Chapter 59: Video Evidence

1.6K 62 20
                                    

Claire



Habang binabasahan ko ng libro si Ara para makatulog siya ay napansin ko ang pagka balisa ni Mommy.



Kaya naman nang makatulog si Ara ay agad akong tumayo at nilapitan siya.



"Mom? What's happening? Okay ka lang ba?" I asked



"C-claire, tumawag saakin ang daddy mo"



"Bakit po?"



"H-he said na alam na niya kung sino ang may pakana kung bakit naaksidente si Ara. It was all planned." halata ang pagka irita sa boses niya



"Sino?" kalmado kong tanong



"That Jia girl and yung tatay niya!" galit niyang sagot



Sila nanaman?! Hayop, Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong ito.



Ano ako, Santa? Kahit anong awa nila hindi ko sila kaaawaan.



"Hayop sila, dinamay nila ang anak ko" nanggigigil kong sabi



"Pinalagpas ko na yung pang gagago nila saakin ni Sandro pero para idamay ang anak ko hindi na ako papayag" dagdag ko



"Pabayaan na natin ang daddy mo ang-



I cutted her off "No! Anak ko ho ang pinag uusapan dito, ako ang lalaban para sakanya"



"Paki bantayan mo muna si Ara, aalis lang ako saglit " baling ko kay Nurse Candice at tumango naman siya



~



Una kong tinawagan si Sandro at ilang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag ko.



"Hello?"



"Alam mo na ba kung sino ang may gawa kay Ara non? Kung bakit siya nasagasaan? Sandro, Hindi aksidente 'yon! It was all planned!" naiinis kong sabi



"P-planned? Sino?"



"Si Jia at Arnaldo" sagot ko sabay baba ng tawag



Dumiretso ako sa bahay namin kung nasaan si Daddy. Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nag uusap sila ni Tita Liza, sa tingin ko ay may alam na din siya.



"Tita, dad" nag beso kami



"Sinabi ko na po kay Sandro" pahayag ko



"What did he said?" Tita Liza asked and I shrugged



"Teka- may mga evidence po ba tayo?" tanong ko at parehas silang tumango



"Ito" iniabot saakin ni Daddy ang laptop niya at pinanood ko ang video



Video ito kung saan nag uusap sina Jia at Arnaldo.



"Sabi ng mga bantay pupunta raw sa park yung mag ama, puntahan niyo at siguraduhin mong magtatampo yung bata ah" si Arnaldo



"Pero Pa, paano kung di-



"Ano ka ba naman Jia?! Gawin mo ang dapat! Mag isip ka, gamitin mo yang kokote mo!" sigaw ni Arnaldo kay Jia



"O-okay, make sure na naka abang na yung tao mo oras na pumunta si Ara sa gilid ng kalsada." walang ganang sabi ni Jia



"Desperate huh?" Arnaldo smirked



"Kailangan nila magbayad sa mga kasalanan nila! At ang anak nila ang magiging bayad" asik ni Jia



Doon na natapos ang video. Bakit nila kailangan idamay pa ang anak ko? At ano ba yung sinasabi nilang pagbabayaran?



"May unknown lang na nag send niyan saakin" ani Dad



"Naranasan ko na po magdusa mula sa mga kasalanan na hindi ko naman ginawa at hindi ko pababayaan na mangyari rin 'yon kay Ara" usal ko



Agad kaming nakipag cooperate sa mga pulis, ipinakita namin ang mga ebidensiya at inimbestigahan din nila ito.













_____

Sorry for the late update. Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you for reading. Please vote!


God Bless us all ❤️🥰

My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now