Love Hate- 22

73 1 0
                                    


Naghahanda ang lahat dahil ngayon ang kaarawan ni Abby, pinangungunahan ni Andi ang lahat, gusto niya na memorable ang birthday ng tiyahin niya, ngayon na lang din ito nag celebrate ng birthday sa bahay nila. Ang mga nakaraang kaarawan nito ay bahay sa Bulacan at sila ang nagpupunta.

"Tita, ano ka ba magpahinga ka muna" pigil ni Andi sa tiyahin.

"Di naman ako pagod, bakit ako magpapahinga" reklamo nito sa pamangkin.

"Tita, it's your day kaya, so mag-beauty rest ka muna" pagpapaliwanag nito.

"Ay naku, ayoko walang ginagawa" pilit nito at tumulong sa pag aayos, wala ng nagawa si Andi dahil alam niyang di magpapapigil ito, dun ata niya namana ang katigasan na ulo.

Napailing na lang ang mga kuya niya sa usapan nila ng tiyahin.

"Hayaan mo na yan Tita mo, alam mo naman di magpapapigil" sabi ng Daddy niya at ginulo ang buhok ni Andi, nginitian na lang niya ang ama.

"Andi, nandito na ang mga ate mo" tawag ng kasambahay nila.

"Sige po nanay" sagot lang nito at nagpaaalam sa ama at mga pinsan niya.

"Hello mga ate kong magaganda" masayang bati niya sa mga ito.

"Hello bunso, inagaahan talaga namin para makatulong kami" sabi ni Cass at niyakap si Andi.

"Thanks mga ate, the best talaga kayo" nag thumps-up pa siya sa mga ito.

Lumapit na din ang Daddy at mga pinsan niya para batiin ang triplets.

"Hello girls" masayang bati ni Andres sa mga dalaga, humalik lang ang mga ito sa ama ni Andi.

"Busy-ing busy kayo ha" natatawang sabi ni Camille.

"Oo nga e tara pangit tulungan mo ako dun" sabay hila ni Clyde kay Camille.

Napatingin lang sila, dahil nagpatangay lang si Camille, kung dati dati pa, baka nabali na ang braso ni Clyde.

"Close na sila" natatawang komento ni Candice.

"Oo nga, o partner partner daw tayo, tara na Candicepot partner tayo today" sabi ni Clarence sabay akbay kay Candice, kumindat pa ito.

Natatawa na si Andi pati ang Daddy niya, at napatingin kay Cass at Clint, na di nagkikibuan.

"Tara na Dad, si Ate Cass at Kuya Clint naman partner" panunukso ni Andi, sabay hila sa ama, sumunod naman si Candice at Clarence, naiwan ang dalawa na di alam kung mag uusap o ano.

"Meron pa bang dapat ayusin?" Pagbabasag ni Cass sa katahimikan nilang dalawa, nagbago na si Cass, kung dati-dati e masaya siya pag nasosolo niya ang binata, ngayon ay ilang na ilang na siya.

"A...hmm mukhang ayos naman na lahat" sagot ni Clint at tinignan ang dalaga na malayo ang tingin.

Ah, okey sige pupuntahan ko si Tita Abby babatiin ko muna, nasan ba siya?" Tanong ulit nito.

"Baka nasa kitchen, nagluluto din" sagot muli ni Clint.

"Really, it's her day, dapat chill lang siya today" natatawang sabi ng dalaga.

"Kilala mo naman yun si Tita, ayaw ng walang ginagawa" natawa na din si Clint. "Pinipigil na nga siya ni Andi kanina, di pa din nagpapigil" dagdag pa nito.

Natawa na lang si Cass, "Sige puntahan ko muna siya" pagpapaalam niya sa binata, hindi na niya hinintay ang sagot, tumakbo siya palayo dito, napaka-awkward na nilang dalawa kaya di niya kayang sila lang ni Clint.

Nakatingin lang si Clint sa dalaga, gusto niya itong pigilan pero may pumipigil din sa kanya, ang kayang pride.

Napailing na lang si Clint at napatingin sa gate nila, may nakita siyang babae na nakatanaw sa kanila, di niya maaninag kaya lumapit siya dito, pero ng mapansin nito na papalapit siya ay agad itong umalis, di na niya ito naabutan. Luminga linga lang siya nagbabakasakaling makita ulit ang babae.

"O Clint anong problema bakit nandito ka sa labas?" Biglang sulpot ng Daddy niya.

"Wala Dad, may tinignan lang ako" sagot ng binata.

"Ganun ba o sige na, pasok na hinahanap ka ng Tita Abby mo" sabi nito, sabay na silang pumasok ng ama, lumingon ulit siya pero di niya na makita ang hinahanap.

Kinagabihan, nagsimula na ang birthday party ni Abby, nagsisimula na din dumating ang mga bisita nila.

"Tita" masayang lapit ni Andi sa tiyahin, "Are you happy?" Tanong nito sa kanya.

"Of course, thank you baby" nakangiting tugon nito at hinalikan ang pamangkin.

"Tita Abby" sabay silang napatingin sa nagsalita.

"Phil" sabay nilang bati dito, nakangiti ito at lumapit sa kanila.

"Happy birthday Tita" sabi nito at abot ng regalo niya.

"Thank you Phil" at yumakap sa binata.

Nakatingin lang si Andi sa binata, "Hi Andi" bati naman nito sa kanya.

"Hello Phil" balik na bati niya dito.

"Halika at kumain ka na muna" pag aaya ni Abby dito.

"Abby may dumating ka pang bisita" tawag ng kasambahay nila.

"Ganun ba, Andi ikaw na muna ang sumama kay Phil, excuse me Phil puntahan ko muna sila" pagpapaaalam niya sa mga ito, kaya naiwan ang dalawa.

"Uhm, tara dun tayo kain ka na" sabi niya dito, sinamahan ni Andi ang binata habang kumakain.

Nagpagpasyahan nila na magpunta ng garden, medyo matao kasi kaya umiwas muna sila.

Naupo sila sa swing, tahimik lang silang dalawa walang balak magsalita.

"How are you?" Pambabasag ni Phil ng katahimikan.

"I'm fine" nakangiting sagot nito, "Ikaw?" Balik na tanong nito sa binata.

"Okey lang din, medyo busy pero ayos na lang naman" sagot nito.

"Tara balik na tayo dun" pag aaya ni Andi, naiilang na din kasi siya.

Sumang ayon naman si Phil, humalo na sila kila Cass sa table.

"Phil!" Napalingon sila lahat ng lumapit sila Clint sa mga ito.

Tumayo ito at nakipagkamay sa mga pinsan ni Andi, "Kamusta?" Tanong ni Clyde sa binata.

"Ayos lang naman" naiilang na sagot ng binata.

"Hoy wag niyo naman takutin si pogi" natatawang sabi ni Camille at ti-nap ang balikat ng binata.

"Tumigil ka nga Camille" saway ni Clyde.

"Bakit totoo naman ha, ano gusto mo ikaw lang pogi, selfish ka talaga" kontra ni Camille kay Clyde.

Pinanliitan lang ng mata ni Clyde ang dalaga, tinawanan lang siya nito.

"What's with the two of you?" Nagtatakang tanong ni Cass sa dalawa.

"Oo nga Kuya Clyde, Ate Camille close na kayo?" Dagdag ni Andi.

"Bakit masama ba?" Tanong ni Camille sabay subo ng cupcake.

"Weird kasi parang may sapi kayong dalawa" si Clarence naman ang nagsalita.

"May sakit ata kayo dalawa e" dagdag ni Candice.

"Leave us alone" sagot ni Clyde tapos kunwari nag flip ng hair, na ikinatawa ng lahat.

"Andito pala ang mga pamangkin ko, Alice halika dito" narinig nila ang boses ni Abby.

"Ang Tita Alice niyo, long lost bestfriend ko" pagpapakilala nito sa kaibigan.

"Ito naman ang mga pamangkin ko, si Clint, Clyde, Clarence at Andi, at mga kaibigan nila si Cass, Camille, Candice at Phil" pagpapakilala ni Abby sa mga ito.

"Hello po" bati nila dito, napadako ang tingin ni Alice kay Phil, na ikinagulat nito.

----

vhans :)

A/N: nakaupdate ulit yes! Hahaha
Balak ko gawan ng separate ng kwento yung triplets at pinsan ni Andi, kaso ang dami ko pang on-going e! Naku lol. Anyway malapit ng matuklasan ang nakaraan. Dami kong eklat ahaha.

10-01-16

LOVE ME OR HATE ME (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon