Pagkabanggit pa lang ng pangalan niya awtomatik na bumilis ang tibok ng puso niya, pag harap niya pa dito mas doble ang bilis ng tibok ng puso niya, na parang anytime lalabas ito.
"P-phil, Okey ka na ba?" Tanong ni Andi na pilit pinapakalma ang sarili.
"Hmm, O-oo pasensiya ka na kagabi ha, di ko din alam kung anong nangayari" sabi ni Phil na napahawak sa buhok niya kaya nagulo ito.
My gosh Phil and his messy hair nasabi lang ni Andi sa sarili niya.
"A-ah..ano..Okey lang yun" sabi ng dalaga at ibinaling sa iba ang tingin kasi nakatitig na naman si Phil sa kanya.
"Phil, baby let's eat" tawag ni Abby sa dalawa, sabay naman pumunta sa table at kumain.
"Sigurado ka bang Okey ka na?" Tanong ni Abby sa binata.
"Opo, salamat po Tita at pasensiya na po" nagaalangan na sabi ni Phil kay Abby.
"Ano ka bang bata ka ayos lang yun, pero pag may sakit ka wag kang magpapa ulan, buti at nakita ka ni Andi" pangangaral ni Abby sa binata.
"Opo, pasensiya na po ulit" hinging paumanhin ni Phil sa kanila.
"Ayos lang sige magpahinga ka na" sabi ni Abby, ngumiti lang si Andi sa binata.
Hinatid lang nila ng tingin ito, hanggang sa mawala na ito pero nakatitig pa din si Andi sa gate nila.
"Baby?" Tawag ni Abby sa pamangkin, kaya nagulat siya na nilingon ang tiyahin.
"Okey ka lang ba? May sakit ka na rin yata?" Nag aalalang tanong ni Abby sa pamangkin at hinipo pa ang noo at leeg nito.
"Wala po Okey lang ako" sabi ni Andi at hinila na papasok ang tiyahin.
***
Nakatingala sa puno ng atis si Andi, gustong gusto niyang kunin ang bunga nito, pero masyadong mataas.
Nakaisip siya na paraan tumingin muna siya sa pinto baka makita siya ni Abby at Manang sa binabalak niya.
May hinila siyang lamesa, at ipinatong dito ang isang upuan, luminga linga muna siya sa paligid ng makompirma na walang nakakakita sa kanya nagmamadali siyang umakyat dito.
Inaabot niya ang medyo mababang bunga ng puno, pilit niya itong inaabot, jusme ang tindi mo mag crave sabi ni Andi sa sarili.
Maabot na niya ito ng biglang na out of balance siya at nahulog.
"Baby" nagmamadaling lumapit si Abby sa pamangkin lumabas ito dahil sa narinig na ingat sa labas.
Biglang naman kumirot ang kanan paa ng dalaga dahil sa pagkakabagsak niya.
"Manang" natatarang tawag ni Abby sa kasambahay nila.
"Naku ano bang naisipan mong bata ka" bigla din natarantan ni Manang.
"Ano pong nangyari?" Biglang pasok ni Phil at lumapit sa kanila.
"Nalaglag kasi siya" sabi ni Abby kay Phil na medyo natataranta.
Nahigit ni Andi yung hininga niya ng bigla siya nitong buhatin.
"Dahil po natin sa sa clinic para magamot po" sabi ni Phil at nagmamadaling sinakay siya sa kotse kasunod ang tiyahin niya.
Di niya alam kung ano iindahin ang paa niya o ang puso niya na napakabilis ng tibok.
Pagdating nila sa isang maliit na clinic binuhat na naman siya nito.
"Wala naman siyang pilay Abby" sabi ng isang may edad na Doctor sa tiyahin ng dalaga.
"Siguro ho ba kayo?" Nag aalala pa din tanong nito.

BINABASA MO ANG
LOVE ME OR HATE ME (On Hold)
RomanceIsang dalaga naniniwala sa happy ending,katulad sa mga fairytale na may prince charming at lalo lalo na sa true love. Paano kung dumating ang nag iisang lalaking nakapagpatibok ng puso niya, ngunit galit at paghihiganti ang tanging alam nito? Mapapa...