♬27 Tension

33 1 0
                                        

Christmas eve at as expected mag isa ko lang ngayon dito sa condo. Nag patugtog ako ng mga senti Christmas songs habang nag gegeneral cleaning sa buong condo. Kesa mag mukmok ako ay naisipan ko nalang maglinis. Ilang buwan din natengga ang condo kaya kailangan ko linisan.

May mga choices naman ako to spend Christmas eve pero pinili kong mag isa. Isa pa nakakahiya naman kung sa ibang bahay ako mag Christmas.

Gusto ni reed at raine na doon ako sakanila mag Christmas Eve. Gusto din daw ng mommy nila pero nahihiya talaga ako. Sila alexa at lyka din nag invite pero sino ba naman ako para pumunta sa mga bahay bahay nila diba? Hindi ganun kakapal ang mukha ko. Nag dahilan nalang ako na kasama ko si ate aimee ngayon.

Nagulat ako ng may mag doorbell. Parang nabuhayan ako dahil doon. Sumilip ako sa peephole at napangiti ng makita si ate Aimee.

"Merry Christmas, anak!" Natawa ako sakanya ng pagbuksan ko siya ng pinto.

Niyakap niya ako pero napatigil din siya. Dahan dahan siyang tumingin sa mukha ko at sa buong katawan ko.

"Amoy pawis ka! Go and take a shower. Mag nonoche buena tayong dalawa." Mabilis akong tumango at tinapos ang pag ligpit ng gamit sa kwarto ko.

Nakangiti na ako ngayon dahil kahit papaano ay may kasama akong mag nonoche buena.

"Hahahahaha.."

"Tapos naalala mo yung nag punta tayong batangas. Grabe ang away namin ni hero noon. Sa sobrang inis mo nga kinulong mo kami sa isang kwarto."

"Yes. At doon kayo unang beses na nag sex." Tumawa siya sa sinabi ko.

"Cheers to that!"

"If only I knew that would happened. Sana di ko na ginawang kinulong kayong dalawa." Nandidiri kong sabi.

"Grabe ka naman! We wouldn't love each other that much kung hindi kami nag make love noh!"

Napatigil ako sa sinabi ni ate aimee. It's already midnight. Nag videocall na din kami ni reed and the rest of our friends kanina. Natuwa sila kasi atleast kasama ko daw si ate aimee. Matapos namin mag videocall ay ito hinayaan akong uminom ni ate aimee ng beers na dala niya. At nag re-reminisce kami ng mga nangyari sakanila ni kuya hero.

Kwinento ko kasi kung paano kami nagkaayos ni reed. Ayoko sanang detailed pero okay naman si ate aimee kaya sinabi ko nalang sakanya. At ayun na nga nagderetso na ang kwentuhan namin. At napagkwentuhan namin ang mga pagseselos niya din kay kuya hero at sa mga random girls.

"Can't you just love a person without sex?" Natigilan si ate aimee sa tanong ko. Seryoso siyang tumingin sa akin at huminga ng malalim.

"Well, you're still not in the right age Pero dahil sa mga pinagdaanan mo sa buhay minsan mas matured ka pa sa amin ni hero. Kaya tingin ko you need to hear this." Pinatong ni ate aimee ang hawak niyang bote ng beer sa table at paharap na umupo.

"Pwede naman na hindi kayo mag sex. It will still be love. Pero mas may deeper connection kasi kayo when you both do it. Kaya nga making love ang tawag sa sex pag dating sa mga couple because it gave deeper bond to you and to your man and vise versa. In that way, hindi lang buong katawan ninyo ang nakikita niyo but also your soul." Nakinig ako ng mabuti sa mga sinasabi ni ate aimee.

"Tsaka isa pa, sex can also interpret a deeper emotion and commitment with each other. Ang mga lalaki, they love sex more than us. It's not just about physical or lust for them. They want to feel confidence, connection, self-worth, validation ganyan." Napatango ako dahil naiintindihan ko ang paliwanag niya.

"But I'm not explaining this so you can do it with reed ha? You're to young for that. I want you to know about this para pag ready ka na you give him your all. Hindi yung maibibigay mo sakanya ang buong ikaw dahil lang sa bugso ng damdamin pero hindi ka naman handa."

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon