Chapter 43: Secret

1.6K 76 47
                                    

Claire



Nang matanggap namin ang tawag mula kay Simon agad kaming nagpunta sa hospital. Pinabantayan muna namin si Ara sa mga Ate namin dito sa bahay dahil morning nap naman niya ngayon.



Nang makarating kami sa ospital ay agad sumalubong saamin si Vinny.



"Nasaan sila?" I asked



"This way, ate. Come with me!" sinundan namin siya at pumasok kami sa isang private room



Nang makapasok ay sumalubong saamin sina Tita Liza at Tito Bong, nasa tabi naman ni Celine si Simon at magkahawak pa ang kamay nila.



Lumapit ako kay Celine at hinaplos ang ulo nito "Anong nangyari? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag aalala kong tanong



"A-ate..."



"Bakit? Ano ba kasing nangyari?"



"A-ayos lang k-kami ate" nakayuko niyang sabi



"K-kayo? Nino?" I confusedly asked



"A-ate i- I am..." she sobs



"She's pregnant" singit ni Simon



My eyes widened "A-ano?! Buntis ka? P-paano?"



"A-ate...."



"Si-sino ang ama?" kalmado kong tanong, kahit na naguguluhan ako sa nangyari ay pinipilit kong maging kalmado dahil baka makasama sa baby ni Celine



"S-si...Simon, ate" sagot niya na mas lalong ikinagulat ko



Naniniwala naman ako na may something sakanila at iniintay ko nalang na sabihin nila pero bakit pagbubuntis pa yung nauna kesa sa confirmation na sila talaga? Yun talaga yung una kong malalaman?



"Totoo ba, Simon?"



Aminin mo, aminin mo, aminin mo! Ayokong marinig, ayokong marinig! Psh



"Y-yes ate, I..i am the father" sagot ni Simon



I sighed "Hindi naman na ako magugulat kung may relasyon kayo pero bakit yung pagbubuntis talaga yung una niyong ipinaalam?"



"Look, I'm not mad. Napagdaanan ko din ang pinagdaanan mo Celine, ang pagkakaiba lang natin maayos ang relasyon niyo ni Simon at kami ni Sandro ay hindi" I explained



"Nandyan na yan eh, kayong dalawa naman ang bubuhay sa baby na yan. Pero.. nandito ako para sainyo kung kailangan niyo ng tulong" I hugged Celine



"I'm sorry, Ate" humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang luha niya



"Hindi ako galit, nagulat lang. May work ka naman, tapos na sa pag aaral at higit sa lahat mahal niyo ni Simon ang isa't isa"



"Dalawa na ang apo ko" tumingin kami kay Tita Liza na naluluha din kaya napatawa kami



"Congrats, bro" Sandro tapped Simon's shoulder



"Vinny, ano na? Ikaw nalang ang walang anak, ay mali dapat girlfriend muna" I laughed



"Ate! You're not sure kung wala talaga, maybe meron" he shrugged his shoulders



"Vinny! Ikaw ah!" hinampas ni Tita Liza ang braso ni Vinny



"I can't imagine na dalawa na ang apo ko, tapos sa susunod marami na tatakbo sa loob ng bahay" Tito Bong sighed happily



"By the way, where's Ara" Tita Liza asked



"Natutulog na po, pinabantayan nalang po namin kay Manang" I answered



"You know what, parang magkapatid ang mag pinsan. Kapatid mo si Celine at magkapatid sina Simon and Sandro....alam mo yun" sabi ni Tito Bong and we smiled



"Cel, ilang weeks na daw?" I asked



"4 weeks, ate" sagot niya (1 month)



"Bakit ka ba nag bleed?" Sandro asked



"The doctor said it's normal, especially pag nasa first trimester palang. But, Celine needs to be careful pa din" Simon answered



Nag stay pa kami sa ospital at nag kwentuhan hanggang sa napag desisyonan namin na umuwi. Baka kasi tapos na ang morning nap ni Ara at baka hinahanap na kami. Mamayang gabi ay pwede na din daw lumabas ng ospital si Celine, kailangan lang siya obserbahan sa ngayon.



"Hi baby!" I waved at her, inaalalayan siya ni Nana Norma na maglakad.



Kinuha kasi namin si Nana Norma bilang taga bantay kay Ara kapag wala kami ni Sandro, but mostly ako ang nag aalaga kay Ara dahil gusto ko maging hands on mom. Tinutulungan ako ni Nana Norma kapag di ko kayang mag multitask.



"Maligo muna kayo at galing kayong ospital!" suway ni Nana Norma nang lumapit si Sandro at akmang bubuhatin si Ara



"Sorry Nana" he showed Nana a peace sign



We went upstairs to take a bath, si Sandro naman kumuha lang ng damit dahil sa baba siya maliligo.



After taking a bath, I went downstairs to play with Ara. Our day went well, naglaro kami, nanood ng movie at nag kulitan.











_____

Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you for reading. Please vote!


God Bless us all 🥰❤️

My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now