♬28 Christmas concert

19 1 0
                                    

The Concert...

Nasa loob na kami ng concert hall. Medyo nag kakagulo na ang mga crews. Una nilang tinapos ang mga mauunang mag peperform. Nakaayos na din ako at cool lang na nakaupo sa pwesto.

Gaya ng lagi kong ginagawa bago mag perform nasa isang tabi lang ako at nakaupo, nakasuot ng earphone at nakikinig ng classical music. Sa pagkakataon na to, nasa tabi ko si reed na nakikinig din ng music na pinapakinggan ko. Na sakanya ang isang earphone at sa akin naman ang isa.

Tinignan ko ang oras at 7:57pm na. 3 minutes nalang mag start na ang concert. Mag tatagal ang concert ng almost 3 or 4 hours. May mga dinagdag sa rehearsal namin kahapon. Mabuti nalang at tatlong beses lang akong pupunta sa stage pero ang demain band ay limang beses.

"Asan na ba yung isa niyong ka-banda?" Narinig kong tanong ng isang crew sa demain band.

Tumingin ako kay reed na mukhang narinig din yun. Nginitian ko siya and give him a go sign. Hindi ko na kailangang sabihin na galingan niya dahil magaling naman na talaga siya, sila. Hinalikan niya ako sa pisngi ko bago niya ako iwan.

Yung first performance nila ay tatagal ng halos 7 minutes dahil nga opening number yun ng concert. Ilang mash up songs ang mangyayari. Meron yung si jesse ang kakanta, meron yung may ka-duet siya, meron naman yung solo lang din ng isang lalaki at isa pang babae na kasama nila.

Tinanggal ko na ang earphone ko ng nag simula na ang isang VTR introduction sa stage. Nag sasalita na din ang MC na nag we-welcome sa mga nanonood. Nakita kong umakyat na din ang mga students na mag peperform at pumunta na sakani-kanilang pwesto.

Matapos ang halos 2 mins na introduction at panood sa vtr ay narinig ko na ang pag tugtog ni reed. Sumilip ako sa stage at kitang kita ko siya dahil na sakanya ang spotlight. Madaming nag hiyawan sa mga audience. Hindi ko maiwasan makaramdam ng proudness. Sinolo niya ang part na yun. Ang ganda ganda niya panoorin! Mamaya ay sinayaban siya ni Ivan kaya may spotlight na din kay Ivan at may mga humiyaw din sakanya then si christian at jesse na may spotlight din. Lalong umingay ang audience at ramdam na ramdam ang excitement sa concert na to dahil kakaumpisa palang ay sobra na ang energy na binibigay ng lahat.

Lumingon ako ng may humila sa akin. Isa sa mga crew. Inayos nila ang itsura ko dahil after ng first performace ay susunod na ako. Napangiti ako dahil sa excitement. Nakasuot ako ngayon ng cocktail floral dress na isa sa mga crew ang nagbigay sa akin. Ang academy din kasi ang bahala sa susuotin namin.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si kuya hero. Nag reply din naman siya agad kaya nakahinga ako ng maluwag. Ilang minuto pa nila ako inayusan at saka pinapunta na sa side ng stage dahil patapos na ang performance ng demain band at mga kasama nilang students.

Nakangiti kong sinalubong si reed ng matapos sila. Nakipag high five ako kila Ivan, jesse, christian at ibang students. Tuwang tuwa naman silang lahat at pati ang mga crew dahil walang pumalpak.

"You're so beautiful, babe." Titig na titig si reed sa akin. Natawa ako ng lalapit na sana siya pero hinila siya ni Jesse. 

"Dude, you'll messed up her look." Sinimangutan ni reed si Jesse.

"Look at yourself, cal. We are sweating too much." Tama naman si Ivan. Lahat sila ay pawisan dahil sa matagal nilang performance kanina.

Nginitian ko nalang sila. Kinuha ko ang tissue na hawak ng isang crew. Nagulat pa ito sa pagkuha ko pero di naman nag reklamo. Pinunasan ko ang pawisang mukha ni reed. Nagmaktol ang tatlo sa ginawa ko.

"Wipe your sweats assholes!" Pag iinggit ni reed sakanila. Napailing akong natawa.

"Jazz, in 10 seconds!!!" Tawag ng isang crew sa akin. Napatango ako.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon