Chapter 58: Suspect

1.6K 82 77
                                    

Sandro



She's mad at me...my daughter is mad at me. Dalawa na silang may galit saakin.



Pagkatapos ako palabasin ni Claire sa kwarto ni Ara ay hinintay ko si Mom. She said na pupunta siya ngayon.



After a few minutes of waiting dumating na rin siya "Son, where's my apo" she asked and I pointed Ara's room.



"Why are you here? Bakit hindi ka pumasok?" hihilain na niya sana ako ngunit kumawala ako sa kapit niya



"Why?" she asked



"Pinalabas ako ni Claire, they don't want to see me...even Ara" sagot ko



"Mag uusap tayo mamaya" she said seriously



Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Knowing my mom, she has one word. Kapag sinabi niya, gagawin niya.



I waited for almost an hour hanggang sa lumabas na si Mom. Napatayo naman ako nang matalim niya akong tignan.



"M-mom... how's my daughter?" I asked nervously



"You think wala akong alam? Bring me to that girl, alam kong may kinalaman siya nangyari sa apo ko" matapang niyang sabi, and I know she's pertaining to Jia



"B-but Mom..."



"I said samahan mo ako! Sandro naman, bumawi ka naman sa anak mo kung totoong nagsisisi ka. Be a man."



"And I need to know the truth. Ano ba talaga ang nangyayari, kasi until now hindi ka pa rin nagsasabi at nagpapaliwanag." nilagpasan niya ako



"Come with me" rinig kong sambit niya



~



"Sand- Mrs. Marcos?" si Jia



"Yes, I am. The mother of Sandro and the wife of Bong Bong" mom said sarcastically



"Mom, please" saway ko



"Why? I'm just making pakilala to her. Para na rin may idea siya kung sino ang kinakalaban niya" mataray niyang saad



"P-po? A-ano po bang s-sinasabi niyo?" natatawa at nauutal na sabi ni Jia



"Well, I can't call you kabit dahil hindi pa kasal sina Sandro at Claire. Pero may anak sila at sinira mo ang binubuo nilang pamilya" Mom looked at her from head to toe



"Ma..."



"I'm here to tell you this...Layuan mo ang anak ko at ang pamilya niya"



"That's it. Very easy to understand, right? At kung totoo ang duda ko na may kinalaman ka kung bakit  naaksidente ang apo ko...be ready"



"I'm not bad, I just make people pay for their bad doings. At isa ka na sa kanila"



"Dahil hindi ka lang mawawalan ng trabaho, I will make sure that you will pay for what you've done" banta ni Mom



"I am pregnant with Sandro's child. A-apo niyo rin po ito" si Jia habang hinihimas ang maliit na umbok ng tiyan niya.



"Hmm, are you sure?" Mom smirked



"O-opo"



"Okay, sabi mo eh.....we have to go, I don't want to waste too much time para lang sa'yo. Remember that I have one word." Tumalikod si Mom at palabas na sana siya sa bahay nila Jia ngunit muli itong humarap



"By the way, search mo yung salitang family, original, and love. Naturingan ka pa namang teacher tapos sumisira ka ng may pamilya" mom glared at Jia



"Sandro, Tara na"



That's my mom...and I hope na magkaroon din ako ng confidence like her.





_____


Atty. Liza



Someone like Jia? Kailangan niya matutunan kung paano magmahal at mahalin. Why? Because she's papansin, uhaw sa pag ibig in short.



Ito naman si Sandro hanggang ngayon hindi pa nagpapaliwanag sa totoong nangyari.



Is he scared? But, scared of what? We are here naman kaya bakit siya matatakot? I am a lawyer and we are a Marcos, so bakit namin siya pababayaan?



Hindi naman sa pag te-take ng advantage pero we are a family! Dapat nagtutulungan and no secrets.



Pag uwi sa bahay agad kong tinawagan ang private investigator namin. Something's wrong with that Jia.



"Hello?"



"Madame Liza, napatawag ho kayo. Sino ba Atty?"



"Yes, I want you to investigate Jia Jimenez. Check her family background, kailangan ko malaman kung ano ang tunay na pagkatao niya" sagot ko



"No problem, Madame"



After the call, I decided to call Leo. Pero naunahan niya ako.



"Hello, Liza. Alam ko na kung sino ang suspect sa pag hit and run sa apo natin" he said with serious voice



"Who?"



"Si Jimenez"



Get ready...
















_____

Sorry for the late update. Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you for reading. Please vote!


God Bless us all 🥰❤️

My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now