"Hi Princess!! Wake up!" Sabi ng Tita Abby niya "Mag ayos ka ng ng makababa at makakain, magsisimba pa tayo" dagdag pa nito.
Agad naman tumayo ang dalaga at nag ayos, at ng matapos ay gumayak na.
"Kaganda talaga eh!" Sabi ni Manang sa dalaga.
Naka purple dress na hanggang tuhod kasi ang dalaga nakaflat shoes at hinayaang lang nakalugay ang mahabang buhok at lipstick lang at nakashades.
"Di naman Manang kayo talaga!" Nakangiting sabi ni Andi.
"Tara na....aba ang ganda ganda naman ng prinsesa namin!" Nakangiting sabi ni Abby at hinaplos ang maganda at mahabang buhok ng dalaga.
"Ikaw din kaya Tita!" Sabi ni Andi at niyakap ang tiyahin.
"Mag lalakad tayo?" Tanong ng dalaga.
"Yes baby!" Nakangiting sabi ng tiyahin niya sa kanya.
"Malapit lang naman prinsesa!" Sabi ni Manang Minda sa dalaga.
Wala talagang tumatawag na Andi sa kanya, baby, princess, prinsesa hay buhay.
"Let's go!" Sabi ng Tita niya at hila sa kanya.
"As in Tita maglalakad tayo, seriously?" Tanong ng dalaga.
"Hay naku baby, minsan lang to damhin mo di ka nakakalakad pag kasama mo sila Daddy mo, panay sakay mo lang ng ma exercise ka na din" sabi ni Tita niya.
"Malapit lang naman!" Sabi ni Manang Minda at nagsimula ng maglakad.
"Sabagay!" Ngiting ngiti si Andi.
"Abby si Andi ba yan, aba kagandang bata talaga!" Sabi ng kapit bahay nila.
"Oo nga lalong gumanda!"
"Kamukha mo, ang lakas ng dugo ng side niyo!"
"Pang artistahin at model itong batang ire!"
Ang mga kumento ng mga kapit bahay ng tiyahin niya, ngiti lang ang binigay niya.
Marami silang naglakad kaya naaliw siya, di siya hinahayaan ng Daddy niya maglakad kahit malapit lang ipapahatid pa din sa kotse.
Nakarating sila ng simbahan, naupo sila sa bandang harap, di pa nagsisimula ang misa kaya nakipagusap ang Tita niya, inikot niya ang mata sa paligid tinignan ang mga tao at ang display ng simbahan.
May isang taong nakapukaw sa atensyon ng dalaga, isang lalaki nakashades nakablue na polo shirt na nakaupo sa bandang dulo, "Ang gwapo shucks!!!" Sabi ng isip niya.
"Baby mag start na misa!" Sabi ng tiyahin niya.
"Ah...Opo sige po!" Sabi niya at umayos ng upo.
Di niya mapigil ang di lingunin ang binata ang gwapo kasi, "Baby, sino ba yan nililingon mo?" Tanong ng Tita niya.
"Ho..ano wala po" at inayos ang upo at itinuon ang atensyon sa misa, sorry Lord, ang gwapo po kasi niya hihi sa isip isip niya.
Ng natapos ang misa, ay nakipag usap pa ang tiyahin sa pari kaya lumingon lingon siya para hanapin ang gwapong nilalang na nakita niya, pero di na niya ito nakita pa.
Biglang siyang nalungkot, di niya malaman kung bakit nakaramdam siya ng lungkot ng di na niya nakita ang binata.
"Let's go baby" sabi ng Tita niya kaya nagsimula na silang maglakad ulit pauwi.
Katulad ng kanina madami silang naglalakad pauwi, at naisip niya na mas masaya ang simpleng buhay, walang hassle, walang pressure, tahimik lang.
Bandang hapon naisipan niyang tumabay sa garden, tinitignan lang ng dalaga ang pananim ng Tita Abby niya, ng may nakita siyang isang pamilyar na mukha.
Agad siyang tumayo at naglakad palabas, sinundan niya ito pero biglang nawala laglag ang balikat niya at naglakad pabalik ng bahay, pero bago pa siya makapasok isang nakakakabang boses ang narinig niya.
"Hi!" Nilingon niya nito at nakita niya ang binata sa simbahan.
secretvhans ♥♥

BINABASA MO ANG
LOVE ME OR HATE ME (On Hold)
RomansaIsang dalaga naniniwala sa happy ending,katulad sa mga fairytale na may prince charming at lalo lalo na sa true love. Paano kung dumating ang nag iisang lalaking nakapagpatibok ng puso niya, ngunit galit at paghihiganti ang tanging alam nito? Mapapa...