Nakatitig lang ang dalaga sa kaharap niyang lalaki napakagwapo nito, matangos na ilong, kissable lips, matangkad, magandang pangangatawan, at ang mga mata nito na parang halos hanggang kaluluwa niya umaabot ang titig nito.
"Okey ka lang?" Tanong nito kaya bigla siyang nagising.
"Ha? Ah...O-oo" sabi nito at tumalikod at balak pumasok sa loob ng bahay, pero napigilan siya nito na hawakan siya sa siko.
"Wait, ikaw ba yung pamangkin ni Tita Abby?" Tanong nito sa dalaga na nakangiti.
Tumango lang siya, para siyang nakukuryente sa hawak ng binata kaya tinaggal niya ang pagkakahawak sa kanya.
"By the way I'm Phil Zachary Agustin" sabi ng binata "Diyan ako nakatira" turo sa isang bahay malapit sa kanila.
"Andrea Sabina Zamorra" sabi niya at inilahad ang kamay "But you can call me Andi" sabi niya.
"Andrea Sabina Zamorra, nice name and nice to meet you" sabi nito at inabot ang kamay ng dalaga.
"Nice to meet you too" sabi ng dalaga at binawi ang kamay "Sige" paalam niya at pumasok sa loob ng bahay.
Ng nakapasok siya, nakahawak siya sa dibdib niya at sumandal sa pinto di normal ang tibok ng puso niya.
"Princess, are you Okey?" Nag aalala ang Tita niyang lumapit sa kanya.
"Yes Tita don't worry" sabi niya at ngumiti ng tipid.
*
Nagdudutdot siya sa ipad niya, ng tumunog ang cellphone niya "Hello" sagot niya dito ni hindi tinignan kung sino ang tumatawag.
"Hi Princess Andi!" Sabi sa kabilang linya, napangiti ito ng marinig ang boses sa kabilang linya.
"Hello Trey" bati niya dito, si Trey ay childhood friend and crush niya.
"Kamusta?" Tanong nito, napapangiti siya feeling niya kasi may gusto sa kanya to, pero ayaw niya mag assume baka masakatan siya.
"Ayos naman, nandito ako kay Tita Abby" umayos siya ng upo "Umalis sila Dad kaya dito muna ako kay Tita" sabi niya.
"Talaga pwede bang pumunta diyan?" Tanong nito sa kanya nakikinita kinita niya na nag pupuppy eyes ito.
"Oo naman ikaw pa" sabi nito at ngiting ngiti.
"Sige, tingin ka sa bintana mo" sabi nito napakunot siya ng noo at sinunod ito, nanlaki ang maya niya ng makita ang binata na nasa baba, kumaway pa ito sa kanya.
Kumaway siya, nagmamadali itong bumaba para salubungin ang kaibigan ng makalapit ito agad na yumakap dito.
"Paano mo nalaman nandito ako?" Tanong niya dito.
"Sabi mo diba?" Natatawang sabi nito at pinisil pa ang pisngi ng dalaga.
"Sira ka, diba kanina ko lang sinabi sayo" natatawa siya at hinampas ang braso ng binata.
Natawa naman ito, "Si Clint ang nagsabi sakin, tignan tignan daw kita" sabi nito at ginulo ang buhok ng dalaga, sumimangot naman ito sa narinig.
Talagang naghanap ng titingin sa kanya, "Nakita mo na ko, pwede ka ng umuwi" pag tataray niya sa binata nabad trip siya bigla, assumera ka kasi! Sabi ng konsensiya niya.
Umakbay si Trey sa kanya "Tampo ka naman agad, syempre bukod sa pinatitingin ka ni Clint sakin namiss kita" pang aalo ni Trey sa nagtatampong dalaga.
"Ehem!" Pang aabala ng Tita ni Andi sa kanila.
"Hi Tita, kamusta po?" Pangangamusta ni Trey.
"Ayos naman halika at pumasok kayo dito ng makapag meryenda" nakangiting sabi ni Abby sa dalawa.
"Sige po" at nagsipasukan sa loob.
**
"Uuwi na din po ako baka abutin po ako ng gabi sa daan" paalam ni Trey sa mag tiyahin.
"Sige di na kita pipigilin baka gabihin ka din" sabi ng Abby.
Hinatid nila ang binata sa labas "Bye!" Paalam nil Andi sa binata.
"Bye, see you" sabi nito at pinisil ang pisngi ng dalaga at ngumiti ng pagkatamis tamis.
"See you!" Sabi ni Andi na nakangiti dito, na medyo kinikilig.
"Bye Tita" paalam niya.
"Bye Trey mag iingat ka sa pag dadrive" sabi ni Abby.
Nakaalis na ito pero tanaw na tanaw pa din ng dalaga ang dinaanan ng sasakyan ni Trey.
"Ang pamangkin ko, ang laki laki ng ngiti" panunukso ni Abby sa pamangkin niya.
"Tita naman eh!" Biglang namula ang mukha ni Andi.
"Ay jusme, namula pa" natawa siya kaya niyakap ang pamangkin.
Biglang naman may isang itim kotse huminto sa harap nila "Hi!" Bati nito.
"Oh Hi Phil!" Bati ni Abby sa binata, ngumiti ito kay Abby at bumaling kay Andi.
"Hi Andi" bati niya at ngumiti.
"Hi!" Tipid na sabi ni Andi at tumingin sa binata.
"Bakit nasa labas pa po kayo?" Tanong nito at lumabas sa kotse.
"Hinatid namin yung kaibigan ni Andi, actually kakaalis alis lang niya" sagot ni Abby sa binata.
Tumingin ito sa dalaga, at ngumiti ulit ngumiti lang ito may sasabihin sana ni Phil kaso biglang nag ring ang cellphone niya "Excuse me!" Sabi niya.
"Hi Dad, i miss you! Kamusta kayo diyan?" Tanong ng dalaga.
"Were fine princess kayo kamusta ng Tita mo?" Tanong nito.
"Okey lang po, pumunta dito si Trey Dad, binisita kami" sabi nito sa ama.
"Kayo o ikaw?" Medyo matigas na tanong ng ama sa kanya.
"Dad syempre kami, tsaka si Kuya Clint ang nagsabi pinatitignan ako dito" pag eexplain niya dito baka mag over react ito.
"Ah, ganun ba sige Baby matutulog na muna ako, napagod ako chineck lang kita, I love you my princess" sabi ng ama sa dalaga.
"Sige Dad, wag kang papakapagod ha, I love you too" sabi ng dalaga at in'end ang call.
"Who's that?" Tanong ng tiyahin sa kanya, naabutan niyang nakikipag kwentuhan kay Phil.
"Si Daddy po" sagot niya sa tiyahin, tumango lang ito at ngumiti.
"Sige, Phil goodnight" sabi ni Abby sa binata.
"Sige po goodnight Tita Abby, goodnight Andi" sabi nito at ngumiti.
"Goodnight!" Nasabi lang ni Andi.
Pumasok na sila,nagiisip ang dalaga kasi parang may kakaiba sa binata, parang everytime na sinasabi ang pangalan may ay parang mga kakaibang pakiramdam siya.
Di na niya lang ito pinansin at nag pahinga na siya, imagination mo lang yun Andi, pinagalitan ang sarili.
secretvhans ♥♥
BINABASA MO ANG
LOVE ME OR HATE ME (On Hold)
RomanceIsang dalaga naniniwala sa happy ending,katulad sa mga fairytale na may prince charming at lalo lalo na sa true love. Paano kung dumating ang nag iisang lalaking nakapagpatibok ng puso niya, ngunit galit at paghihiganti ang tanging alam nito? Mapapa...