Tahimik akong nagbabasa sa loob ng kwarto namin ni raine ng may kumatok sa pinto.
Bumukas yun at tulad ng dati lagi nila akong niyayayang manood. Umiling ako saka binalik ang atensyon ko sa binabasa kong libro.
Hindi tulad nila raine, alexa at lyka ang buhay ko. Sila ay may magulang, mayaman din sila. Kaya kahit matanggal sila sa academy ay may naghihintay sakanilang magandang future.
Seryoso din naman sila pero yun nga lang. Hindi kasing seryoso ko it's a matter of life and death na ang nangyayari para sa akin. Ang pagtatapos ko sa academy na to ang unang daan para sa pangarap ko. Hindi mo pwedeng sayangin lang.
Nag beep ang phone ko at binasa ko ang chat ni reed. May tinatanong siya about sa isang historical instrument.
Nag reply ako at nagpatuloy na sa pag babasa. Namimiss ko na din siya dahil Hindi na kami madalas makapagsolo na dalawa.
After class kasi ay kasama namin ang powerpuff at mga kabanda niya. Pag malapit na mag 7pm saka kami babalik ng dorm. Mag kikita na lang ulit pag umaga na. Hindi na din kami nakakatambay sa old building dahil sa mga pagbabago ng academy.
Kinuha ko ang phone ko at nag send ng message sakanya..
Me: I miss you...
Sinara ko na ang binabasa ko dahil Wala na ko sa mood mag aral. Gusto ko na ipahinga ang mga mata ko. Pero papahiga palang ako ng mag beep ang phone ko.
Reed: I miss you too babe. Don't worry gagawa ako ng paraan para mag ka-quality time tayo.
Napangiti ako sa reply niya.
Me: How? Eh sa weekends kasama na naman natin sila.
Reed: Akong bahala. Just go with the flow
Me: I trust you
Reed: I know
Nag patuloy ang pagchachat namin ni reed. Sa ganitong paraan lalo ako ginaganahan na mag aral at mag stay pa dito sa academy. Hindi na lang dahil sa pangarap ko kundi dahil na din sakanya.
Gusto kong matapos namin ito ng sabay. Gusto kong matupad naming magkasama ang mga pangarap namin sa buhay.
—
Iniwasan kong makipagkita kay kuya hero simula ng mag announce sila ng pagbabago sa patakaran ng school.
Desisyon ko na wag na muna magpakita sakanya dahil alam kong conflict na pag sakali. Gusto kong magtapos dito na hindi niya ako tinutulungan. Gusto kong manatili sa academy dahil sa kakayahan ko at talento ko hindi dahil sa Meron si kuya hero na laging nakaalalay sa akin.
Naintindihan niya naman ang desisyon ko. Naging busy na din siya dahil lalo nang nagiging hectic ang mga pangyayari sa academy.
"Ate jazz, Hindi ko na kaya!" Kitang kita ang pangangalay ni alexa sa pag tugtog niya ng cello.
Ganito ang ginagawa namin pag may free time nag tutulungan kami para sa performance na mangyayari na naman sa buwan na ito.
By 4 ngayon ang mangyayari. Group band. Kaya pa-easy easy lang ang demain samantalang kami nila lyka, alexa at raine ay problemado.
"I can't do it anymore. Ang sakit na ng fingers ko." Si lyka na hinihipan pa ang mga daliri niya.
Hindi naman nagreklamo si raine na talagang gusto ko sakanya. Pinapalitan niya ang tape na binalot niya sa daliri niya dahil natatanggal na to sa sobrang pag practice namin. Saturday ngayon at andito kami sa dorm. Wala kaming PE dahil ginawa nalang itong dalawang beses sa isang buwan. Kaya ginagamit namin ang pagkakataon na yun para mag ensayo. Dalawang linggo na lang kasi performance day na naman.
BINABASA MO ANG
Heartstrings
Fiksi RemajaIn a world full of hypocrites and lies. Jazz is there living in the darkness. She hid herself for her to chase her dreams. She was so careful but her plan to be invisible all through out her 1 year in academy didn't happen so easily. Because love c...