Chapter 49: The Truth

2K 94 156
                                    

⚠️ WARNING ⚠️
Contains bad words and some harmful actions


Claire



Nang makauwi kami ni Ara sa bahay ay dumiretso kami sa kwarto niya.



Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina.



"Mommy, I want to sleep" sabi niya matapos ko siyang bihisan



"Okay, sleep na. I'll be here lang" I gently tapped her legs



Mabilis nakatulog si Ara, siguro dahil nag re-recover pa siya. Habang binabantayan siya ay nakatanggap ako ng email mula sa isang unknown account.



Binuksan ko ito at laking gulat ko nang makita ko ang mga litratong ipinadala niya.



Sandro is kissing a girl. May mga litrato din na magkahawak pa sila ng kamay...at may bata pa na kasama.



Nanghina ang aking tuhod at nanlamig ng buong katawan ko. Napatingin nalang ako kay Ara na mahimbing na natutulog.



Paano na ang anak ko? Paano na kami?



Lumandas ang luha sa aking pisngi, nanggigigil ako sa galit!



Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko. Sapat na ang mga nakita ko para patunayan na may ibang babae si Sandro.



Habang nag iisip ng mga pwedeng gawin ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Ara kaya naman napatingin ako dito. Iniluwa nito si Sandro.



Akma niya akong lalapitan nang salubungin ko siya ng isang malakas at malutong na sampal.



"What's your problem?!" asik niya habang sapo ang pisngi, nagbakat ang kamay ko doon at kitang- kita ang pamumula nito



Lumabas ako ng kwarto ni Ara at pumunta sa kwarto namin. Baka kasi magising si Ara kung sa kwarto niya kami mag aaway ni Sandro.



"Why did you slapped me? What's your problem?" kalmado niyang tanong at halatang nagtitimpi



Hindi ko na napigilang umiyak "Kailan pa?"



"Huh?"



"Kailan mo pa ako niloloko?! Hayop ka!" sigaw ko



"I did not!" confident niyang sabi "Look, wala akong babae..." akma siyang lalapit saakin



"Eh ano 'to?! Huwag mo sabihin na kaibigan mo lang yan!" ibinato ko sakanya ang cellphone ko at pinulot naman niya ito upang tignan ang litrato



"N-no...."



"Napaka tarantado mo! Hayop ka! Nakakadiri ka!" tinutulak ko siya at hinahampas sa dibdib



"Claire...." umamo ang mga mata niya



"K-kanina....kanina nakita ko kayo sa ospital. G-galing kayo sa maternity clinic. Ano buntis ba siya?" umiiyak kong sabi



"That's not true" he touched his cheeks



Hinawi ko ang kamay niya "WAG MO AKONG HAWAKAN! NAKAKADIRI KA! NAPAKA GAGO MO!"



"L-let me explain"



"Wala ka na dapat pang ipaliwanag! Sapat na yung nakita ko at naranasan namin ni Ara sayo!" humahagulgol kong sabi



My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now