♬25 Reality sets in

24 1 0
                                    

N/A: SONGS ARE NOT MINE. CTTO

"Grabe! Excited na talaga ako!"

"Me too!"

"Mas excited din ako sa upcoming christmas concert natin."

"What do you think is their plan?"

"Siguro mas maganda pag by group ulit tayo mag perform?"

"Yes! That would be good."

"Maybe we can make original songs again."

"Ate jazz, will gonna nailed it again for sure."

Humigop ako ng coffee na kakatimpla ko lang ng marinig ko ang pinag uusapan ng tatlo. Nasa loob pa din kami ng dorm at nag re-ready na para sa class namin mamaya.

Simula kagabi ay bukambibig na nila ang mga announcement ni kuya hero. Lahat ng students ay mukhang nabuhayan at sobrang tuwa. Ako nga lang ata ang hindi eh.

"Ate jazz, baka you can ask kuya hero what's the plan for christmas concert?" Lumingon ako sakanila at kunwari nag isip.

"Sige. Tanungin ko." Sabi ko na ikinatuwa nila.

Nag usap na sila ulit kaya nawala ang pekeng ngiti sa labi ko. Pinanood ko silang masayang nag uusap. nag pla-plano na sila kung anong gagawin nila pag labas namin ng academy. Napapangiti pa din naman ako dahil sinasama nila ang pangalan ko sa plano nila.

Mag sho-shopping daw kaming apat, manonood ng sine, kakain sa restaurant. Mag swi-swimming, pupunta sa beach, a-attend ng concert ng mga sikat na singers and bands na tradition na sa pilipinas every christmas at madami pa silang plinano. Gusto ko din naman ang mga sinasabi nila.

Pero ang iniisip ko, paano ako sa christmas eve? Sa christmas day? Sa new year's eve? Sa new years day? Matutulog na naman ata ako mag isa. Manonood ng movies tapos iiyak ng iiyak.

Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko kung paano ko icelebrate ang mga nakaraang pasko at bagong taon. Mag isa, puno ng lungkot. Hirap ako noong unang pasko at bagong taon na wala ang magulang ko. Matapos nun ay doon ako nag collapse. Hindi ko nakayanan ang lungkot.

Pangawalang pasko at bagong taon na wala sila ay mag isa na naman ako. Kahit na gusto akong samahan ni kuya hero at ate aimee hindi ako pumayag. Nag kulong at nag mukmok lang ang ginawa ko.

Talaga nga namang malupit sa akin ang tadhana. Kung kailan excited ako sa darating na pasko at bagong taon. Hindi pa ako pinagbigyan. Mabilis akong tumalikod sa tatlo at humarap sa lababo saka pinunasan ang mga luha ko.

Napalingon ako ng may sumiko sa akin. Nanlalaki ang mga mata ni raine na tinignan ako. Tumingin siya sa harap kaya tumingin din ako doon. Napaayos ako ng upo dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Napalunok ako at pilit ngumiti.

"Are you okay, jazz? You are not listening to class." nag aalala na tanong ni Mrs. Alcantara.

"I'm okay po. Puyat lang po." Ngumiti ako sakanya. Napatango naman siya.

"I asked the class if who wants to share an original composition but no one volunteered. Baka meron kang gusto i-share?" She looks hopeful. Kilala niya ang parents ko so for sure she knows na madaming ginawang mga kanta ito na hindi pa narinig ng mga tao.

Nag isip ako sandali at tumango. Ngumiti si Mrs. Alcantara at sinenyasan akong pumunta sa harap. Tumayo ako at dinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan ko lalo na si reed. Napangiti ako dahil doon.

"This song is not originally composed by me but by my father. Walang ibang nakakarinig nito kung hindi ako at si mama. Sana magustuhan niyo."

Tumingin ako kay Mr. and Mrs. Alcantara at ngumiti sakanila. Kinuha ko ang isang acoustic guitar at umupo sa gitna sa harap ng mga classmates ko. Isa sa pinaka-gusto ko sa academy na to ay ang mga amazed na tingin sa akin ng mga classmates ko sa panghapon na music class.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon