Love Hate- 15

110 4 0
                                    

Tanghali na ng nagising si Andi, nahirap siyang matulog dahil sa nangyari kagabi.

"Goodmorning Tita" Lapit at halik sa tiyahin.

"Goodmorning baby" Sabi ni Abby.

"Umuwi na si Trent, di ka na nahintay may may meeting daw" Sabi ni Abby, napansin yatang hinahanap ng dalaga.

"Tita, galita ka?" Tanong ng dalaga sabay yakap sa tiyahin mula sa likod.

"Di ako galit, ikaw talagang bata ka" Natatawang sagot ni Abby sa pamangkin.

"Eh, bakit parang galit ka?" Nakapout na sabi ni Andi sa tiyahin.

"Nag aalala lang ako, mukha kasing di magkasundo si Phil at Trent inalala kita baka maipit ka sa dalawang yun" Mahabang paliwanag ni Abby sa pamangkin.

Natahimik naman ang dalaga, hinainan na din niya ito ng agahan.

Habang kumakain naisip niya ang nangyari kagabi, natakot nga siya akala niya magsusuntukan ang dalawa.

"Pabalik na din si Daddy mo" Pagpapaalala ni Abby sa pamangkin.

Bigla siyang nagbago ng expression, naalala niyang padating na ang mga Kuya, Tito at Daddy niya.

"Oo nga pala no?" Masayang sabi niya.

**

Sa bahay naman ni Phil, may kausap siya.

"Ano ba makakabalik na si Andres!" Sigaw ng kausap na lalaki.

"Eh ano, bakit ba kating kati ka?" Tanong ni Phil sa kausap.

"Wala eh, mahina ka pala" Sabi nito at pinutol ang linya.

Nagalit sila Phil kaya, hinagis ang cellphone sa kama.

Hanggang ngayon naiinis siya kay Trent kung di lang lumabas ang Tita Abby ni Andi baka masapak na niya yun.

Naligo siya, para mabawasan ang init ng ulo.

Naalala niya ang magandang mukha ng dalaga.

"Shet lang" Sabi ni Phil, at napasuntok sa pader, na naging dahilan sa pagdugo nito.

Napaling lang siya, tinapos ang paliligo ang ginamot ang kamay.

Gago ka talaga Phil, naiinis siya sa sarili, nawala siya sa focus dahil natuwa siya sa dalaga.

Nagpahinga siya at ipinocus ang sarili sa dapat gawin.

Tumunog ang cellphone niya "Goodmorning Sir, gusto po kayo makausap ng Papa niyo" Sabi ng babae sa kabilang linya.

"Sige" Sagot lang niya.

"He-hello a-anak, ka-kamusta ka na?" Sabi ng lalaki sa kabilang linya na pautal utal pa din.

"Ayos lang Pa, dadalaw ako diyan, sorry medyo busy eh" Nakangiting sabi niya.

"A-ayos lang, ba-basta mag iingat ka a-anak ha!" Sabi nito.

"Sige po, mag paghinga ka na, bye Pa!" Sabi niya at pinutol ang linya, medyo maayos na ito, nakakapag salita na kasi.

Di pa ako tapos, di pa ako nakakaganti, igaganti pa kita sa kanila.

Sorry Andi, mabait ka pero mas nangingibabaw ang galit ko sa pamilya mo.

Sinira nila ang buhay na tinuring kong Tatay, papaibigin kita at iiwan, gaya ng ginawa ng tiyahin mo sa Papa ko.

Napahigpit ang kapit ni Phil sa bedsheet na kama niya, na kinadugo muli ng kanyang kamay.

**

Sa kabilang banda, may isang lalaki ang nakatanaw sa malayo, habang may hawak na kopita.

Umikot siya at tumingin sa pader, nakadikit dito ang mga litrarto ni Andres, Antonio at Abby sa parteng baba ay ang litrato ni Clint, Clyde, Clarence at Andi.

Sa kabilang side naman at ang litrato ng ama amahan ni Phil at ni Phil.

Ngumisi ito, "Malapit na magsimula ang palabas" Sabi nito.

"Iisa isahin ko kayo, hanggang lumubog kayo lahat" Sabi nito at isinaboy ang laman ng kopita sa mga litrato sa dingding ng kwarto.

A/N: waaah nakapag update din ako dito sa Love me or Hate me after 500 years haha!

Short update lang namiss ko si Phil at Andi.

Ayan na lumalabas na ng unti unti, at malalaman niyo din ang nagyari sa nakaraan.

Bow!!

Comment po?

secretvhans ♥♥

12-28-2014

LOVE ME OR HATE ME (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon