♬ 30 ikaw at ako

30 1 0
                                        

"Good morning.." Napangiti ako paglabas ko ng kwarto.

Nadatnan ko si kuya hero at ate aimee na nag hahanda na ng breakfast namin.

"Happy new year, jazz!" Masaya si kuya hero na niyakap ako.

"Happy new year!" Niyakap ko din siya pabalik at niyakap ko din si ate aimee.

Magkakasama kaming tatlo na nag celebrate ng new year. Sa labas kami nakisali sa countdown. Sumunod lang si reed nung natapos na ang countdown dahil kailangan andoon siya sa kanila sa pagsalubong.

Last night was the happiest beginning of my year. I'm with kuya hero and ate aimee at syempre si reed. The three of them made me forget all the pain, hatred and loneliness I've had for three years. The three of them made me want to have a new beginning. No more madness, no more sadness, no more tears.

Tingin ko it's about time to be happy again. To be me again. Tingin ko tama na ang tatlong taong suffer. Alam ko din na kung masaya ako ay masaya din sila mama at papa sa akin.

"Are you sure you don't want to come with us?" Tanong ni kuya hero ng mag umpisa kami mag almusal.

"Very sure." Tsaka ako humigop ng kape. Dahil kay reed nahihilig na ako sa kape. He loves coffee!

"Iba na yan ah. You always spend your vacation with reed's family." Nanunuksong tinignan ako ni ate aimee. Hindi ko napigilan mapangiti.

"Naku Naku! Ang mga ngiting yan ah.." Tinuro pa ang mukha ko. Inalis ko ang kamay niya sa harap ng mukha ko at kumuha ng ulam.

"Just don't forget to use protection.." Napasinghap ako sa sinabi ni kuya hero.

Magsasalita palang sana siya ulit Pero mabilis ko siyang sinubuan ng tinapay. Natawa naman sila ni ate aimee pero ako hiyang hiya dahil sa sinabi niya.

How could they?

-

Nakahiga kami ni reed ngayon sa Bermuda grass ng garden nila. Nasa pool area ang mga kaibigan namin. Nakapatong ang ulo ni reed sa mga kamay niya at ako naman ay nakahiga sa tiyan niya.

"Eh paano kung may ibang manligaw sa akin sa campus niyo?"

"I will kill them!"

"Paano kung may mas gwapo pa pala sayo doon tapos na fall ako sakanya?"

"You won't! Patay na patay ka kaya sa akin."

"Ahh. Ang kapal."

Tumawa si reed kaya ramdam ko ang pag yugyog ng tiyan niya.

"Just please. Sabihin mo kay hero doon ka mag aaral sa campus kung saan din ako nag aaral. Ayaw mo nun, we would be seeing each other everyday?" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Paano kung mag sawa ka sa akin dahil araw araw tayo magkasama?" He groaned dahil hindi ko siya tinantanan sa mga paano na yan.

"Babe naman. Ayaw mo ba ako makita araw araw? Ayaw mo ba mag aral doon? Well, if you don't like the school then atleast go to the school near my school para masusundo pa din kita everyday." Lalong lumaki ang ngiti ko.

"Paano kung-"

"One more what if I will kiss you here until my parents see us." Napaikot ang mata ko dahil ganyan ang lagi niyang pagbabanta.

Hindi naman ako mag papaka-hipokrita para sabihin ayaw ko sa pagbabanta niya. Syempre gustong gusto ko noh. Jeez. I sounds like a girl who is hungry with kiss.

"Fine! Pero alam mo naman. I don't have a parents to send me in that prestigious school. Nahihiya naman ako kay kuya hero kung ako pa ang pipili." Yun naman ang totoo. Hindi ko kaya makipag sabayan sa mamahaling school nila reed.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon