♬21 Believe you can fly

24 1 0
                                    

N/A: All songs are not originally from me. I only made up that it's originally composed by them. Each Songs and singer will be listed at the end of this chapter. Songs are not mine but by the rightful owners. Thank you!

Performance day..

Napapikit ako ng makapasok kami sa auditorium. Lahat ng students ay busy na sa pag hanap ng upuan nila. Kami namang mag peperform ngayong araw ay dumeretso na sa backstage.

Ang nabunot nila raine kahapon ay pang number 9 kami. Lucky number 9. Sana sing swerte din namin mamaya ang number na nabunot namin.

Dahil by group ang performance. Ginawang isang araw lang ang performance day at hindi na dalawang araw. Meron 18th group na mag peperform ngayon. At hinati kami sa dalawang grupo. Dahil number 9 kami ay kami ang pinakahuling mag peperform sa pang umaga.

Napa-lunok ako sa kaba ng makita kong nagdatingan na ang mga bagong panelist. Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid. Napa-tango ako at kahit papaano ay nakahinga ng maluwag sa pagbabago ng panelist.

Yan ang isa sa plano namin nila kuya hero. Ang palitan ang mga nakaupong panelist tuwing performance. Ang mga dating panelist ay board members ng Grande musical academy. At dahil board members sila madali lang silang hawakan sa leeg ng matandang grande.

Sa buong araw na nag usap kami noon nila kuya hero, ate aimee at reed. Pinag isipan namin kung sino ang mga kukuning panelist. Hindi ko akalain na mapapapayag sila ni kuya hero dahil mga busy sa music industry ang mga taong ito.

Pinanood ko silang seryosong umupo sa kani-kanilang upuan sa harap ng stage. Walang nakangiti at walang nag uusap sakanila dahil lahat sila ay kilala nang ganyan ang personalidad.

Nangunguna si Mr. Junio, isang batikang musician at opera conductor sa mga bansa dito sa asia. Nag perform na din siya sa iba't ibang opera house ng Australia, Canada, America, Germany at Italy. Kilala si Mr. Junio sa matalas nitong pandinig. Kahit na 30 instruments ang sabay sabay na tutugtog alam niyang may mali. Maririnig niya yun at alam niya kung sino ang nagkamali sa pag tugtog. Ganun siya kagaling na musician!

Pangalawa sa panelist ay si Mrs. Mila Mendez, isang batikang singer simula pa noong 50's. Nag simula siyang sumikat noong 8 years old palang siya dahil sa taglay nitong magandang boses. Simula noon hanggang ngayon ay sikat na sikat pa din siya at nirerespeto sa showbiz and music industry. Siya din ay napakarami ng awards. Hindi lang siya dito sa pilipinas sikat dahil kilala din siya sa bawat panig ng mundo. Kumanta na siya kasama nila Celine Dion, Whitney Houston, Michael and Janet Jackson at Iba pang mga sikat na singers noon at ngayon. Siya din ang laging kinukuhang judge sa mga prestiyosong competition.

Pangatlo sa panelist na tumingin sa paligid ay si Mr. Juan Pablo o tinatawag na Mr. P sa larangan ng musika at showbiz industry. Sikat siyang music producer at talent agent noon pang 80's. Siya ang dahilan kung bakit sumikat ang mga sikat na artista at performer ngayon. Si Mr. P ay may angking galing sa musika. Hindi siya tulad ng mga iba na batikan na Pero ang kakayahan ni Mr. P ay pag nakita ka niyang may future sa music, maswerte ka dahil panigurado sisikat ka pag siya ang nag handle sayo. Isang tingin niya lang sayo ay alam na niyang maganda ang future mo.

Ang pang apat naman ay si Ms. Lucille Vandermolt. Isa siyang half Filipina at half German na parehong sikat sa dalawang bansang kinalakihan at minahal niya. Si Ms. V ay walang asawa at anak at isa sa nag mamay ari ng star labels ng kumpanya ng mga perkins. Ginagalang siya sa mundo ng musika. Siya lang naman ang pinakasikat at tinitingala sa pag composed ng mga kanta mula noon hanggang ngayon. Iniidolo siya ni mama ng sobra dahil talagang magaganda ang gawa niyang kanta.

Ang pang-lima ay si Dante Fereira. Siya ang pinakasikat na performer sa generation na to. Magaling sumayaw, kumanta at umarte. Nahasa siya simula pag kabata niya. Anak siya ng yumaong sikat na sikat noong panahon ng 80's na si Dahlia Fereira. Mas lalong sumikat si Dante dahil hindi niya ginamit ang koneksyon ng mama niya para sumikat siya. Noong namatay ito panahong 90's nagsimula siyang gumawa ng mga sariling kanta na kinakanta lang niya sa kalye. Tinatawag ngayon na busking. Hanggang sa siya na mismo ang nag handle sa sarili niya sa mga pagkanta niya at mga sunod sunod niyang projects at pinasok na din ang pag arte. Mas nagpasikat pa sakanya ay ang curiosity ng mga tao ngayon dahil limang taon na siyang hindi gumagawa ng sarili niyang kanta.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon