Chapter 41: Fight

1.8K 81 60
                                    

Claire



"Am I late?"



"N-niko?" utal kong sabi at nakita kong napatingin saakin si Sandro



"Kuya, dumating ka!" Celine approached him for a hug



"Who is he?" Sandro whispered



"H-he's no one" I answered



"Anong he's no one?! Ex mo siya ate!" singit ni Celine na ikinakunot ng noo ni Sandro



He is Niko Mendez, my first love and first heart break. We are classmates way back when we are college, akala ko nga noon siya na talaga ang para saakin...pero hindi pala.



"Bakit siya nandito?" nakakunot na tanong ni Sandro



"I don't know"



"Why don't you guys welcome your visitor?" Tita Liza said "Hijo, kumain ka na" she added



"No po, dumaan lang po talaga ako just to bring my gift for Ara" sagot niya



Lumapit siya saakin at bineso ako "I miss you Claire, Happy Birthday sa baby mo" bati niya



"Ehemm, it's my baby too. Our baby" Sandro said confidently



"U-uh sorry bro" Niko apologized




"Una na kami ni Ara sa taas, gusto na din niya ata makita si Cowy" walang emosyon na sabi ni Sandro at kinuha niya si Ara mula kay Tita Irene



"Sandro" tawag ko sakanya pero hindi siya lumingon saakin



"Okay lang ba siya?" Niko asked



Malamang hindi, tsk



"Anong ginagawa mo dito?" I asked



"Uhmm Celine invited me kasi. Sorry I'm late ah may meeting pa kasi ako kanina" aniya



"Kumain ka muna" alok ko



"Hindi, tapos na. Dadalhin ko lang talaga 'tong regalo para sa anak mo" he smiled at tinanguan ko lang siya



"Salamat" I half smiled



"Ah sige alis na ako ah" paalam niya



"Sige, salamat sa regalo"



Matapos kasi namin mag break ni Niko ay nagkausap kami at humingi siya ng patawad sa ginawa niyang panloloko. Pinatawad ko siya pero di ko makakalimutan yung ginawa niya noon.



"Celine, mag usap nga tayo" seryoso kong sabi at hinatak siya sa isang gilid



"Bakit ate?" She asked



"Ano naman ang naisipan mo at pinapunta mo dito si Niko?" I crossed my arms



"Eh kasi na miss ko na si Kuya Niko-



I cutted her off "Celine naman! Alam mo naman na may pamilya na ako at pwedeng mag selos si Sandro, pero pinapunta mo padin siya!" asik ko



"S-sorry ate" nakayuko niyang sabi



"Please lang wag mo na siyang bangggitin mas lalo na pag kaharap si Sandro at huwag mo siyang papapuntahin dito ah!" singhal ko



Nang makauwi na ang pamilya ni Sandro at matapos namin mag usap ni Celine ay umakyat ako sa kwarto namin. Si Celine ay uuwi na ngayon sa Subic dahil may trabaho siya bukas kaya pinahatid ko nalang sa driver namin.



Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko na natutulog na si Ara sa gitna ng kama habang yakap si Cowy, aww magkasundo talaga sila.



Hinanap ko naman si Sandro at nakita ko siya sa may balcony na nakatayo at nakasandal sa railings.



"Sandro" tawag ko at lumingon lang siya saakin



"May problema ba?" I asked at tinabihan siya



"Sino yung lalaki kanina? Ex mo?" He asked seriously



"S-sorry"



Pumasok siya sa loob ng kwarto at iniwan ako sa labas.



"H-hindi ko naman alam na pinapunta siya ni Celine" I played my fingers habang nakapamewang siya



"Bakit kailangan pa niya pumunta dito?! Dapat tumanggi nalang siya!" He shouted



"Sandro baka magising si Ara" I said calmly



"I don't care!" galit niyang sabi



"Pwede ba kumalma ka-



"Paano ako kakalma?! Miss ka na daw ng ex mo at bineso ka pa! O baka naman na miss mo din siya at gusto mo pa na nagkita ulit kayo!" he said with anger



"Kasalanan ko ba? Hindi ko naman ginusto 'yon ah! Kung makaasta ka akala mo ginusto ko yung nangyari" asik ko



"Hindi nga ba?" He asked sarcastically



I slapped him "Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ako katulad mo na manloloko! Baka nakakalimutan mo na hindi pa kita sinasagot, pwedeng- pwede ko ilayo si Ara sayo"



"Don't you dare" sabi niya habang hawak ang pisngi



"Sana hindi nalang kami bumalik sayo kung pagbibintangan mo ako na mahal ko pa yung ex ko, na wala kang tiwala saakin at higit sa lahat yung isumbat mo na gusto ko pa siya makita!" umiiyak kong sabi



"Kahit natatakot ako na masaktan nanaman binigyan pa rin kita ng chance! Tapos ganito lang?" I sobbed



"Wala ka bang tiwala saakin? Kasi ako, meron akong tiwala sayo. Na kahit bumalik ang ex mo alam ko na kami ng anak mo ang pipiliin mo!"



"Tapos ako pagbibintangan mo na mahal ko pa yung ex ko? Kung mahal ko siya edi sana hindi ko siya hiniwalayan kahit niloko niya ako, edi sa nagpaka martir ako!"napaupo ako at tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko



"P-pero hindi.....Kasi i-ikaw lang, ikaw yung mahal ko" naramdaman ko ang mainit niyang bisig



"I'm sorry" he hugged me



"Tiwala lang yung kailangan ko, h-hindi mo naman kailangan mag selos eh!" singhal ko atsaka tumayo dahil umiyak si Ara



"Shhh...i-i'm sorry anak nagising ka pa" pag aalo ko



Akma naman akong hahawakan ni Sandro nang umiwas ako sakanya "Tabi!" sabi ko tsaka lumabas sa kwarto



"Claire, please. I'm sorry" humarang siya sa daan



"Ano ba?! Sa kwarto ni Ara kami matutulog!" asik ko at hinawi siya, sumunod naman saamin si Cowy



Buti nalang at may kama yung kwarto ni Ara kaya pwede akong matulog din, mas lalo na may hindi kami pagkakaintindihan ni Sandro ngayon.



Nakakainis kasi wala siyang tiwala saakin tapos sinisi pa niya saakin yung pag punta ni Niko dito. Hindi ko naman ginusto yon eh!









_____

Suyo malala ang Sandro niyo🤭


Please follow: _claire.diaz and  nyherga_


Sorry for the late update. Sorry for the grammatical errors ng misspelled words. Thank you for reading. Please vote!


God Bless us all 🥰❤️

My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now