Maaga ako nagising ngayon dahil first day na ng class. Kahapon ay hinayaan ang mga students na maglibot libot para maging pamilyar sakanila ang lugar. Pero ako, pinili kong mag kulong sa kwarto. Gabi na ng dumating sila raine at nag kunwari na din akong tulog.
5 o'clock am pa lang at eto ako palabas na ng dorm. Gusto ko mag jogging around the academy or sa may field na lang ng school. Kahit saan para lang mawala ang pananakit ng katawan ko. Buong magdamag ba naman akong nakahiga kahapon hanggang sa nakatulog na ako.
Pag labas ko, bumungad sakin ang lamig ng hangin. Tulog na yung babaeng guard na nag babantay sa lobby ng girls dormitory. Akala ko ba, may kapalit to. At hindi sila pwedeng matulog? Tsk. Mga pasaway talaga. Report ko kaya to kay kuya hero? Pero naisip ko, huwag na lang. Kawawa naman eh baka mawalan ng trabaho.
Nag lakad lakad muna ako sa hindi kalakihang field na malapit sa music department. Bawat department dito ay may kanya-kanyang field. Masyadong malaki ang academy para iisa lang ang field.
Nag stretch na ako at after nun. I started to jog around. Masarap sa pakiramdam ang mag jogging. Habang tumatakbo ka parang wala kang naiisip na problema. Parang pakiramdam mo malaya ka. May iilan na din akong nakakasabay. Pero Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang.
After ng limang rounds. Tumigil na muna ako at nag pahinga. Sobrang hingal na hingal ako at naghahabol ng hangin. Naramdaman kong nanunuyo ang lalamunan ko. Nakalimutan ko, wala pala akong dalang tubig at face towel man lang. Tumayo na lang ako at babalik na sana sa girls dormitory ng may nakita akong lalaking nakaupo sa may mga benches. Nakatingin siya sa akin at may nakasampay na face towel sa balikat niya.
Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaki kasi madilim pa din ang langit. Nakita ko siyang tumayo at mukhang papalapit sa akin. Hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan ko. Ewan ko ba, hindi ako natatakot. Safe naman dito sa academy at alam ko yun dahil kay kuya hero.
Pero parang bigla akong natakot ng makita ko na siya ng malapitan. Napakunot ang noo ko at siya naman ay ngumiti lang. Ngumiti siya sa akin? Lumingon ako sa likuran ko dahil baka may ibang tao doon pero wala. Lalong lumaki ang ngiti niya ng binalik ko sakanya ang tingin ko.
"I know you need a drink. Here, take this." Inabot niya sa akin ang isang bottled water na hindi pa nabubuksan. Lumunok muna ako bago ko tinanggap yun. Ayokong mag inarte dahil talagang uhaw na ako.
"Thanks?" Tanong ko sakanya pagkatapos kong uminom at maubos ang isang boteng tubig na yun.
Tumingin siya sa akin at nakita kong nag smirk siya, sabay tingin sa empty bottle na hawak ko. Nakaramdam ako ng hiya kaya nag iwas ako ng tingin.
"Pag mag jojogging ka siguraduhin mong may dala kang tubig. Mang hihina ka kung hindi ka iinom pag katapos mong tumakbo." Sabi niya bago umupo sa damuhan at inabot sa akin ang face towel na nasa balikat niya.
Nakataas ang kamay niya na inabot yun sa akin dahil nakaupo na siya sa damuhan at ako naman ay nakatayo pa din. Kinuha ko ang face towel na inabot niya. Dahan dahan akong nag punas ng pawis.
"Uh.. S-sure. Papalitan ko na lang mamaya tong water and this." Nahihiya kong sabi. Inangat niya ang ulo niya para makatingin sa akin. Seryoso man pero nakita ko ang mumunting ngiti sa labi niya.
"No need, it's yours." Bumuntong hininga na lang ako sa ikli ng sabi niya. Ano pa ba dapat kong sabihin? Dapat na ba akong umalis? Tama. Aalis na lang ako. Awkward naman kung magkatabi kami dito tapos hindi kami mag uusap.
"Uh.. sige mauna na ko. Salamat ulit sa tubig. Babawi na lang ako next time. Bye." Hinintay ko kung may sasabihin pa siya pero mukhang di na siya nag sasalita kaya umalis na ako.
BINABASA MO ANG
Heartstrings
Teen FictionIn a world full of hypocrites and lies. Jazz is there living in the darkness. She hid herself for her to chase her dreams. She was so careful but her plan to be invisible all through out her 1 year in academy didn't happen so easily. Because love c...