Love Hate- 6

186 15 13
                                    

Nagmamadaling bumaba si Andi para kasing may away sa baba "Tita, what happen?" Tanong ng dalaga sa tiyahin.

"Aloha! Baby!" Biglang labas ni Cass sa kusina at lumapit sa dalaga.

"Ate Cass! Oh my gosh! Kelan ka pa dumating?" Tanong niya.

"Nun isang araw lang baby" sagot ni Cass na nakayakap sa dalaga.

Si Cassandra Mae Padilla na head over heels inlove sa pinsan niyang si Clint.

"Ola baby" biglang naman pasok ni Camille at humalik sa dalaga.

"Hi baby" pasok din ni Candice at humalik din sa kanya.

Si Camille Mariz Padilla na childhood enemy ni Clyde at si Candice Mitch Padilla na best buddy ni Clarence.

Triplets sila Cass, Camille at Candice.

"Binalita kasi ni Clarence nandito ka kaya pumunta kami dito" sabi ni Candice.

"Namiss ka kasi namin eh" sabi ni Camille.

"Siya lang?" Kunwaring nagtatampong tanong ni Abby sa mga bagong dating na dalaga.

"Sympre pati ikaw Tita" lapit ng tatlo na yumakap dito.

"Wow group hug" sabi ni Andi at nakiyakap sa apat, nagkatawanan lang sila.

"Halika at mag almusal" aya ni Abby sa mga dalaga kaya nagsi upo na at nagsimulang kumain.

Family friend ng mga Zamorra ang Padilla kaya lumaki siya na kasa-kasama ang tatlong dalaga 26 years old na ang mga ito, sila ang tinuturing na totoong kaibigan ni Andi, meron iba pero dahil sa isa lang siyang Zamorra, kaya nakikipag kaibigan ito sa kanya, meron siyang bff's pero nasa ibang bansa ang mga ito para mag bakasyon.

"Ate Cass, nagkita kayo ni Kuya Clint?" Tanong ni Andi sa dalaga.

Biglang sumimangot ito "Hindi, peste yan pinsan mo pinagtataguan yata ako" sabi niya, natawa siya sa sinabi nito.

Simula pa lang ng mga bata sila inlove na si Cass kay Clint pero ayaw ni Clint sa dalaga.

"Candice kumain ka nga muna" sabi ni Camille sa kapatid, tiniklop niya ang libro na binabasa.

Kahit triplet sila ibang iba sa isa't isa, si Cass na kikay sa tatlo, si Camille na boyish pero di naman talaga tomboy boyish lang magaling magkarate, si Candice namn ang bookworm sa tatlo at may makapal na salamin.

"Alam mo Tita, binugbog ni Camille si Clyde" kwento ni Candice.

"Gago kasi yun eh, hinipuan ako akala niya ata ibang babae ako di muntik na siyang mapilayan" natatawa siya sa pag kukwento.

"Ha ano bang nangyari?" Tanong ni Andi.

Nagbar kasi kami eh, nandun pala siya nag chichicks ata, eh di namukhaan ni Clyde si Cam kasi nakaskirt" biglang humagikgik si Cass.

"Lumapit siya, at umakbay kay Camille ayon di niya napasin, muntik ng mapilayan" tawa ng tawa si Cass.

Natawa naman si Andi at Abby, alam nila na babaero ang tatlong maton nila, papalit palit ng babae.

"Di pa din nagbabago ang mga yun" sabi ni Abby at umiling.

"Di pa kasi nila nakikita ang prinsesa na magbabago sa buhay nila" sabi ni Andi.

"Hindi pa ba?" Natatawang tanong ni Abby at tumingin sa tatlong dalaga.

Nagets naman ni Andi ang sinabi, kasi siya ang nagtutulak sa tatlo dalaga sa mga pinsan niya kaya ngumisi ito.

"Oh my God! Bet ko yan" kinikilig na sabi ni Cass.

"Psh! No way over my dead sexy body" sabi ni Camille.

"D-di kaya, kayo talaga" nauutal na sabi ni Candice.

Lalong natawa ang magtiyahin sa tatlo dalaga na kausap nila.

Di naubos ang kwento ng mga ito pero babalik din sila ng Manila may mga kanya kanya kasi ginagawa ang tatlo kaya mga bandang hapon ay umuwi na din sila.

Nagpahinga si Andi ng biglang tumunog ang ipad niya skype mula sa kaibigan niyang si Janelle ang isa sa bff niya elementary pa lang sila.

Aga niyang sinagot "Hi bessy!" Bati nito sa kanya.

"Hi bessy, kamusta miss you na" sabi ni Andi.

"Miss you too" sabi nito.

"Kelan ka ba uuwi?" Tanong ni Andi sa kaibigan.

"Next week bessy uuwi na kami ni Mommy" sabi ni Janelle.

"Talaga, eh si Mike kaya kelan?" Tanong niya, si Mike isa sa kaibigan niya, Mike is gay.

"Sabay kami best" nakangiting kwento ni Janelle kay Andi.

"Oh my, really? Nandito ako kay Tita, puntahan niyo ako pag uwi niyo" sabi nito.

"Sure, umalis pala sila Tito?" Tanong nito, kaya tumango si Andi.

"Nuks, walang bantay" panunukso ni Janelle sa kanya..

Natawa naman siya, alam nila Janelle ang sitwasyon niya, minsan pag nag ma'mall sila may kasama silang body guard, pag may pupuntahan silang party hanggang 10 lang siya at may maghahatid at magsusundo pa sa kanya.

Ayaw ng Daddy niya na mag isa lang siyang aalis na walang kasama, wala lang siyang body guard kung may kasama siyang isa sa mga Kuya, Tito or Daddy niya.

Pag nasa Tita lang niya siya walang kasama, kasi ayaw ni Abby na may umaaligid sa kanila.

"Naku, alam mong pagpunta ko dito pahirapan pa kasi ako lang mag isa, ako lang nag drive" pagku kwento ni Andi.

"Ows buti pumayag ang Mahal na Hari?" Natatawang tanong ni Janelle.

"Si Tita, kinausap si Dad" natatawa naman siya.

Matapos nilang magkwentuhan ni Janelle nagpaalam na din sa isa't isa.

**

Naisipin ni Andi na lumabas at umupo siya harap ng gate ng bahay ng Tita niya, ng gabi yun.

Natatawa siya sa sarili ang pag salpak niyang paupo sa semento masaya na siya.

"Hey!" Bati sa kanya ng pamilyar na boses.

"Phil!" Nasabi lang niya, nagulat siya ng sumalampak din ito sa semento at tumabi sa kanya.

"Bakit ka umupo?" Tanong niya dito.

"Nacurious ako kasi nakaupo ka eh" natatawang sagot niya dito.

Nakatitig ito sa binata, bakit kaya ang gwapo nito, tao ba to? Tanong niya sa sarili, nabigla siya ng lumingon ito sa kanya, namula tuloy siya kaya iniwas niya na lang ang tingin dito.

Narinig niya na natawa ito, shucks! Gaga ka Andi pinagalitan niya yung sarili niya.

Tumikhim ito, at tumahimik silang dalaga ilang minuto katahimikan.

Naramdaman ni Andi na nakatingin sa kanya ang binata, kaya nilingon niya ito

Shet! Sabi ni Andi sa sarili kasi nasalubong niya ang mga mata ng binata.

Gusto man niyang taggalin ang tingin pero parang may magnet ang mga mata nito, parang nalunod siya sa titig ng binata.

"Baby!" Tawag ng Tita niya sa dalaga.

"Po?" Nagulat siya at agad tumayo.

"Pasok na kakain na tayo" sabi pa nito.

"Opo!" Sagot lang niya.

"Sige Phil!" Nagmamadali siyang pumasok siya loob ng bahay nila, hawak niya ang dibdib sobrang bilis kasi ng tibok parang anytime tatalon palabas ang puso niya palabas sa dibdib niya.

"God, what happen to me?" Bulong niya sa sarili.

secretvhans ♥♥

A/N isipin niyo na lang triplets sila ;))

LOVE ME OR HATE ME (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon