Chapter 57: Mamita's Words

1.7K 73 63
                                    

Claire



Kasalukuyan kaming naghihintay na masalinan ng dugo si Ara dahil tapos na makuhanan ng dugo si Sandro at nagpapahinga pa siya.



"Ma, Dad gusto ko po pa imbestigahan ang nangyari kay Ara. May kutob po ako na may nag plano nito" tulala kong sabi



"Likewise. Parang hindi lang basta aksidente ang nangyari, mukhang planado" si Mommy.



"Hayaan mo, aasikasuhin ko na ngayon. Aalis muna ako saglit para mapabilis ang imbestigasyon." Dad kissed my forehead and nagpaalam saamin ni Mommy



"Tinawagan ko na rin si Liza kanina para ipaalam ang nangyari. Papunta na rin daw sila." isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya



"Bakit kailangan maranasan ni Ara 'to? Natatakot ako para sa anak ko Ma. Paano na siya? Paano kung hindi na talaga siya makalakad?" umiiyak kong tanong



Kasalanan ko 'to eh. Kung sana binantayan ko siya...kung sana hindi ko muna sila pinagkita ni Sandro edi sana hindi mangyayari 'to.



Ilang saglit pa ay nakita kong lumabas mula sa isang kwarto si Sandro. Nagtama ang aming mga mata at nginitian niya ako, umiwas naman ako ng tingin at yumuko.



Hindi ko siya kayang tignan sa mata dahil ginugulo nito ang puso't isip ko.



Tatabi sana siya saakin pero sinuway siya ni Mommy "Oh bakit ka tatabi sa anak ko? 'Yan lang ba ang upuan dito?"



"S-sorry po" he fakely smiled, lumipat siya sa medyo malayo saamin



Bakit ganon? Bakit nasasaktan ako kapag nakikita ko na nalulungkot siya?



"Excuse me po" sabi ng doctor, tumayo ako at lumapit naman ulit saamin si Sandro upang pakinggan ang sasabihin nito



"Doc, how's my daughter?" tanong ko



"Stable na ang condition niya, mabuti nalang at naging mabilis ang process ng blood transfusion" she smiled



"Thank you, Lord" bulong ko



"Pwede na ba namin siya makita?" Sandro asked



"Yes, actually gising na siya pero nanghihina pa siya as of now dahil still recovering pa ang katawan and I suggest na huwag muna siya biglain sa pakikipag usap or wag pa siya pakilusin. Pero nakaalalay naman si Nurse Candice sa inyo para hindi kayo mahirapan sa pag aalaga sa pasyente" sagot ng Doctor



"Thank you, Dra." I smiled



"No worries. Paano ba yan I have to go dahil may ibang patients pa ako, basta kung may tanong kayo lumapit lang kayo saakin ha?" we nodded as a response



Iniwan kami ni Dra. at may lumapit saamin na isang nurse.



"Hello po, I am Nurse Candice. Ako po yung tutulong sainyo sa pag aalaga sa pasyente habang nandito po siya sa ospital and ako din po yung mag te-therapy sakanya " she smiled genuinely



Ang ganda naman nitong Nurse na 'to.



"Thank you, pwede na ba kami pumasok?" tanong ko at tumango siya, sinamahan niya kami sa kwarto kung nasaan si Ara



"Baby Ara, nandito na ang parents mo" sabi ni Nurse Candice



"M-mommy" she looked at me, nanghihina pa siya



"Baby, rest ka lang ha? Sabhin mo kapag may masakit, wag ka masyado kumilos ha? Nandito lang si mommy, hindi kita iiwan" I kissed her forehead



"Anak..." tawag ni Sandro kay Ara



"N-no....stop" umiwas ng tingin si Ara kay Sandro



"Why?" I asked curiously



"I hate you. You're not my daddy, you lied" lumuluha na sabi ni Ara



Nagtatakang tumingin naman ako kay Sandro.



"M-mommy, don't l-leave me. I don't want to see D-daddy" nagtatampong sabi niya



"Okay, I'll talk to him later huh? But for now, magpahinga ka muna and don't talk too much" pagpapakalma ko sakanya



"Sandro, lumabas ka muna" baling ko sakanya



"But....Fine" he sighed and leave the room



"Mommy, I can't m-move my legs?" natatarantang tanong ni Ara



No...



"Mommy, I can't feel my legs! Mommy ko, help me!" umiiyak na sabi niya



"Shhh, mommy's here. Anak, hindi kita iiwan" tumabi ako sakanya at pinakalma



Paano? Anong isasagot ko?



Lumapit saamin si Mommy at hinawakan ang pisngi ni Ara "Ara, don't cry na. Tutulungan ka namin, tutulungan ka ni Nurse Candice para maka recover ka apo ha?"



"Yes, tutulungan ka namin baby" saad ni Nurse Candice



"C-can I still walk?" humihikbing tanong ni Ara



I don't know, anak. Hindi ko alam pero sana. Gagawin ni mommy ang lahat para makalakad ka muli.



Pumikit ako bago siya sinagot "Y-yes"



Bigla naman bumukas ang pinto kaya napatingin kami rito "Ara! How are you?! Omygosh!" si Tita Liza



"M-mamita" Ara smiled



"Claire, nasabi na saakin ni Sandro ang nangyari. Don't worry, ako ang hahawak sa kaso once we already know kung sino ang nasa likod nito. Ako mismo ang haharap sakanya kung sino man siya" she tapped my back, I feel relieved naman



"I'm sorry nga pala kung ako lang nakapunta, out of town si Bong tapos si Vinny naman he has returned to Singapore while Simon and your sister nasa Ilocos." she added



"Okay lang po, na appreciate ko na po na dinalaw mo si Ara" I smiled



Nag usap kaming tatlo nila Mommy at Tita Liza habang si Nurse Candice naman ay binabantayan ang tulog na si Ara.



Si Sandro? Hindi ko alam kung nasa labas pa siya o umuwi na.



Tumawag din sina Celine at Simon at kinamusta ang kalagayan ni Ara.



"May isang salita ako, kapag sinabi ko ay gagawin ko. I will never ever let anyone hurt my family, especially my apo. Siguraduhin dapat niya kung sino ang kinakalaban niya" matapang na sabi ni Tita Liza





















_____

Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you for reading. Please vote!


God Bless us all ❤️🥰

My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now