Chapter 16: Am I?

2K 80 99
                                    

Claire

It's been 2 months since that painful revelation and incident happened. I cried every night and I even visit a psychologist because of the trauma caused by that event.



I am thankful for my sister, but shy at the same time. Parang siya pa yung naging panganay saaming dalawa. And also, she finally graduated from college just last month.



Naging payapa naman ang pamumuhay namin dito sa Subic, malayo sa mga maiingay na sasakyan, mauusok na pabrika at halos puno, kabundukan at karagatan lamang ang makikita.



Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko dahil sa sakit ng ulo at balakang. I think my monthly period will come in just a few days, kaya siguro ganito yung feeling; I'm so lazy na nga to get out of bed.



"Ate kain ka na, breakfast in bed" inilapag niya ang tray na may pagkain sa tabi ko



"Ano yan ang baho!" asik ko at tinakpan ang ilong ko



"Lomi? Diba paborito mo ito ate? Bakit hindi mo ba gusto?" sunod-sunod niyang tanong



"Ilayo mo yan saakin, ang baho!" singhal ko



Tumayo si Celine at lumabas, ilang saglit pa ay bumalik siya sa kwarto ko.



"Ayos ka lang ba ate? Tsaka ano gusto mong kainin?" she asked



"Gusto ko ng oatmeal with strawberries" nakangiti kong sabi



"Huh? Eh diba ayaw mo ng oatmeal kasi sabi mo hindi masarap" aniya



I rolled my eyes "Ehhh basta gusto ko non!"



She heavily sighed "Sige na nga, Buti meron tayong oatmeal at strawberry. Wait mo lang ako ate" akma siya lalabas ng kwarto nang hawakan ko ang braso niya



"Bakit ate?" she asked "uhmmm...lagyan mo din ng pickles ah" I chuckled and her eyes widened



"Sure ka?" Di niya makapaniwalang tanong



"Oo nga! Bilisan mo!"



~



"Ang sarapppp, ka busog!" sabi ko pagkatapos kong kumain, habang si Celine naman ay pinanood ako kumain at tila nandidiri pa



"Weirdo" she rolled her eyes



"Sarap kaya! Ang arte mo!" singhal ko



"Ayoko nga, Kadiri!" tugon niya



"Cel" tawag ko sakanya at itinaas naman niya ang mga kilay niya at tumingin saakin



"Gusto ko ng Vanilla ice cream" I pouted



"Luh, ate naman akakain mo lang ah! Tignan mo oh tumataba ka na si Celine



"Eh sa kung gusto ko eh!" singhal ko



"Okay eto na bibili na! Konti nalang mapagkakamalan na kita na buntis eh!" asik niya sabay labas ng kwarto ko



Bigla naman akong natauhan sa sinabi niya, pero siguro naman hindi kasi it's my first time and isang beses lang namin ginawa yun.




Pero kasi halos lahat ng pregnancy symptoms nararanasan ko na except sa pagduduwal. Sana hindi totoo yung naiisip ko...


~



"Ate may napkin ka?" Celine asked while I'm fixing my bed



"Wala eh" I replied



"Huh? Eh diba lagi tayong sabay magka mens? Late pa nga ako ngayon eh tapos ikaw di kapa nagkakaron?" she asked curiously



"Ah-eh k-kasi-



She cutted me off "Tumataba ka, napaka moody mo, laging masakit ulo at balakang mo, lagi kang gutom o di kaya ang weird ng mga food combinations mo"



Yumuko ako "Hindi rin ako dinatnan nung nakaraang buwan" pag amin ko



"Are you pregnant?" she asked



Am I?



_____


Sandro


2 months na ang nakalipas simula nung ginawa namin ni Gianna yung plano. I don't have any idea kung nasaan na si Claire ngayon.



I think she's hiding kasi napahiya siya and hindi ko naman inaakala na nag viral pala yung video.



I received a lot of hate comments but I don't care, as long as nakaganti ako kay Claire.



About Gianna? Naging masungit at cold siya saakin after that event happened. Why? Because she just found out that something happened between Claire and I.



I explained to her naman hindi ko ginusto yon, but ayaw niya maniwala.



And the worst? She broke up with me just yesterday!



"Son! Fix your life nga! Bakit mo iniiyakan yung Gianna na yun? And I thought si Claire ang girlfriend mo?" sermon ni mom while I'm here sa room ko drinking beer



"Mom, you don't understand" I answered



"Then please enlighten me, I need your answers." she seriously said



"Claire is my fake girlfriend, while Gianna is my real girlfriend" tugon ko


Her eyes widened "What?! Pero bakit mo pinakilala si Claire saakin kung si Gianna ang real girlfriend mo?" she asked



"It's part of the plan" saad ko



"What plan? No....tell me I'm wrong....Did you just-


I cutted her off "Revenge" I simply answered



"Sandro naman! Pinagsabihan ka na namin ng Dad mo na walang kasalanan ang mga Diaz sa pagkabagsak ng company mo noon!" asik niya



"Mom, tapos na okay? Just let me live my life" I rolled my eyes


"Ang about dun sa video na nag viral? Akala mo di namin nakita yon? My gosh Sandro!" she said with anger


"Mom, Just stop!" singhal ko



"Bahala ka! Ipapakausap kita sa Daddy mo!" singhal niya at lumabas na sa kwarto ko







_____

Buntis ba si Claire??? Hmmm🤔


Thank you for reading. Please vote!

Sorry for the grammatical errors and misspelled words.


God Bless us all ❤️🥰

My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now