"Okey ka lang Alice?" Nag aalalang tanong ni Abby sa kaibigan."Okey lang ako, don't worry" sagot nito at hinawakan ang kamay ng kaibigan.
"Abby, sorry ha" sabi nito.
"Ha para saan?" nagtatakang tanong nito.
Natigilan siya pero ng makabawi ay tumawa, "Jusko tumatanda na ako nag-e emote lang" biro nito sa kanya.
"Teka lalabasin ko muna sila, nag aalala sila sayo" paalam ni Abby sa kaibigan.
Naiwan si Alice sa kwarto, pilit inaalala ang mukha ng binata na si Phil, "Hindi ako pwedeng magkamali siya talaga ang anak ng kapatid ni Eric.
"Pero imposible!" Nasapo niya ang ulo niya.
--
"Ayos naman ang Tita Alice ninyo, don't worry" sabi ni Abby sa mga pamangkin, "Nahilo lang daw siya alam niyo na nagkakaedad" pagbibiro pa nito sa kanila.
"Dapat po magpacheck up po siya baka mapaano pa siya" nagaalalang sabi ni Andi.
"Sige sasabihan ko, bumalik na kayo doon" utos niya sa mga ito, kaya naiwan na siya ng mga ito.
Nakatingin siya kay Phil, nakita niya ang reaction ng kaibigan ng makita si Phil, mukhang siya lang din ang nakapansin nito, "Anong meron sayo Phil?" Bulong nito sa sarili niya.
Bumalik na siya sa kwarto kung nasaan ang kaibigan niya, "Ayos ka na ba, gusto mo bang dalhin na kita ng ospital?" Tanong muli nito.
"O.a mo naman ayos lang ako, bumaba na tayo, wag ka ngang pa-stress birthday mo kaya" nakangiting sabi nito sa kaibigan, nailing na lang si Abby at inaya na ito bumaba.
"Alice, ayos ka lang ba?" Lapit ni Andres at Antonio sa kanila.
"Oo naman" nakangiti sagot niya sa mga ito.
"Magkaibigan nga kayo, pareho talaga kayong di nagsipag-asawa" biro ni Antonio sa magkaibigan.
"Ewan ko sayo Kuya, ayan ka na naman" kunwari'y naiinis na sagot nito.
Nagkukwentuhan lang si Alice at Abby, "Bakit nga pala ngayon ka lang ulit nagpakita, di mo pa ako sinasagot sa tanonh kong yan?" Biglang tanong ni Abby sa kanya.
Tumawa lang si Alice at tumingin sa malayo, "Anong nakakatawa sa tanong ko" namewang na si Abby.
"Hay naku Abigail, halika doon nagugutom pa ako" sabi nito at naglakad palayo. Nagtataka siya sa kaibigan ang tagal nilang nawalan ng connection, nagulat siya ng biglang sumulpot ang kaibigan, umiling na lang ito at sumunod sa kaibigan.
--
"Tita aalis na nga po pala ako" pagpapaalam ni Phil dito.
"O sige Phil, salamat sa pagpunta ha" nakangiting sabi ni Abby.
"No problem, Happy birthday po ulit Tita Abby" dagdag pa ni Phil at yumakap dito.
Hinatid nila sa labas ang binata, "Ingat ka Phil" paalam ni Andi dito, tumango lang ito sa kanila at tuluyang umalis ang binata.
Nakatanaw lang sila dito, pero di Abby ay iniisip pa rin kung ano ang meron dito, si Andi naman ay ngiting ngiti.
"What's with your smile, baby?" Biro ni Andi sa pamangkin, lumingon lang ito sa kanya at ngumiti ng pagkalaki laki.
Lumingon muna ito at lumapit sa tiyahin, "Tita, I think crush ko si Phil" kilikilig na sabi nito, natawa naman siya sa pamangkin.
"Naku dalaga na talaga tong bunso ko, may crush na" natatawang tukso nito.
"Tita talaga, tara na po sa loob baka hanapin na nila tayo" pag iiba ng usapan ng dalaga, nagpatianod na lang si Abby sa pamangkin.
---
Nasa byahe na si Phil ng mapansin niyang parang may sumusunod sa kanyang sasakyan, mas binilisan niya ang takbo, pero napapreno siya ng may dalawang van na humarang sa kanya, nacorner na siya, kaya wala na siyang nagawa.
Naglabasan ang mga sakay ng van, napakadaming lalaki na nakatakip ang mukha ng mga ito.
"Bumaba ka na lang para di ka na masaktan" sabi ng isa sa mga lalaki.
"What do you want, sino kayo?" Tanong ni Phil, habang bumaba ng sasakyan.
May humawak sa kanya na dalawang lalaki pero pumalag siya at dahil doon sinugod siya ng ibang lalaki, dahil sa dami ng mga ito ay nabugbog siya.
"Ipasok na yan" sabi lider ng grupo ng mga lalaki.
Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga ito, "Saan niyo ba ako dadalhin?" Tanong niya sa mga ito.
"Malalaman mo din" sagot lang ng mga isa dito.
Dinala siya sa isang abandonadong bahay, "Ipasok niyo na yan" utos ng lider ng mga ito.
Pinasok siya sa isang maliit ng kwarto, nakatali din ang mga kamay niya sa likod.
Maya maya may isang lalaking pumasok, malaki ang bulto nito, medyo kulot ang buhok at may matatalim na mga mata, at nagsisigarilyo.
"Kamusta Phil?" Sabi nito at tinapik ang balikat, "Bakit kasi lumaban ka ayan tuloy at nasaktan ka pa" dagdag nito at sabay tawa.
"Sino ka?" Tanong ni Phil dito.
"Magtatampo na ba ako dahil nakalimutan mo na ako" sabi nito at tinapat ang mukha nito sa kanya.
"Sir Edwardo!"
---
"Andi tara na" tawag ni Clint sa pinsan, ipapakilala nila sa Andi sa board of directors, gusto na din nila unti-unting matutunan ng dalaga ang business nila.
"Ito po, bakit kasi nagmamadali kayo" natatawang biro nito sa mga pinsan.
Pagdating nila sa opisina, asual nakakaagaw ng atesyon ang magpipinsan.
Dumeretso sila sa conference room, nandun na si Andres at Antonio at ang ibang board of directors.
"O nandito na pala ang mga anak ninyo, napakaganda naman talaga ng lahi ninyo" komento ng isa sa mga board of member.
"I know!" Natatawang sagot ni Andres, tinawag niya si Andi kaya agad itong lumapit sa ama.
"I would like you to meet my one and only daughter Andrea Sabina Zamorra" pagpapakilala ni Andres sa anak.
"Good morning everyone nice to meet you, and please take good care of me" nakangiting bati ng dalaga sa mga ito.
Kanya kayang puri sa dalaga, dahil sa kagandahan niya.
Matapos ang meeting, "Are you okey baby?" Tanong nila Clint sa dalaga.
"Oo naman keri lang mga kuya" biro niya sa mga ito.
"Simula pa lang yan, pero don't worry nandito lang kami sayo susuportahan ka namin" sabi ni Clyde at inakbayan ang dalaga, pinisil naman ni Clarence ang ilong ng dalaga.
"Hello everyone" kaya napalingon sila dito.
"Mr. Rivera" bati nila Clint dito, ngumiti lang si Andi dito.
"You really have a beautiful daughter Andres" sabi nito.
"Thank you po" pasasalamat ni Andi.
"Nice to meet you hija" lumapit ito sa kanya at nakipagkamay.
"Nice to meet you too sir" sabay abot sa kamay, pero may gumapang na kilabot kay Andi.
---
vhans :)
A/N: another update guys! Hahaha sana matapos ko ito bago mag 2017 lol! Enjoy :)
10-01-16
BINABASA MO ANG
LOVE ME OR HATE ME (On Hold)
RomanceIsang dalaga naniniwala sa happy ending,katulad sa mga fairytale na may prince charming at lalo lalo na sa true love. Paano kung dumating ang nag iisang lalaking nakapagpatibok ng puso niya, ngunit galit at paghihiganti ang tanging alam nito? Mapapa...