♬10 Getting closer

30 2 0
                                    

"Alam mo, in fairness ate jazz, day by day mas madalas ka na ngumiti." Tipid akong ngumiti kay lyka dahil sa sinabi niya.

Gusto ko sanang sabihin na 'Thanks to reed.' Pero hindi ko yun sinabi dahil alam kong aasarin lang nila ako. Nitong mga nakaraang buwan ay naging maayos ang pakikitungo namin ni reed sa isa't isa.

Flashback...

Papunta na kami ngayon sa class namin pang hapon na music class. Kanina pa ako kinakabahan dahil hindi ko alam kung andoon ba si reed. Kanina kasing lunch ay hindi ako nakasabay sakanila dahil kinailangan kong puntahan si kuya hero.

Pinag-fill out niya ako ng form at kinuhanan ng litrato para mapapalitan niya ang pangalan ko. Dati ay surname lang ang pinalitan namin dahil ayokong palitan ang pangalan ko. Bigay yun sa akin ng magulang ko at tanging yun lang ang naipamana nila sa akin, maliban sa trust funds at savings nila na nasa bangko ngunit di ko pwedeng galawin dahil malalaman ng humahanap sa akin kung nasaan ako.

Kaya ito ako ngayon, kinakabahan at nag iisip kung paano ang approach ko kay reed. Matapos kasi ng drama ko sa old building ay hindi na ako nag salita pa at ganun din naman siya. Hindi pa nga sana siya magsasalita kung hindi pa tumawag sakanya si Ivan. Kaya kinailangan na namin bumalik sa cafeteria dahil dinner time na pala.

Hindi ako makatingin sakanya habang nag lalakad kami. Hindi din ako nag paalam sakanya na hindi ako sasama sa cafeteria. Hindi naman niya ako pinigilan kaya dumeretso nalang ako sa dorm. Ayoko din naman pumunta doon dahil nga mugto ang mata ko.

Napatingin ako sa buong room ng makarating kami. Napalunok ako ng makita ko siyang nakaupo sa dati niyang pwesto at natutulog na naman. Kaya habang nakapikit siya ay nag madali akong umupo sa kabilang upuan may kalayuan sakanila.

"Ate jazz.." Napapikit ako at kagat labi na lumingon dahil sa malakas na pagtawag ni Alexa sa akin.

Paglingon ko ay saktong nagtama ang tinginan namin ni reed. Ngumiti siya sa akin at ginantihan ko din siya ng ngiti habang kagat kagat pa din ang labi ko.

"Bakit ka andyan? Dito ka." Si alexa ng tumingin ako sakanya.

"Ito kasing mga to, ginugulo siya eh." Sabi naman ni raine at tama naman siya. Kaya ako lumipat noon ng upuan dahil kinakalabit ako nila Ivan at Jesse.

"Dito nalang. Mangtritrip lang mga yan." Sabi ko kaya tumango nalang si alexa.

"Dito ka na jazz. Promise di na kami mang gugulo." Sabi ni Ivan. Nag please sign pa siya sa akin na ikinangiti ko.

Tumayo na ako ng makita kong mag sasalita din si jesse. Ayokong mag inarte kaya naman umupo na ako ulit sa inuupuan ko.

Mamaya maya dumating na ang mag asawang Mr. and Mrs. Alcantara at nag umpisa na silang mag turo. Makalipas ang halos dalawang oras na discussion at recitation ay nag tanong si Mr. Alcantara.

"Who in this class knows how to play piano?" Halos kalahati ng class ay nag taas ng kamay. Tumingin tingin siya sa paligid.

"Sir!" Nilingon namin si reed dahil hindi namin akalain na makikipag participate siya sa class ngayon. Akala ko nga ay natutulog na naman siya dahil yan ang ginagawa niya nitong mga nakaraang linggo.

"Yes reed?" Syempre nakuha ni reed ang atensyon ni sir dahil nga siguro gulat din ito na nakikipag participate na sa class niya.

"Si jazz. She's good in playing piano." Nanlaki ang mata ko at nilingon siya saka siya pinandilatan na ikinatawa niya lang.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon