♬3. First Day

84 5 0
                                    


Kinakabahan ako dahil sa dami ng taong naglalakad ngayon papasok dito sa academy. Nandito ako sa harapan ng malaking gate ng academy na papasukan ko. Grande Music Academy.

Dito sa academy na ito nag kakilala ang mga magulang ko. Pang mayaman ang school na ito pero tumatanggap naman sila ng mga commoner na katulad ko. Dahil na din sa scholarship.

Hindi big deal dito kung ikaw ang pinakamatalinong tao sa academics. Dahil sa school na ito. Musika ang mahalaga, musika ang pwedeng ipagmayabang. Kung magaling ka sa mga instrumento, maganda ang boses mo o magaling kang sumayaw. Hindi mahalaga dito ang yaman mo dahil pag pasok mo sa loob ng academy na ito lahat kayo pantay pantay. Pero mag iiba ang tingin sayo pag katapos ng ranking.

Every month ay may ranking na mangyayari. Ang ranking na gagawin ay parang examination. Ang gagawin sa every end of the month ay performance. Ipapakita mo ang talento mo base sa itinuro nila sayo sa buwan na iyon. Kunwari tinuro sa amin ang R&B kailangan naming tumugtog o kumanta ng R&B. Sa mga dancer naman kung tinuro ay ballet kailangan nila i-present din yun kahit pa na hiphop ang sayaw mo and vise versa. Masyadong kumplikado pero kaya nga nahahasa ang bawat taong nag aaral dito dahil talagang pahirapan ang ginagawa.

Hindi lang naman puro musika ang pwede dito, sa katunayan, pwede din pumasok dito ang mga magagaling na mananayaw, magaling sa theater arts at sa kahit ano pang arts. Pero mas focus kasi sila sa mga musics talaga.

"Aray!" Natumba ako at nahulog ko ang mga buhat kong gamit dahil binunggo ako ng magandang babae.

"Jeez, even here may mga tatanga tanga pa din pala." Sabay irap niya sa akin at talikod na. Wow ha? Ako pa ang tatanga tanga. Eh siya nga ang bumunggo sa akin. Tss.

Keep calm, Jazz. Kuya hero said, lay low. So don't act stupidly! Pumikit ako at paulit ulit kong tinatak yun sa isip ko.

Para kay mama at papa, para sa pangarap ko, para kay kuya hero. I will finish the one year without anyone noticing me. Napatango ako at nag umpisa nang pumasok sa malaking gate.

Pag pasok sa loob ng academy. May napakalaking 4th floor building sa harap. Akala mo ay iyon na ang buong Grande Musical Academy pero hindi pa. Iyon ay administration office. Madaming mga tao doon na nakapila. May mga nakahilerang golf car sa makabilang side ng malaking building. Pinakita ko sa lalaki ang room key ko at ang Admin pass ko na ibig sabihin ay pwede na akong makapasok sa talagang academy.

Hindi na ako pumila sa harap ng malaking building para kunin ang room key ko dahil dati na itong nabigay ni kuya hero. Hindi ko na pinansin ang ibang tingin ng mga estudyante sa akin ng nakasakay na ako. Nagtataka siguro dahil nakita nilang hindi man lang ako pumasok sa admin building may admin pass na ko. Perks of knowing the owner.

"Welcome to Grande Musical Academy!" Pag welcome ng lalaking nag mamaneho ng golf car sa akin ngayon. Nginitian ko nalang siya.

Pinagmasdan ko ang paligid. Sa likod ng malaking building ng admin ay makikita ang napakaluwang na soccer field. Sa kabila ay may mga golf car na pabalik na sa admin building. Kitang kita ang bawat building na nasa paligid. Nakita ko din ang bawat signage ng mga musicals, voices, dance, arts at iba pa. Ang daanan ay parang mga daan sa subdivision na malinis. Mag kakahiwalay din ang mga buildings at panigurado nakakapagod maglakad dito.

Pero napaliwanag na sa akin ni kuya hero na kung saan ang building mo ay malapit lang din doon ang dorm mo. Mag kakahiwalay ang ang mga buildings ng ibang courses para makaiwas sa ingay. Dahil syempre may mga iba ay mag sasayaw hindi sila makpag focus pag naririnig nila ang mga instruments. May mga second story na bahay din sa paligid at hindi ko alam kung ano ang mga iyon.

Sa sobrang luwang at laki ng academy ay hindi ko na namemorize ang daanan. Pero ang hindi ko makakalimutan ay may nakita akong supermarket. Halos matawa ako ng makita yun. May coffee shop din sa katapat, gas station at ibang restaurants. May mga shops din na pang babae at panglalaki. Lahat ay mga branded na gamit. Kitang kita ang mga sikat na logo ng brand ng sapatos, bag at damit. Napailing nalang ako.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon