Nakasimangot akong nakaupo sa harap ng hapag kainan. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan ang mga kasama ko.
Kadarating lang namin dito sa beach resort na siyang pinili ng powerpuff. Umagang umaga niyaya kami nila raine mag beach. Bukas pa naman ang balik namin sa manila kaya sinulit ko na din. Ilang taon na akong hindi nag punta ng beach. Buhay pa sila mama at papa noong huli akong nakakita ng beach.
Tinignan ko ang mga pagkain sa harapan ko. Hindi naman sa maarte pero lahat ng nakahain sa harapan namin ay mga hindi ko gustong pagkain. All seafoods and some salads. Never ko nagustuhan ang mga vegetable salads. Seafoods naman, nangangati ang bibig ko doon. Kaya nga kahit anong klaseng pagkain galing sa dagat ay di na pinakain nila mama sa akin.
Hindi ako napansin ng powerpuff at ni Addy dahil busy sila mag plano sa kung anong gagawin namin. Kumuha nalang ako ng fresh cut fruits sa pinggan ko kanina dahil ayokong mahalata nila. Even though Addy knows me well. Hindi ganun kalawak ang kaalaman niya sa akin when it comes to food. Hindi naman kasi kami mahilig kumain sa labas. Laging sa apartment lang at laging delivery or luto ng mama niya ang kinakain namin. Favorite ni Addy ang kahit na anong luto ng chicken kaya laging chicken ang niluluto niya. Never ko nasabi sa kahit na sino ang tungkol sa mild allergy ko sa seafoods at ang ayaw ko sa gulay.
"Ate jazz!!" Hindi ko nilingon si Hanz sa pagtawag niya sa akin. Naramdaman ko nalang na tumabi siya.
Habang nag kwekwentuhan kasi ang iba ay may binabasa akong email na pinadala ng secretary ni kuya hero sa akin. Tumawag din si kuya hero kanina para sabihin na kailangan kong I-review muna bago ko pirmahan. Kaya hindi din ako pinapakialaman ng mga girls king tahimik ako kanina pa.
"Work related. Don't disturb her, Hanz." Narinig kong suway ni Addy kay hanz kaya natahimik nalang ito.
"Can we go diving later, kuya reed?" Natigilan ako sa tanong ni hanz. Andito na din sa table ang demain band.
Simula ng nangyari kagabi ay hindi ko na siya pinansin pa. Hindi dahil sa galit ako sakanya kundi dahil sa nahihiya ako sa ginawa kong pag walk out at sa mga sinabi ko. I should've clean wounds with him but instead I rubbed a salt on it."
"Sure. Maybe after lunch." Napakagat ako sa labi ko dahil sumagot siya.
May mga pinag usapan na sila. Nakisali na din ang ibang demain band. Hindi na ako nakapag concentrate pa sa binabasa ko. Huminga ako ng malalim at sinubukan ko muling mag concentrate. Gusto ko siyang tignan pero nilalamon ako ng hiya. Dapat kasi di na ako nag inarte pa kagabi eh.
Mamaya maya ay napansin kong may nag lalagay ng pagkain sa pinggan ko. Doon na ako tumunghay. Natigilan ako ng makita ko si reed na busy maglagay ng pagkain sa pinggan ko. Tinignan ko iyon at nakita kong Charlie Chan noodles ang nilalagay niya along with spring rolls. Hindi ko napigilan ang maliliit na ngiti sa labi ko. Maliban sa natutuwa akong inaalala ako ni reed. Natutuwa din ako sa mga pagkain. Makakakain na ako sa wakas.
"Kuya, I think ate jazz is on a diet." Hindi tumigil sa paglalagay ng pagkain si reed sa plato ko. Tinignan ko ang table namin ay mga mga iba't ibang pagkain na doon na kakarating lang at nilalapag ng mga waiter.
"Diet is not in her vocabulary. She don't eat these foods you ordered kaya wala siyang choice." Gusto kong kiligin ng sobra pero pinigilan ko. He knows! Paano niya nalaman? I never told anyone.
"Is that true?" Tanong ni Addy sa akin. Tinignan ko silang girls. Tumango tango naman ako at dahil sa nakakatakam na pagkain sa harap ko at tumunog ang tiyan ko senyales na gutom.
Kumunot ang noo nila pero si Addy ang unang naka-recover. Natawa siya at napailing.
"2 points for you, reed." Sabi nito kay reed na ngumisi lang.
BINABASA MO ANG
Heartstrings
TeenfikceIn a world full of hypocrites and lies. Jazz is there living in the darkness. She hid herself for her to chase her dreams. She was so careful but her plan to be invisible all through out her 1 year in academy didn't happen so easily. Because love c...