Maaga kaming pumasok nila raine sa classes namin. Nasa music history class kami ng tawagin ako ni Mrs. Salazar sa isang recitation. Pa-simple akong sumimangot. Anong trip ng matandang to? At nung mga nakaraang classes namin sakanya ay walang araw na hindi niya ako tinawag para mag recite. Wala naman ako magawa at estudyante lang ako.
"What is the first ever instruments?" Mrs. Salazar. Lahat ng classmate ko ay nakatingin sa akin.
"Neanderthal flute." Simpleng sagot ko. Tinignan niya ako at sinenyasang magpatuloy.
"It is the oldest flute in the world. It's a masterpiece by Neanderthals people. 60,000 years old na ito. And it made from the thigh bone of a cave bear with a 4 pierced hole." Hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin kaya umupo na ako pero tinawag ako ulit ni Mrs. Salazar. Batukan ko na ata si ma'am! Mukhang trip niya ako ipahiya!
"What is the oldest musical?"
"Hurrian Hymn No. 6 is considered the world's earliest melody."
"But?" Tanong niya dahil alam niyang may katuloy pa. Inalala ko yung pangalan saka ako nagpatuloy.
"But the oldest musical composition to have survived it's entirety is a first century A.D. Greek tune known as the Seikilos Epitaph."
"And it's found where?" I sighed heavily at pinagsalikop ang palad ko. Konti nalang kasi mag tantrums na ako kay ma'am!
"The song was found engraved on an ancient marble column used to mark woman's gravesite in turkey."
Tumango siya ng dalawang beses at sinenyasan na akong umupo. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Nag patuloy siya sa pag turo. Tinuon ko ang atensyon ko sakanya dahil ayokong ako na naman ang tawagin niya pag nakita niyang hindi ako attentive.
Paano naman kasi, nandito ako sa inuupuan ko kung saan kitang kita ko ang hallway kung saan gumawa ng kababalaghan si reed at ang isang babae noon. Hindi yun maalis alis sa isip ko. Lalo na pag nakikita ko ang hallway na yun.
Natapos ang history class namin at lunch time na. Kasabay namin ang demain band sa pag lunch. Akala ko wala na naman si reed pero nagulat ako ng naka-pangalumbaba siyang tumingin sa akin.
"Hi.." Mahina niyang bati na ikinakaba ko. Ito na naman ako pag kaharap siya. I tried to act normal.
"Hi yourself." Sabi ko at nag patuloy sa pagkain.
Napa-ohh ang mga kabanda niya. Natatawa naman si lyka at Alexa while raine is silently eating.
"Sabi ko naman sayo. Jazz is out of your league. Hindi mo makukuha ang oo niyan. Diba jazz?" Nagtaas baba pa ng kilay si Christian. Tumango nalang ako.
Ganyan naman sila simula noong Saturday night pa at ng sunday.
Magkakasama din kami kahapon ng half day. Tumambay kami sa coffee shop dito sa loob ng academy. Sila mag kakasama na simula morning. Ako kasi nagsimba pa at kinausap ang music teacher namin na si Mr. and Mrs. Alcantara.
Ayokong pag isipan sila ng hindi maganda. Pero after nila malaman kung sino ako doon na ako nakatanggap ng balita na alam na ng taong naghahanap sa akin na nasa pilipinas ako. Hinahanap pa ni kuya hero ang possible way kung bakit nila nalamang andito ako kahit pa nga pinalabas namin na nasa ibang bansa ako.
"Jazz, pwede mo ba ako tulungan sa music notes na assignment natin sa music class? Hindi ko kasi maintindihan ang ibang dotted quarter at sixteenth eh." Nag pa-cute pa si reed sa harap ko.
"Okay." At tumango pa ako.
"After mo kumain?" Excited niya tanong.
"Oo." Sabi ko at Napa-yes pa siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/26333922-288-k12113.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstrings
Teen FictionIn a world full of hypocrites and lies. Jazz is there living in the darkness. She hid herself for her to chase her dreams. She was so careful but her plan to be invisible all through out her 1 year in academy didn't happen so easily. Because love c...