Chapter 13: Out of Town

1.8K 87 57
                                    

Claire


It's 6:00 am in the morning, when I woke up I immediately get out of the bed and took a bath. After taking a bath, I prepared the things that I'll bring for our 2 days trip.



Sandro texted me na malapit na siya, so lumabas na ako ng bahay to wait for him. Celine is still sleeping, I didn't wake her up and I just left her a letter on the table.



After our trip nalang siguro kami dapat mag usap, kailangan lang muna namin ng space at time for each other.



Ilang saglit lang ay dumating na si Sandro, pinagbuksan niya ako ng pinto at nagsimula na siyang magmaneho papunta sa airport.



~



"Welcome to Ilocos Norte!" masayang sabi niya



"Is this your hometown?" I asked and tumango siya



"Beautiful" bulong ko habang inililibot ang paningin sa paligid "Like you" rinig kong sabi niya kaya napatingin ako sakanya at nginitian siya



See? He's sweet so paano naman niya ako lolokohin. I know hindi niya magagawa 'yon ever!



"Saan nga pala tayo mag iistay?" I asked



"Sa Pagudpud, may hotel naman dun. But, before tayo pumunta don dumaan muna tayo sa bahay namin." He said and I nodded




Nang makarating kami sa bahay nila ay sinalubong kami ng isang babae na may katandaan na rin.



"Oh hijo Sandro nandito na pala kayo, pumasok na kayo at nagpahanda ako ng tanghalian" usal niya at pumasok kami



"Love akyat muna ako sa kwarto ko, stay here babalik ako agad" sabi ni Sandro nang makapasok kami sa bahay nila kaya naman naupo muna ako sa isang mahabang couch sa kanilang salas.



"San- oh hija?"



"Claire po" nakangiti kong pagpapakilala "Ah magandang tanghali Claire ako nga pala si Norma, maaari mo akong tawaging Nana Norma" aniya



"Nice to meet you po N-nana Norma"



"Ang ganda mo, girlfriend ka ni Sandro?" she asked and I nodded "Ang ganda mo at mukhang mayaman, tsaka parang namumukhaan kita may kamukha kang sikat na negosyante" she added



"A-anak po ako nina Leo at Aramina Diaz" sabi ko



"Sabi na nga ba eh! Kamukha mo ang nanay mo, napaka ganda at mayaman nga kayo!" aniya at nagpasalamat naman ako



Nang makababa si Sandro ay sabay na kami pumunta sa kusina upang kumain bago umalis. Ipinaghanda kami ni Nana Norma at ilan pang kasama nila sa bahay ng mainit at bagong lutong sinigang na baboy.



"Uhh Nana Norma? Sinigang mix po ba ang nilagay niyo dito sa sinigang?" tanong ko, maselan kasi ako pagdating sa pagkain. Nasanay kasi ako na katas talaga ng sampalok ang inilagay sa sinigang



"Oo, bakit may problema ba Claire" tanong niya



"Wala naman po, nasanay po kasi ako na natural na katas ng sampalok ang inilalagay sa sinigang" I explained



"Ahhh, pasensiya ka na at hindi ako masyadong marunong magluto" sabi niya



"Okay lang po, sa susunod po ay tuturuan ko kayo" nakangiti kong saad



"Salamat...hilig mo ba ang pagululuto?" she asked and I nodded



"Mana ka pala sa nanay mo, Balita ko mahilig at magaling magluto si Mrs. Diaz" aniya at nasamid naman si Sandro



"Dahan- dahan lang kasi" iniabot ko sakanya ang basong may tubig



Ipinagpatuloy namin ang pagkain at nag kwentuhan din kami.



Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami sakanilang lahat upang umalis. Ilang oras ang naging biyahe namin patungong Pagudpud.



"Love gising na" tinapik ko nang marahan ang pisngi ni Sandro dahil nakatulog siya sa biyahe "hmm" he groaned



"Tara na" pag aya ko ngunit nakapikit pa rin siya, pinabayaan ko muna siya at makalipas ng ilang minuto ay nagising na rin ito.



"Reservations for Sandro Marcos" sabi ni Sandro nang makalapit kami sa front desk ng hotel



"This way ma'am, sir" sabi nung receptionist at sinamahan kami sa magiging kwarto namin



"Here's your room po, enjoy po" usal pa niya at ibinigay ang susi ng kwarto kay Sandro



~



"Let's go the beach" pag aya niya, katatapos lang namin magpahinga at kasalukuyang inaayos ang gamit



"Sige, gusto ko din maabutan ang sunset" saad ko



Inihanda lang namin ang aming mga sarili at lumabas na sa kwarto upang pumunta sa beach.



"You know ba how to swim?" He asked



"Yes, my parents enrolled me sa swimming lesson when I was a kid" tugon ko



"Ohh really? Okay, let's swim na" aniya at hinubad ko naman ang patong sa aking swimsuit, I am wearing a blue one piece swimsuit



"Gorgeous" pagpuri ni Sandro habang nakatitig saakin "Bolero! Tara na mag swimming na tayo" natatawa kong sabi sabay takbo papunta sa dagat



"You're blushing!" sigaw niya habang hinahabol ako



Parang kaming bata na naghahabulan sa buhanginan, binabasa ang isa't isa ng tubig dagat at sabay din namin pinanood ang paglubog ng araw.



Parang ayaw ko na matapos ang araw na ito...I want to stay like this forever, sana hindi na matapos ang saya...



Pagkatapos mag swimming ay dumiretso na kami sa restaurant dito din mismo sa loob ng resort. Tuyo naman na ang suot namin dahil nanood nga kami ng sunset kanina.



After eating our dinner, bumalik kami sa kwarto namin upang maligo. Unang naligo si Sandro at sumunod naman ako.



"Your turn" sabi niya nang makalabas sa banyo kaya naman tumayo na ako at pumasok sa banyo



Nang matapos maligo, naalala ko na hindi ko pala nadala ang bathrobe ko dito sa loob ng banyo. Nag aalinlangan ako nung una na ipakuha ito kay Sandro ngunit nag lakas loob nalang ako.


"Uhmm S-sandro?" tawag ko sakanya, nakasandal siya sa headboard ng kama habang nagbabasa ng libro



Napalingon ito saakin at inayos ang upo "Hmm?"



"N-naiwan ko k-kasi yung b-bathrobe ko" nauutal kong sagot



Ngumisi naman siya atsaka tumayo, kinuha niya ang bathrobe at lumapit saakin. Nagulat ako nang itulak niya ang pinto kaya naman nagkalapit ang aming mga mukha.



He grabbed my waist and slowly slid his hands down to my hips and kissed my nape down to my neck and shoulders.



I ended up giving myself to him and spent the whole night making love.






_____


Revelation sa next chapters hihi.

Thank you for reading! Please vote.

Sorry for the grammatical errors and misspelled words.

God Bless us all 🥰❤️


My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now