"Ate jazz, bilisan mo ha? Hintayin ka namin sa cafeteria. Kanina pa naghihintay doon sila kuya reed." Nag okay sign ako kay raine bago tumalikod.
Papunta na kasi kami kanina sa cafeteria at gusto namin kumain ng snack matapos ang class namin sa hapon. Pero nakatanggap ako ng text kay kuya hero na SOS. Pag ganun ang text namin sa isa't isa. It's a bad bad bad news.
Pag dating ko sa office niya ay agad niyang nilock ang pinto. Sinenyasan niya akong sumunod sakanya hanggang sa makapasok kami sa isa pang office.
Naglalakad si kuya hero pabalik balik sa harapan ko. Nakahawak ang mga kamay niya sa bewang niya. Habang pinapanood ko siya ay lalo akong kinabahan.
"Alam na ba nila?" Tanong ko. Sinubukan kong wag ipakita sakanya ang takot ko at pag aalala pero mukhang hindi ko nagawa dahil bigla nalang niya akong hinawakan sa kamay at seryosong tumingin sa akin. Puno ng takot at pag aalala ang nasa mata niya.
"I'm really sorry, jazz. A-alam na nilang andito ka sa academy. A-alam na niya." Napabitaw ako kay kuya hero.
Nakakunot ang noo kong tinignan siya. Napaatras ako at napahawak sa noo ko. Ilang beses akong umiling ng umiling. Hindi maari! Hindi to pwede! Ineexpect ko na sooner or later malalaman na niya kung asan man ako pero hindi ganito kabilis.
"You still have a chance to escape. Today, jazz. Tinawagan ko na si aimee to come here and pick you up. Itatakas ka niya. Mag stay ka muna pansamantala sa province nila sa iloilo. Mag papagawa ako ng panibago mong pangalan." Pumunta si kuya hero sa table niya at may hinahanap.
Pinanood ko siyang natatarantang naghahanap sa table niya. Ilang beses ko siyang narinig na mahinang napamura.
"Once everything is done. Kukunin kita doon. Aalis ka ng bansa at sa ibang bansa ka magtatago."
Bumigat ang puso ko sa mga naririnig kong sinasabi niya. Aalis ako ng academy? Paano ang pangarap ko? Paano ang mga kaibigan ko? Paano si reed? Ang old building? Paano ang lahat ng pinag hirapan ko makaabot lang dito?
"Sa Liberia. Doon ka muna. May kaibigan ako doon na mapagkakatiwalaan natin. Matagal bago ka nila mahanap ulit kung doon ka muna titira."
Nahanap niya ang phone niya sa table na natatakpan ng nagkalat na gamit at papeles sa lamesa niya.
Agad akong lumapit sakanya at pinigilan siya sa kung sino man ang tatawagan niya. Tumingin siya sa akin.
"Jazz.." Banggit niya sa pangalan ko. Ang pagtawag niya sa pangalan ko ay isa sa mga dahilan kaya ayokong umalis. Paano ko iiwan ang taong tumulong sa akin simula ng mawala sila mama at papa? Paano ko iiwan ang taong tinuring na akong kapatid?
"Hindi ako aalis." Kumunot ang noo niya at umiling. Tinalikuran niya ako at humarap sa bintana.
"Is it because of that fontanilla?" May diin sa pag bigkas niya ng surname ni reed.
"Yes.." Deretsa kong sagot na mukhang nag pasakit ng ulo niya. Minasahe niya ito.
Huminga ako ng malalim at lumapit sakanya. Hinila ko siya paupo sa swivel chair niya. Tinignan niya ako ng nagtataka. Pumwesto ako sa likuran niya at minasahe ang sintido niya.
"Kuya hero, buhay ko ang kaya kong ibayad kapalit ng mga tulong mo sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung di mo ako tinulungan noon. Malamang ay baka patay na din ako." Lumunok ako at nag patuloy sa pagmasahe sakanya.
"Sapat ka na bilang dahilan na ayokong umalis dito sa pilipinas. Hanggang sa dumating si ate aimee, ang mga kaibigan ko at si reed. Lahat kayo kuya ang dahilan ko na ngayon para hindi na tumakbo pa." Hinawakan niya ang kamay ko na nag patigil sa akin sa pag mamasahe ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Heartstrings
Teen FictionIn a world full of hypocrites and lies. Jazz is there living in the darkness. She hid herself for her to chase her dreams. She was so careful but her plan to be invisible all through out her 1 year in academy didn't happen so easily. Because love c...