalabas.
Magdamag siyang umiyak sa nangyari.
Kanabukasan ay kinausap siya ng Ina, "Baby listen to us na lang para sayo din ito" Sabi ng Mama niya.
"Bakit ba Ma ano bang nangyayari bakit ayaw niyo kaming maging magkaibigan?" Tanong nito pero di siya nakarinig ng kahit anong paliwanag.
Nakagawa siya ng paraan para magkita sila ng Eric, mahal na niya ang binata kaya ipaglalaban niya ito hangga't kaya niya, alam niyang ganun din dahil nag kaaminan na sila ng nararamdaman nila.
BINABASA MO ANG
LOVE ME OR HATE ME (On Hold)
RomanceIsang dalaga naniniwala sa happy ending,katulad sa mga fairytale na may prince charming at lalo lalo na sa true love. Paano kung dumating ang nag iisang lalaking nakapagpatibok ng puso niya, ngunit galit at paghihiganti ang tanging alam nito? Mapapa...