♬11 Worth it

24 2 0
                                    

Last week of the month na naman kaya lahat kaming estudyante ay seryoso sa paparating na performance.

Every end of month kasi ay may performance kami. Na nangyari na nitong mga nakaraan na buwan. Minsan individual, minsan by partner or by group. Ngayon ay individual kaya kanya kanya lahat kaming mga students. Maliban sa amin ni reed na andito ulit sa hiding place.

Sabay kaming nag prapractice ng kung anong tutugtugin sa performance. Grupo sila na pumasok dito sa academy pero sa bawat performance pag sinabing individual ay individual dapat kahit pa nasa banda ka.

"Try mo ilipat sa G# pagkatapos ng sixteenth quarter. Tapos gawin mong tempo eh 1/3 para medyo mabilis." Turo ko kay reed na ginawa naman niya. Hindi electric guitar and gamit niya ngayon kung hindi acoustic. Sinabi ko sakanya na sabayan niya sa pagkanta. Kailangan mag pa-impress sa mga head panelist.

"Jazz, ayoko talagang kumanta. Wala na ba ibang paraan?" I sighed ng muling tanungin niya yun. Kahapon pa niya sinasabi na ayaw niya kumanta eh alam ko namang maganda boses niya. Malumanay ang boses niya at sa bawat pananalita niya ay sinusubukan kong imaginin na kumakanta siya. At alam kong kaya niya pero Hindi siya sanay kumanta.

"Gusto mo ba tumugtog ng piano?" Tanong ko dahil mag pia-piano lang din ako. Tumango siya kaya umusog ako sa upuan para makaupo siya.

"Mas impressive kung panibago sa pandinig ng mga panelist at profs ang tutugtugin mo. May composition ka ba sa piano?" Napaiwas ako ng tingin dahil sa sobrang titig niya o kakatingin lang ba niya.

"Yes I have." Tumango ako sa sagot niya at tumayo na muna dahil hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa pag dikit ng braso niya sa braso ko.

"Parinig?" Kumurap siya ng dalawang beses saka tumango. Mukhang natulala siya kanina. Problemado kaya talaga siya sa nalalapit na performance?

Nag simula na sa pag piano si reed. Magaling siya sa pagtugtog at kabisado niya ang bawat nota. Nakadagdag din na mahahaba ang daliri niya kaya walang palya niyang naabot ang bawat key ng piano.

Pumikit ako at dinama ang tinutugtog niya. Napakabigat, napaka-intense. Puno ng galit at puno ng lungkot. Nagmulat ako ng mata at tinignan siya nakapikit habang mabibigat ang mga pagpindot niya sa bawat key ng lumang piano na inayos naming dalawa.

Ramdam ko ang nararamdaman niya ng ginawa niya ang piece na ito. Hindi pa lubos na nagsasabi si reed sa akin ng mga problema niya. Kilala ko siya kung sino siya base sa gusto niyang ipakilala sa mga tao. Oo seryoso siya kadalasan pero may kapilyuhan, hindi tulad ko na di marunong makipag biruan at malayang nakangiti sa harap ng mga kaibigan niya.

Hate. Yun ang lubos na nag uumapaw na nararamdaman ko habang pinapakinggan at pinapanood siya. Sobrang bigat at Hindi ko napigilan ang umiyak dahil sa nararamdaman ko. Bawat pag tipa niya ng nota ay ang pag pitik sa puso ko, bawat pag bitaw niya sa nota ay parang may sumusuntok sa puso ko.

Sunod sunod na tumulo ang luha ko pero paulit ulit na pinunasan iyon. Hanggang sa matapos siya. Hindi siya tumingin sa akin. Nakayuko lang siya at nakatitig sa mga keys ng piano.

Magsasalita palang sana ako ng bigla siyang tumayo at umalis na hindi man lang nag paalam. Huminga ako ng malalim dahil doon.

Reed, Ano ang problema mo? Sabihin mo sa akin. Handa kitang tulungan pagaanin ang nararamdaman mo tulad ng pag tulong mo sa akin. Sabi ko sa isip ko habang nakatitig pa din sa pintong nilabasan niya.

Pangalawang araw na ng performance at kanina pa ako hindi mapakali. Lahat ng students ay nasa kani-kanila ng upuan dito sa loob ng malaking auditorium ng Academy. Naka-set na din ang mga bawat instrument sa stage. Hinihintay nalang ang mga panelist.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon