♬2. Demain band

80 5 0
                                    

"Bakit ba lagi mo nalang iniistorbo ang natitirang araw ko dito?" Inis kong tanong kay kuya hero at dumeretcho na sa sala ng bahay niya.

"At mas lalo ko pang guguluhin pag pasok mo sa academy." Sinamaan ko siya ng tingin dahil tumawa pa.

"May usapan tayo kuya hero ha. Huwag kang ano dyan!" Pag papaalala ko sakanya.

"Oo na! Bakit ba ang sungit mo? May monthly period ka ba ngayon?" Hindi ko siya sinagot sa tanong niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka Humiga ako sa sofa at nag inat. Gusto kong matulog ulit.

Nakasuot pa din ako ng pang bahay. Kaninang 7am ay tumawag siya sa akin at sinabing pumunta ako sa bahay niya ng 8am dahil may importante kaming gagawin. Kahit na gusto ko pa sana matulog ay pinilit kong bumangon. Hindi ako maka-hindi kay kuya hero. Siya nalang ang nag iisang taong masasandalan ko dito sa mundo kaya naman kung kailangan niya ng tulong ay tutulong talaga ako. Dahil hindi pa yun sapat sa lahat ng mga nagawa niya sa aking kabutihan.

"Kumain ka na ba? Nag pahanda ako kay yaya ng breakfast mo. Alam kong di gagana ang utak mo pag walang pagkain kaya kumain ka muna." Mahina niyang sinipa ang legs ko kaya inis akong bumangon.

"Pagkatapos mo doon tayo opisina ko." Muli akong nag inat at humikab. Umayos ako at kinuha ang pagkain sa may mesa. Pinanood ko siyang umakyat sa magara niyang hagdanan.

Nilibot ko ang tingin ko sa sala ni kuya hero. Sa sobrang laki ay halos mabali ang leeg ko. Napahawak pa ko doon. Sana ay maging katulad ko siya pag nakapag tapos ako sa academy. Sana ay maging sikat din akong musician, music producer, compisitor at lyricyst. Makapagtayo ng sariling mga negosyo at makilala ang pangalan ko.

Maliban sa magulang ko, si kuya hero din ang iniidolo ko. Mabait, mahaba ang pasensya, mapag mahal, talented at lahat na. Gwapo din siya at madami ang nagkakagusto. Mas matanda si kuya hero sa akin ng 7 years. Kahit 24 years old palang siya madami na siyang napatunayan sa buhay. Isa siya sa inspirasyon ko para maging succesful. Someday, i'll be like him.

Matapos ko kumain ay nag punta na ko sa opisina ni kuya hero. Alam ko na ang pasikot sikot ng bahay niya dahil halos ilang beses na ko pumunta dito. Sa katunayan ay may kwarto ako dito. Pwede daw ako umuwi at matulog dito kung kailan ko gusto. Minsan dito ako natutulog. Kumbaga siya ang legal guardian ko ngayon. Dahil na din siguro sa pakiusap ng magulang ko sakanya.

"Ang tagal mo naman kumain!" Reklamo ni kuya hero na ikinaismid ko lang.

Nakaupo siya sa sahig at prenteng nakasandal sa pader. May mga bean bag malapit sakanya at nagkalat ang mga papers sa paligid niya. Umupo ako at tinignan ko ang mga iyon. mga bio-data ng tao. May nakalagay pang logo ng Grande Musical Academy.

"Mga enrolees sa academy?" Tanong ko para makasigurado. Tumango si kuya hero at binaba ang hawak niyang papel.

"Oo. Sumobra ang natanggap natin. It should be 200 but all of these are 209. Kailangan natin mag tanggal ng nine na tao. And it's not easy! All of these people are very talented."Iniisip ko palang mukhang mapapagod na ako sa gagawin namin.

"Pero lahat sila magaling at deserving. Pasukan na in 5 days. Huwag mong sabihin wala pang formal acceptance letter ang mga to? Anong gagawin natin niyan?" Lalong nalukot ang mukha niya sa sinabi ko.

"That is why I need your help. Tulungan mo akong mag tanggal ng nine na tao. Wala ang secretary ko dahil nanganak ang asawa niya. Ayoko naman na admin ng academy ang gagawa ng formal acceptance. Alam mo naman madaling mabili ang isang tao. Baka mamaya yung hindi natin napili ay makakapasok sa academy at ang deserving ay hindi. Katulad dati." May diin sa bawat salita niya. Naintindihan ko siya. Dahil nangyari na ito dati. Kaya nga simula ng si kuya hero na ang humawak ng academy ay siya mismo ang nag seselect ng mga makakapasok.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon