Hindi natulog si raine sa kwarto naming dalawa kinagabihan. Buong araw niya akong iniwasan. Naiipit na din sa sitwasyon si lyka at alexa. Lalo na si reed.
Nasa 2nd class ako ng pang umaga ng tawagin ako ni Mrs. Salazar. May binabasa siya sa phone niya.
"Ms. Montejo, You need to go to dance studio new building. You're excused." Tumingin ang mga classmates ko sa akin. Napatingin ako kay raine na masama ang tingin sa harapan as expected.
Alam niya kung sino ang pupuntahan ko at nag excused sa akin sa class na to.
Lumabas ako sa room at bago pa makarating sa dance studio new building ay nag kasalubong kami ni reed.
"Babe, saan ka pupunta?" Nagtataka niyang tanong.
Nag vibrate ang phone ko at kinuha ko yun.
"Kay kuya hero. Ikaw?" Lumapit ako sakanya at binasa ang text na galing kay kuya hero.
Kuya hero: Urgent! We need to talk. Reed needs to hear this
Pinabasa ko kay reed ang message ni kuya hero. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nag punta sa hide out namin ni kuya hero.
Pag dating namin doon ay wala pa siya. Tumingin sa paligid si reed at napatango. Hindi niya siguro ineexpect na parang condo unit ang itsura ng loob nito.
"Have you talked with raine?" Tanong ko ng umupo kami sa sofa. Huminga siya ng malalim at tumango.
"And?" Nilapitan ko pa siya dahil gusto ko ng marinig ang sasabihin niya.
"Sabi niya kung talagang kaibigan ang turing mo sakanya. You should've told her the whole truth. Nahahalata niyang may alam ako na hindi niya alam so she wants to know." Napakagat ako ng labi dahil doon.
Well, nasabi ko naman na kay reed ang tungkol sa totoong magulang ko kaya okay lang naman sigurong malaman na din ni raine. And not just her. All of my friends. They deserve to know.
Mahalaga sila sa akin. Mapagkakatiwalaan ko sila. Kaya tumango ako kay reed telling him that I will tell them. Hinawakan niya ang kamay ko and smiled gently.
"Don't worry. You can trust them. Alam kong mahalaga ka na sakanila. Hindi magagalit ng ganun si raine kung hindi." Binigyan ko siya ng understanding smile.
Mamaya maya dumating na si kuya hero kasama si ate aimee. Seryoso ang mukha nilang dalawa. Lalo na si kuya hero.
"He knows right?" Walang paligoy ligoy na tanong niya. Tumingin siya kay reed.
"Uh.. Half of it." Sagot ko na ikinalingon ni reed. Tinignan niya ako ng mabuti. Napaiwas ako ng tingin. Lumakas ang kabog ng puso ko. Is this the time na sasabihin ko na kay reed ang buong katotohanan?
"What part?" Sumandal si kuya hero sa upuan at minasahe ang ulo. Ako na naman ang dahilan ng sakit ng ulo niya.
"About my Identity, about my parents." Sagot ko. Hinawakan ko ang kamay ni reed ng mahigpit. Natatakot na baka bigla siyang umalis. Hinigpitan din niya ang hawak niya sa kamay ko.
Hindi nag salita si kuya hero. Patuloy lang siya sa pagmasahe sa ulo niya. Mamaya maya ay bumukas ang pinto. Dumating si ate aimee. Ngingiti sana ako pero iba ang aura niya ngayon. Tinignan niya ako ng puno ng pag aalala.
"What is going on?" Hindi na ko makapag pigil na malaman.
Seryosong tumingin si kuya hero sa amin ni reed. Ilang beses siyang huminga ng malalim. Bawat segundo na pinapanood ko siya ay lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko.
"He is coming on the next performance. Dahil alam niyang nandito ka.."Napabitaw ako sa hawak ko kay reed ng marinig ko ang sinabi ni kuya hero. Napapikit ako at tumayo saka napahawak sa ulo ko. Nag lakad ako pabalik balik sa harapan nila. Kabadong kabado.

BINABASA MO ANG
Heartstrings
Novela JuvenilIn a world full of hypocrites and lies. Jazz is there living in the darkness. She hid herself for her to chase her dreams. She was so careful but her plan to be invisible all through out her 1 year in academy didn't happen so easily. Because love c...