Chapter 44: Officially Yours

1.6K 88 51
                                    

Claire


I'm planning to surprise Sandro, balak ko na siya kasi siya sagutin. This past few days kasi mas pinakita niya na deserving siya.



Walang palya ang pagbibigay ng flowers, todo ang pag aalaga saamin ni Ara kahit pa may trabaho siya at maraming pang iba.



Siguro panahon na para patawarin siya ng tuluyan. Yung walang sumbatan sa nakaraan at pagsisimula ng bagong kabanata ng aming buhay.



Naghahanda kami ngayon dito sa garden namin, dito ko kasi balak mag set up ng intimate dinner para saamin ni Sandro. Katulong ko ang mga kasambahay or Ate namin dito sa bahay para mag ayos.



Sayang lang at hindi makakapunta ang pamilya namin dahil busy ang schedule nila.



"Naku ma'am, kami na po ang bahala dito! Mag beauty rest nalang po kayo para mas gumanda kayo sa paningin ni Sir mamaya" Ate Sally, katulong ko siya sa paghahanda ng pagkain dito sa bahay



"Nako baka masundan na si ang baby Ara natin!" kinikilig na sabi ni Nana Norma



"Kayo talaga ha! Ang kulit niyo" I rolled my eyes pero deep inside ay kinikilig ako, tsk



"Eh totoo naman ma'am! Sino bang hindi ma i-inlove sayo eh ang ganda mo, matalino ka, madiskarte, maalaga, mapagmahal, masipag, at higit sa lahat magaling at masarap magluto!" Ate Sally clapped her hands



"Kulang na nga lang ma'am ikaw na ang mag luto palagi, aagawan niyo pa ata ako ng trabaho" dagdag pa niya habang kinakamot ang ulo



"Sus! Binobola niyo lang ako eh! Ituloy na nga natin yung ginagawa natin para matapos na agad tsaka baka magising na si Ara" usal ko



Matapos namin mag set up at mag luto ay umakyat na ako sa kwarto namin upang maligo at magbihis. Syempre pati si Ara ay isasama ko sa pag surprise namin kay Sandro.



Nang matapos namin maghanda ni Ara ay bumaba na kami, akay ko ang dalawang kamay niya pababa ng hagdan. Malapit na din kasi umuwi si Sandro kaya kailangan na namin mag ready.



Si Ara ay nakasuot ng white t-shirt na may nakalagay na "Mommy is officially yours, daddy"



"Ma'am nandyan na si Ser!" sigaw ni Kuya Boy, ang hardinero namin



Pinatay namin ang ilaw at nagpunta kaming lahat sa garden. Sina Ate Sally at Nana Norma ay pumwesto sa gilid.



Ilang saglit pa ay narinig namin bumukas ang pinto.



"H-hello?" si Sandro



"Bakit patay yung lights?" rinig kong sabi niya



"Claire? Ara?"



"Dada!" sigaw ni Ara



Patay, wala sa plano yun...



Natanaw ko na palabas na siya sa garden kaya sinalubong namin siya ni Ara.



Hinablot ko ang kamay niya at hinila siya papuntang garden "Hey! You scared me!"



Hindi ko siya pinakinggan at patuloy na hinila siya papuntang garden. Nang makarating sa garden ay bumukas ang lahat ng ilaw at pumutok ang confetti poppers.



"Surprise!" masayang sabi ko



"Wow, just wow! May occasion ba? Teka baka may nakalimuta-



I cutted her off "Read Ara's shirt" iniharap ko sakanya si Ara



"Mommy is officially y-yours - NO WAY!" his eyes widened



"Yes way!" I laughed



"So, it means that we're officially in a relationship? I mean sinasagot mo na ako?" di niya makapaniwalang tanong



"Yes nga! Parang ayaw mo ata eh!" asik ko



"No! Of course gusto ko. I just can't believe that you and I are officially in a relationship" he caressed my cheeks and kissed my lips



"Ang tamis!"


"Aray ko ang daming langgam!"


"Masusundan na si Ara!"


"Kasalanan na ang next!"


"Gutom na ako! Kain na!"



Natawa kami ni Sandro dahil sa sinabi nila.



"Mumum bibi Awa papa" Ara pouted (Baby Ara eat)



"Kain na tayo! Gutom na ang baby Ara natin" aya ko sa lahat



"Nako ma'am wag na po, may pagkain naman po kami sa kusina. Tsaka family time niyo po yan" sagot ni Ate Sally



"Wag na kayo mahiya! Para saatin lahat ng pagkain dito tsaka ilang beses ko ba sasabihin na wag niyo akong tinatawag na ma'am" pamimilit ko



"Tama si Claire, don't be shy. Hindi naman namin mauubos yung food eh" side comment ni Sandro



Buti nalang at napilit namin sila. Dapat kanina intimate dinner ang gagawin kaso naisipan ko na isama sa celebration ang mga kasama namin sa bahay, as a way of saying 'thank you' na din.



Pagkatapos kumain ay nagboluntaryo sina Ate Sally at Nana Norma pati narin ang mga lalaking kasama namin sa bahay na sila na ang magliligpit ng mga pinagkainan namin.



Nahiya na daw kasi sila dahil sumabay na sila sa pagkain ng dinner tapos paglilinisin pa kami ng kalat. Pero okay lang naman saamin na kasama sila, ang saya kaya.



"What's our endearment?" Sandro asked habang nakahiga kami sa kama at nasa gitna namin si Ara na nilalaro ang paa



"Uhmm...mahal?"



"Mahal it is, very sincere pakinggan" he kissed the top of my head



"Sorry kung simple lang yung surprise and celebration kanina ah" sabi ko



"Walang simple sa taong nagmamahal" sagot naman niya



"So....next ay wedding huh? Baka ikaw pa mag propose saakin ah" biro niya at napairap naman ako



"Grabe ka naman, syempre dapat ikaw na gagaw nun" I pouted



"Of course. Thank you for the suprise ah, sarap mo talaga magluto. Sabagay masarap din yung-



Hindi ko na siya pinatapos pa at hinampas ko ang braso niya "Ikaw talaga! Watch your mouth!"



"Ha? Ang sasabihin ko masarap din kasi yung steak kanina" palusot niya



"Nako! Tigilan mo ako" I rolled my eyes



"Dada? Mum?" Ara looked at us



"Yes, anak?" I asked



Itinaas niya ang shirt ko at umupo sa may tapat ng tiyan ko "Wabu b-bibi" hinalikan niya ang tiyan ko ng tatlong beses



Nagkatinginan naman kami ni Sandro sa ginawa ni Ara.



"What are you saying baby?" nagpipigil ng ngiti ni Sandro



"Dada, mum! Bibi ba-bader!" (Baby brother)



Patay, baby brother pala ang nais.










_____

Ano baby brother na ba??


Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you for reading. Please vote!


God Bless us all ❤️🥰


My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now