Love Hate- 21

133 2 5
                                    

"Home!" Masayang sigaw ni Andi ng marating nila ang ang kanilang bahay.

Siya ang unang bumaba ng sasakyan nila at masayang sinalubong ang mga kasambahay nila.

Sumunod naman ang iba sa kanya, "Nakapaghanda ba ng tanghalian?" Tanong ni Andres sa kasambahay nila.

"Opo Kuya, nakahain na din po" sagot ng mayordoma nila.

"O let's eat first" aya niya sa mga kasama, kaya sabay sabay sila pumunta ng dinning table.

"Tita where you will stay?" Tanong ni Andi sa tiyahin.

"Oo nga Abby?" Segunda ng Kuya Antonio niya.

"Kahit saan" natatawang sagot nito sa mga kasama.

"Tita dito ka na lang sa house, nasa kabila lang naman sila Tito" pangungumbinsi ni Andi sa tiyahin.

"It is okey to you boys?" Tanong sa mga lalaking pamangkin, alam naman niya na ayos lang, nasa kabilang bahay lang naman sila.

"Yes, Tita" sabay sabay na sagot ng mga lalaking pamangkin niya.

"Okey dito na lang kila Kuya Andres" final na sagot nito, samang ayon naman ang lahat.

Matapos kumain ay nagpahinga muna ang mga ito, dahil napagod sa byahe.

Si Abby naman ay inaayos naman mga gamit niya, naisip din niya na mas maganda kung nasa tabi siya ng mga kapatid at pamangkin niya, atleast mas maalagaan niya ang mga ito.

Nagising siya sa malalim na pag-iisip ng may kumatok, "Tuloy" sagot lang niya, at pumasok si Clint sa kwarto niya.

"O Clint may problema ba?" Takang tanong niya dito.

"Wala naman Tita" sagot nito at naupo sa tabi niya.

"Hmm..sakin ka pa nagtago, ano nga yun?" Tanong niya ulit.

"Okey ka lang ba na dito mag-stay, I mean diba dati ayaw mo?" Nag aalalang tanong nito sa kanya.

"Ayos naman, mas okey nga ito mas malapit ako sa inyo, mas maaalagaan ko na kayong lahat" nakangiting sagot nito sa pamangkin.

"Okey, sabi mo Tita, pero i'm happy kasi malapit ka na sa amin, maalagaan ka din namin, baka nirarayuma ka na" biro nito sa kanya.

"Aba lokong bata ka, wala pa akong rayuma ano" pinisil pa niya ang pisngi ng pamangkin.

"Just kidding, Tita. O balik muna ako sa room ko" sabi nito, tumango lang ito.

May sariling kwarto din sila Clint sa bahay ng Tito Andres nila, at ganun din sila Andi sa bahay ng Tito Antonio nila na kahit kabilang bahay sila, ganun sila ka-close sa isa't-isa.

Sa apat na pamangkin niya si Clint ang panganay kaya nakikita niya ang Kuya Andres niya dito, seryoso at istrikto, mas malalim din na tao.

Siguro dahil na din may isip na siya ng iwan ng kanyang ina, siya ang umalo ng husto sa mga kapatid at pinsan ng gabing hindi na umuwi ang kayang ina, simula noon nakita niya kung paano mas maging matatag ito.

Naalala pa niya sinabi ni Clint, Tita wala ng iiwan sa amin, at wala na ulit magpapaiyak sa amin, di ko hahayaan na may masasaktan pa ulit, Napaisip ito kung di kaya sila iniwan ng kanilang ina ganto pa din ito katigas, napailing na lang siya.

Ilang minuto lang ang lumipas sabay-sabay kumatok si Clyde, Clarence at Andi sa kwarto niya.

"Tita" sabay-sabay na bati nito at nag-uunahan pa ang mga ito na sumampa ng kama niya.

"Ano ba kayong tatlo umayos nga kayo" saway niya sa mga ito, para pa din kasing mga bata.

Si Clyde ang pangalawa sa kanila, pero siya ang pinaka maloko, makulit, easy go lucky, at ma-chick, well lahat naman sila, mas chickboy lang si Clyde, pero kapag naman sa trabaho niya ay seryoso ito at mabuting anak, kapatid, pinsan at pamangkin.

Si Clarence naman pangatlo ito ang tahimik, good boy sa kanilang magkakapatid, pero pag sinumpong ng kulit naku sasakit ang ulo mo.

Dedicated ang tatlong ito sa kanilang trabaho, never nilang pinabayaang ang kompanya, kaya masaya si Abby na may mapagiiwanan na sila ng tinayong kompanya ng kanilang ama.

Syempre ang bunso niyang si Andi, medyo spoiled si Andi, pero mabait na bata, di niya naging sakit ng ulo dahil madaling pagsabihan.

Nang mamatay ang ina ni Andi sila na ni Carmela ang nanay ng tatlong lalaki, ang tumayong ina nito kaya, ng iwan sila ni Carmela ay nasaktan din ng husto si Andi.

Nagpapasalamat nga siya na nabawi ang mga pamangkin niya sa pagkawala ni Carmela, gayon din ang Kuya Antonio niya.

Inisip na lang niya na siya talaga ang nakatadhana na mag-aalaga sa mga kapatid at pamangkin.

"Tita!" Sabi ni Andi at yakap dito.

"Uhm?" Tanong niya at hinaplos ang buhok ng dalagang pamangkin.

"Mag-mall tayo ha" malambing na tanong ng dalaga dito.

"Sige bukas baby" sabi nito, kaya napangiti ng husto si Andi, nakakita na siya ng kakampi sa katauhan ng Tita Abby niya.

"Nakakita ka ng kakampi mo ha" biro ni Clyde sa kanya, dumila lang ito sa pinsan na ikinatawa nila.

"Si Tita na ang lagi kong kasama mag-mall kaya wala na kayong dahilan para pasamahan pa, o kayo mismo ang sasama sa akin" nakangiting sabi ni Andi sa mga ito.

"Oo na lang" prenting sagot ni Clarence na nakadapa sa kama ng tiyahin.

Bigla naman dinaganan ni Clyde at Andi ito kaya, napaaray na lang siya sa bigat ng dalawa.

Natatawa lang si Abby sa mga pamangkin, masaya siya na nasasaksihan niya ang pagmamahalan ng mga ito.

"Umayos na, bumalik na kayo sa mga kwarto niyo" suway niya sa mga pamangkin.

Nagtayuan ang mga ito at mabilis na lumabas ng kwarto niya.

***

Nasa isang boutique ng mall sila ng may makita si Andi na pamilyar na pigura, agad niya itong nalapitan para masigurado.

"Phil!" Masayang bati niya sa binata, nagulat naman ito ng makita ang dalaga.

"Andi, sinong kasama mo?" Nakangiting tanong nito at giulo ang buhok ng dalaga.

"Si Tita Abby, ayun o" turo niya sa tiyahin na papalapit na din sa kanila.

"O Phil kamusta ka na?" Nakangiting tanong nito sa binata.

"Ayos naman Tita, long time no see ha" balik na bati nito kay Abby.

"Sinong kasama mo?" Tanong ni Andi sa binata.

"Wala ako lang, kayo anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya sa mag-tiyahin.

"Itong pamangkin ko, nilinggo-linggo na ang pag ma-mall" biro ni Abby kay Andi, natawa naman ang mga ito.

"Tapos na po ba kayo mamili?" Tanong ni Phil sa mga ito.

"Oo tapos na kami, halika sumama ka sa amin, nagutom ako kakaikot e" pag aaya ni Abby kay Phil agad din naman pumayag ito sa paanyaya.

Habang kumakain, di maiwasang di pagmasdan ni Andi ang binata, namiss niya ito ng lubos.

"Siya nga pala Phil, sa linggo birthday ko, pumunta ka sa bahay ha" sabi ni Abby sa binata.

"T-talaga po, sige ba" masayang tugon nito at sumulyap kay Andi na napatingin din sa tiyahin niya.

Di niya ini-expect na aanyayahan si Phil sa bahay nila.

"Okey, see you then" simpleng tugon ni Abby dito.

******

vhans :)

A/N: halos mag iisang taon na di nag- update hahaha

06-08-2016

LOVE ME OR HATE ME (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon