Love Hate- 16

124 4 0
                                    


Nag aayos ng gamit ni Abby, at may isang lumang kahon siyang nakita.

Kinuha niya ito, at hinawakan nandito sa loob ng kahon lahat ng alaala ng nakaraan.

Umupo siya sa kama, at binuksan ito.

Una niyang nakita ang isang lumang libro binuklat niya ito at nakita niya ang tuyong bulaklak na inipit niya sa bawat pahina ng libro.

Isang maliit na stuffed toy na naluma na ng panahon, kinuha niya ito at hinimas, napangiti siya ng mapait.

Nakita niya ang mga lumang love letter sa kanya, at ang nakapag patulo ng luha niya ay ang isang singsing na pinakatago tago niya, ito na lang ang alaala na meron siya, itinago niya at ibaon sa kailaliman ng kanyang puso.

Napaiyak siya ng maalala ang masasaya at mapapait na nangyari sa nakaraan.

Kung paano niya nakita ang kanyang one great love, at kung paano sila pinaglayo ng mga pangyayari.

(***flasback***)

"Kuya tara na napakabagal mo naman eh!" Sigaw ni Abby sa kanyang Kuyang si Antonio.

"Ano ka ba baby, di tatakbo ang bahay nila Lola" Pang aalaska nito sa kapatid.

"Whatever Kuya" Sabi niya at inirapan ang kapatid.

"Tama na nga yan kayong dalawa talaga daig pa ang aso't pusa" Pag sasaway ni Andres sa mga kapatid.

"Si Kuya Antonio kasi" Pagsusumbong sa panganay na kapatid.

Natawa naman sila sa reaksyon ng bunsong kapatid.

Tatlong magkapatid panganay si Andres, sumunod si Antonio at ang bunso ay si Abigail.

Si Abby ang nag iisang babae at prinsesa ng Zamorra.

"Nandun na daw sila Mama at Papa" Sabi ni Abby sa mga Kuya.

Tumango lang ang mga ito,  psh! Bahala sila, sila naman papagalitan eh.

Pagkarating nila sa bahay ng kanilang Lolo't Lola sa side ng kanyang Papa.

Well nag iisang anak lang naman ang kanyang Papa ng kanilang Lolo't Lola.

"Kamusta mga apo?" Salubong ng kanilang Lola sa kanila.

"Ito gwapo pa din La" Sabi ni Antonio at nag pogi sign pa.

"Wow! Kuya lakas ng hangin ha" Pang aasar naman niya sa Kuya Antonio niya.

"Kontra ka lagi baby" Sabi ni Antonio at ginulo ang buhok ng bunsong kapatid.

Natawa si Andres sa mga kapatid lagi yan nag aasaran pero ganyan lang sila maglambingan.

"Tara na nga kayo talaga" Natatawang awa't sa mga kapatid dakilang referree kasi siya.

"Mama, Papa" Lapit ni Abby sa mga magulang.

"Hi baby, ba't ang tagal ninyo?" Tanong ng Mama niya.

"Eh kasi si Kuya Antonio, dinaig pa ako sa kabagalan" Sabi nito.

Ngumiti lang ito at humalik sa ina at tinapik ang balikat ng ama.

Ganun din ang ginawa ni Andres, tahimik lang talaga ito, pero grabe magalit.

Dito sila nagcelebrate ng Christmas katulad ng hiniling ni dalawang matandang Zamorra.

"Mag tatrain ka na sa kompanya" Sabi ng Papa niya kay Abby.

Tumango tango lang ito, well gusto din naman niya katulad ng kanyang mga kapatid.

20 palang siya pero mag' s-start na siyang mag train.

"Don't worry Pa, kami bahala sa baby natin"  Pag sisigurado ni Andres sa ama.

Napabuntong hininga siya, paktay na naman bantay sarado siya sa mga Kuya.

Grabe daig pa ng mga ito, ang bodyguard.

As in, saksakan ng istriko, bantay sarado at higit sa lahat no boys allowed except sa kanila.

Lahat ng balak manligaw sa kanya, binabantaan nilang dalawa, grabe may times na nakakasakal na talaga.

Oo masarap nag iisang prinsesa, nakukuha ang lahat pero nakakasakal din.

Alam naman niya na mahal  lang siya ng mga ito, kaya over protective sa kanya, pero may sariling naman siyang isip, pero kahit anong explain matigas ang dalawang kapatid, ayos naman sa mga magulang nila na bantay sarado siya ng mga Kuya niya.

**

"Abby let's go" Tawag na Kuya niya sa kanya.

"Coming Kuya" Sabi niya at nag mamadaling bumaba.

"Aba ang ganda ng baby namin" Sabi ni Andres.

"Oo nga ang ganda ganda" Segunda ng Kuya Antonio.

"Hmm! Mga bolero kayong dalawa" Natawang sabi ni Abby

Yumakap siya sa mga ito, mahal na mahal niya ang dalawang ito kahit nuknukan ng higpit.

Pagkadating nila sa building ng kanilang kompanya, pinakilala na siya sa board ng kanyang ama, although kilala na sila, o sila still pinakilala pa din siya sa mga ito.

"Kilala niya na ang dalawang lalaking anak ko, ito naman ang nag iisang dalaga ko si Abigail Zamorra" Pagpapakilala  ni Carlos sa anak na babae.

"Ang ganda naman ng dalagang anak mo Sir Carlos" Sabi ng isa sa board member, at tumingin ng malagkit sa dalaga.

Lumapit si Andres at Antonio sa dalagang kapatid at tinignan ng masama ang lalaki, mukha naman napahiya ito kaya inilayo ang tingin.

Napailing na lang si Abby sa isip niya, pero buti nga sa kanya manyak eh! Oha kaya niyo yun?

Nag s'start na ng training si Abby kasa kasama siya ng Papa niya at minsan ang mga Kuya niya.

**

Naisipan niyang mag mall pero dahil mahigpit sa kanya may bodyguards ang dalaga.

Busy kasi ang mga Kuya niya kaya ayun, sinanay na din niya ang sarili na may bodyguards.

Naisipan niyang mag ice cream, kaya bumili siya at naupo sa isang pwesto.

Habang kumakain siya, napalingon siya kasi may narinig siyang nagtitilian.

Nakita niya ang iilang babae parang may sinusugod, nagulat siya ng may lalaking tumatakbo at papalapit sa kanya.

"Eric myloves bumalik dito" Rinig pa niyang sigaw ng isang babae.

Dinaanan siya nito, pero sa sobrang pagmamadali nito natisod ito kaya ayun plakda ang loko.

Nagulat siya, di niya mawari kung maaawa o matatawa.

Pero bandang huli ay tinulungan pa din niya, pero sa pagmamadali nitong makatayo eh natabig nito ang ice cream na kinakain ng dalaga at tumapon ito.

"What the heaven" Nasabi niya, agad naman siyang tinulungan ng mga bodyguards niya.

"Okey ka lang Ms. Abby?" Tanong ng mga ito.

"Naku Ms. Ganda sorry ha, di ko sinasadya" Sabi nito.

"Hirap kasing maging gwapo, habulan" Dagdag nito, at kinindatan pa siya.

Biglang nag init ang mukha niya sa sinabi nito, napatayo ang binata at tumakbo palayo.

Natulala na lang siya at hinatid ng tingin hanggang mawala ito.

secretvhans ♥♥

A/N: malaman niyo na po ang past ni Tita Abby.

Comment please :)

12-29-2014

LOVE ME OR HATE ME (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon