♬ 45 His side

26 2 0
                                    

We came back in the city dahil sa emergency call ni kuya hero. Pinapauwi na daw kami ni lolo. Umagang umaga palang ay umalis na kami ng cebu. Dumating din kami agad sa mansion ng grande.

Nakaupo ako ngayon sa harap ng table ni lolo. Nasa couch naman ang iba pa. Si lolo ay nakaupo sa upuan niya sa harap ng table at nakapikit na nakasandal. Si tito damian ay nagsasalin ng alak niya, si tito Arthur ay nakasandal sa isang couch at minamasahe ang ulo. Si kuya hero ay nasa tabi ko at hawak ang balikat ko. Si Hanz at ang tita gladys ay nakaupo sa couch kasama din sila tito joan, ace, axel at ate aimee. Huminga ako ng malalim dahil lahat sila ay problemado ang mukha. At dahil yun sa akin.

Natapos na akong magpaliwanag sa kung anong nangyari sa Cebu. Ganoon din si Hanz. Si Addy ay pinauwi muna ni kuya hero kanina sa condo ko dahil baka madamay pa siya sa gulo.

"Dad, we can't ignore this issue anymore. We ignored the first issue that involves jazz because it wasn't true. But this issue right now. We can't just ignore it." Sabi ni tito Arthur.

"What do you want me to do?" Tanong ni lolo. Nakapikit pa din siya. Nagmulat siya ng mata mayamaya lang.

"I'm asking you, jazz. What do you want me to do?" Kumabog ang puso ko sa tanong ni lolo.

"H-Hindi ko po alam. Sorry po, lolo." Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga. Napayuko lang ako.

Matagal na katahimikan. Walang nag salita. Mukhang ako ang hinihintay nilang mag salita. Problema ko to na naging problema din nila dahil pamilya ko sila. Kaya dapat ako ang umayos ng gulong ito. Nang dahil sa akin, naaapektuhan ang negosyo namin. Nang dahil sa akin pinag aalala ko sila. Sobrang mga busy sila sa kanya kanya nilang negosyo pero ito sila ilang oras nang pinag uusapan kung paano ayusin ang issue na dawit ang pangalan ko.

Kagagaling lang ni sa sakit lolo, he is still on his medication and chemo pero ito binigyan ko siya ng problema. Hindi ko napigilan ang mapaluha. Agad kong pinunasan iyon. Huminga ako ng malalim at nag isip.

This is my own problem. I will settle this once and for all. Tumunghay ako at nakita ko ang malungkot na mukha ni lolo. Pinapanood pala ako nito at malamang nakita niya pag luha ko. Tipid akong ngumiti sakanya.

"Aayusin ko po ito." Tumango si lolo sa akin. Determination is on his eyes.

"What's your plan? We are here to help you." Huminga ako ng malalim and for the first time again after my parents died. Ang sarap sa pakiramdam na may pamilya kang handang tumulong sayo.

"I'm sorry, lolo. I'm sorry po sainyong lahat. Sorry po." Hindi ko napigilan ang umiyak sa harap nila. Naramdaman ko ang mahigpit na pag hawak ni kuya hero sa balikat ko. Lumapit si lolo sa akin at niyakap ako.

"You don't have to say sorry. Those people who judges you easily should've." Siniksik ko ang ulo ko sa balikat ni lolo at umiyak doon na parang bata. Dahil sa unang pagkakataon. Meron akong pamilyang pagsusumbungan pag may umaaway sa akin.

-

"I'm so proud of you! Your situation right now are not easy." Sabi ni Addy sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya.

"You only have what? A week to stay here?" Tumango tango siya.

"Then let's seize the moment." Sabi ko sakanya na ikinatuwa niya.

"But, are you allowed to go out?" Huminga ako ng malalim.

"Pwede naman ako lumabas. Hindi naman nila ako pinagbabawalan. Ako lang ang may ayaw." Sabi ko sakanya.

Pinag usapan namin ni Addy kung ano ang gusto kong gawin tungkol sa issue na ito. Nalulungkot siya dahil wala siya dito sa panahon na gaganapin ang party. Pero yun ang alam niya.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon