Love Hate- 10

149 12 4
                                    

Maagang nagising si Andres at nag ayos na para makaalis dahil may meeting na naman sila, resorts at hotel and restaurant ang business nila na nakakalat sa iba't ibang parte ng Pilipinas.

"Tito let's go" aya ni Clint sa kanya ang panganay na anak ni Antonio.

Nakita din nila Antonio kasama si Clyde at Clarence na naghihintay sa kanila para makaalis na, kelangan nila ng connection para mas makilala pa ang business nila, gusto nila na hanggang ibang bansa ang business nila.

Ang Papa ni Andres, Antonio at Abigail ang nagsimula ng business at pinagpatuloy at pinalaki ng dalawang anak nito, si Abby di gaanong hands on sa business nila, pero may iilang restaurant na pinaubaya sa bunsong kapatid para may pinagkakaabalahan ito at income na din.

Magkasama sa isang subdivision si Andres at Antonio, magkatabi ang bahay nila, kaya lumaking magkakasama ang mga anak nilang si Andrea na anak ni Andres, sila Clint, Clyde at Clarence na anak naman ni Antonio.

Si Abby naman ay lumayo sa dalawang nakakatandang kapatid dahil sa nagyari, kaya hinayaan na lang nila ito.

****

"Makapag bar nga mamaya, ng makapang chicks" sabi ni Clyde na niluwagan ang necktie pabalik na sila ng hotel na tinutuluyan nila, kakatapos lang nila makipag deal sa prospect partners nila.

"Ilang araw na akong di nakikita ng chicks ko" sabi ni Clyde sa kanilang tatlo ito ang pinaka chickboy, papalit palit ng girlfriend weekly minsan ay daily na din.

Umiling lang si Clint, ito naman ang pinakasuplado sa kanilang tatlo, may paka chickboy din pero di kalala ni Clyde.

"Di ka na nagbago bro" sabi ni Clarence sa kanila medyo good boy ito ng kaunti sa dalawa, at tahimik sa kanilang tatlo.

Nagkatinginan na lang ang dalawang magkapatid na si Andres at Antonio sa mga binata.

"Namiss ko na ang prinsesa natin Kuya, walang makulit" sabi ni Antonio.

"Oo nga walang magulo at nanbabara sa tatlo" natatawang biro ni Andres kaya nagkatawanan sila.

"Oo nga Tito kahit lakas mambara yun" sabi ni Clint.

"Tsaka harass" dagdag ni Clyde.

"At pasaway" natatawa si Clarence.

Lalo silang nagkatawanan, pinaguusapan nila si Andi, mahal na mahal nila ang dalaga sobrang istrikto nila, at higpit dito.

Nakikita ni Andres at Antonio ang mga sarili nila sa tatlo kung gaano nito pinoprotektahan ang dalaga, ganun din sila dati kay Abby.

Biglang nagring ang cellphone ni Andres ang bunsong kapatid na si Abby.

"Hello baby?" Biro nito kay Abby.

"Kuya tumigil ka nga di na bagay sakin yan, kay Andi na yan" inis na sagot ni Abby sa kapatid, tawa ng tawa ang kapatid pati ang mga pamangkin.

"Alright Abby" pagsuko nito.

"Kuya.....ano kasi ahmm.... kahapon...may isang lalaking pumasok sa bahay" medyo kinakabahan sabi ng dalaga.

"Tsaka nalaglag si Andi sa puno nagkasprain siya" dagdag nito.

"Ano?" Biglang taas ng boses.

"Pero Kuya Okey na si Andi ayos ang paa niya nakakalakad na siya ng maayos, tsaka nakakulong na yung lalaki" kinakabahan na sabi ni Abby sa kapatid.

Nataranta silang lima "Let's go home Dad" sabi ng tatlo sa ama.

"Sige uuwi na tayo" sabi ni Antonio.

"No, no Kuya Okey na Okey na kami ni Andi, kelangan niyo pang magstay diyan diba, promise Okey na kami mas mag iingat kami, tsaka may kasama na kaming lalaki" pigil ni Abby sa mga ito.

Napabuntong hininga kami, "Alright pero next week uuwi na kami, may tatapusin lang kami, at maguusap tayo sa pag s'stay mo diyan sa bahay mo, di na safe" maotoridad na sabi ni Andres sa kapatid.

"Alright, take care see you soon" mababang sabi ni Abby.

"Kelangan maayos na natin lahat, next week uuwi na tayo" sabi ni Antonio sa mga anak niya.

Napatango lang sila, kung pwede lang umuwi na sila gagawin nila pag si Abby at Andi ang pinaguusapan natataranta sila.

secretvhans♥♥

LOVE ME OR HATE ME (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon