"Ate jazz!!! Congrats!!!"
"Ikaw ulit ang highest!"
"Still number 1!"
Nakaramdam ako ng tuwa sa binalita ni lyka, raine at alexa sa akin.
Last week pa natapos ang performance namin monthly. Napangiti ako sa sobrang tuwa.
Nasa loob kami ngayon ng dorm. Kahit na masama ang pakiramdam ko feeling ko nawala lahat yun ng marinig ko ang sinabi nila.
"Grabe ate!! 3 consecutive months na ikaw ang number one!" Niyakap ako ni raine at sumunod din ang dalawa.
Natawa ako sa ginawa nila dahil nakipagsiksikan sila sa hinihigaan ko. Matapos ng paglalambing nila sa akin ay nagkwentuhan lang kami buong mag hapon.
Tuesday ngayon at walang pasok dahil may meeting ang mga head ng academy at professors. Timing naman dahil sobrang sama talaga ng pakiramdam ko simula pa kaninang umaga.
Ang demain band ay nasa gymnasium. Lagi silang may practice nitong nakaraang linggo simula ng ipatawag sila ni Mr. Anthony. Si reed, Kahit araw araw silang may training ay hindi nakakalimot sa akin. Na lalong nagpakilig sa akin.
Pagkatapos ng class sa panghapon. Sabay kaming maglalakad. Minsan ihahatid niya ako sa dorm o kaya sa library or sa old building. Kung saan ko man gustong tumambay after class. Lagi niya akong niyayayang sa gym nalang at panoorin ko sila pero lagi akong tumatanggi. Dahil mahirap na, Baka lalo akong mainlove sakanya.
Speaking of reed... Agad kong kinuha ang phone ko at binasa ang message niya.
Reed: Babe, are you getting better now? Did u take the meds I sent?
Tumingin ako sa napakaraming gamot at isang basket ng prutas na pinadala niya kanina pang umaga. Napangiti akong nag type ng reply.
Me: Yes. Thanks to you! Okay na pakiramdam ko.
Reed: That's a relief! Wanna grab dinner?
Me: Tulog ang tatlo. Nakaidlip after ng pinapanood namin.
Reed: Just the two of us
Reed: I'll wait for you outside your dorm in 10mins
Hindi ko na siya nireplayan dahil agad na akong nag ayos. Sinigurado kong malinis ang ipin ko dahil puro chips ang kinain namin nila raine maghapon habang nag movie marathon. Nag suot lang ako ng sweatpants, cropped top at nag sapatos lang ako. Di na ako nag dala ng nag tanging phone ko lang. inayos ko ng konti ang itsura ko. Di ako marunong mag make up kaya nag polbo lang ako at limp balm.
Pagdating ko sa labas ng dorm. Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Ginantihan niya din naman ang ngiti ko sakanya.
Napakagat ako ng labi habang tinitignan ang kabuuan niya. He is wearing a black skinny jeans, vans old school shoes, nakawhite shirt siya na pinatungan niya ng army green topped. Magulo ang buhok niya na galing sa pagkakahiga. Lalong napangiti sa suot niyang eyeglasses. Ito ang unang beses na makita ko siyang suot ito.
He grabbed my hand and kissed me on my cheeks ng makalapit ako. Saka niya ako niyakap ng mahigpit.
"Damn! I missed your smell, babe!" Lagi niyang sinasabi yan. Eh mumurahing cologne lang naman to. Pero syempre di ko sinabi yun.
"I missed yours, too." Nahihiya kong sabi. Natawa siyang bumitaw sa yakap ko. Amoy bagong ligo. Nag halo ang fresh spring soap at natural niyang amoy.
"You do?" Natutuwa niyang tanong. Pabiro ko siyang inirapan. Tumawa lang naman siya.
"I like your look tonight. Mukha kang good boy." Sabi ko sakanya. Inayos niya ang eyeglass na suot niya at nag pacute sa harapan ko. Hindi ko maalis ang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Heartstrings
Teen FictionIn a world full of hypocrites and lies. Jazz is there living in the darkness. She hid herself for her to chase her dreams. She was so careful but her plan to be invisible all through out her 1 year in academy didn't happen so easily. Because love c...