♬ 47 Happy

34 1 0
                                        

Pumalakpak si kuya hero at nakangiti naman na parang bata si ate aimee nang makapasok ako sa opisina ko, may office pa din si kuya hero dito sa company. Pina-renovate lang kaya share kami sa buong top floor.

"Congrats!!!" Nakangiti si ate aimee.

"Glad that you're finally the CEO!" Kuya hero kissed hugged me sideways.

Napailing at pabirong napaikot ang mata ko sakanila. Paano ba naman kasi, may pa-flowers and cake pa. Nahihiya ako but at the same time natutuwa because they never stop supporting me. Lahat ng achievements ko ay parang achievements na nila. At dahil buntis si ate aimee ay emosyonal siya masyado.

"I'm so so proud of you!" Humagulgol siya sa yakap ni kuya hero. Sanay na kami sa kadramahan niya.

Pinatong ko ang bag ko sa malaki kong mesa at lumapit sakanilang dalawa saka sila niyakap.

"I sincerely thanked the both of you. Lalo na sayo kuya hero." Lalong naiyak si ate aimee sa sinabi ko. Napailing at nakangiti kaming nag tinginan ni kuya hero.

"Finally! Less stress for me! Pwede na tayo mag morning sex, hon." Mabilis akong lumayo sakanila dahil sa sinabi ni kuya hero.

"What the??" Nandidiri ko silang tinignan. Natawa silang dalawa sa reaksyon ko.

"Ayaw mo nun? Para pag labas ni baby number 2, may baby number 3 agad?" Tumawa si kuya hero.

"Huh? Isn't that baby number 1? May anak na kayo na hindi ko nalalaman?" Nagtataka kong tanong. Kuya hero stopped laughing kaya si ate aimee naman ang lalong tumawa.

"You are our baby number one, Jazz." My heart warms at how sweetly ate aimee said those words. Maiiyak na sana ako sa sobrang pag ka-touch pero bumanat si kuya hero.

"Slow ka din eh. Oh siya! Dahil first day mo, ikaw na bahala dito. Gagala kami ng mommy mo."

Magsasalita palang sana ako pero mabilis na silang umalis ng office. Minsan iniisip ko kaya tuwang tuwa silang ako na mag ha-handle ng company ay dahil madami na sila time with each other which I can't complain and will never be. They deserve all the time they have in the world.

The day went by so fast. May mga papeles akong pinirmahan, ni review at mga reports na inayos. Maghapon lang akong nasa office hanggang sa maalala ko ang dapat kong gawin.

Lumabas ako sa office ko, agad na napatayo ang secretary ni kuya hero. Ang table niya ay nasa tapat ng elevator. Kumabaga parang frontdesk. Sinenyasan ko siyang sumunod sa akin. Alam na niya kung saan kami pupunta dahil na discuss ko na sakanya to right before the party at the academy.

Pag bukas ng elevator sa 7th floor ay nanlaki ang mga mata ni Chloe. I smiled at her. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Kung ngingiti ba siya o yuyuko. Natawa ako.

"Hi Chloe, how are you?" Nahihiya siyang ngumiti sa akin.

"I-I'm fine ma'am jazz. K-kayo po?" Natawa ulit ako.

"Asan na yung Chloe na madaldal? And oh! It's jazz for you." Dahil sa sinabi ko ay mukhang naging komportable na siya.

"Oo nga pala, can you come with us at the graphic arts department? I need to talk to you and jack." Mabilis siyang tumango at inayos ang gamit niya.

She lead the way, napangiti akong lumapit sakanya and cling my hands to her arm na nagpagulat sakanya.

"Relax. I think you know that I don't bite." Nahihiya muli siyang ngumiti.

Pag dating sa graphic arts department. Nakita ko agad si jack na pinapagalitan ng team leader nila. Nagtayuan ang mga empleyado ng makita nila ako. Nagtataka din na tinignan ang nakapulupot na kamay ko sa braso ni Chloe.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon