Chapter 45: New Him

1.6K 83 117
                                    

Claire



After 3 years...



Tatlong taon na ang nakalipas simula noong maging kami ni Sandro, officially.



Every month kami nag ce-celebrate ng monthsary namin syempre pati na rin ang anniversary namin with our Ara.



Sa loob ng tatlong taon ay naging maayos at tahimik naman ang buhay namin. Ipinagpatuloy ko din career ko sa pagululuto, balak ko nga magtayo ng restaurant.



Lumalaki na din si Ara, she is now 4 years old. Inenroll nga namin siya sa preschool, tama lang din naman ang age niya para ipasok doon at next year pwede na siya mag kindergarten.



Grabe, ang bilis ng panahon. Si Celine at Simon nga ikakasal na eh, kasalukuyan silang nakatira sa Ilocos ngayon kasama ang 3 years old son nila.



Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko na laging late umuwi ng bahay si Sandro. Maraming daw siya ginagawa at kailangan na daw niya matapos iyon kaya late na siya umuuwi.



Minsan na nga lang namin siya makasabay kumain. Pag gising ko wala na siya sa tabi ko pati na rin bago matulog.



Halos hindi na nga kami nagkikita eh. May problema talaga...



Ngayong gabi ay balak ko siya hintayin kaya maaga kong pinatulog si Ara.



Umupo ako sa couch sa sala, binuksan ko ang TV ngunit mahina lang ang volume nito dahil may mga natutulog na.



Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagpasok ng sasakyan ni Sandro sa garahe kaya nagmadali akong patayin ang tv.



"Mahal.." tawag ko sakanya, halos matumba na siya dahil sa kalasingan



"Shh..b-baka marinig ka n-ni C-claire" he smirked



Huh?



"Sandro akala ko ba galing ka trabaho? Eh bakit lasing ka?" kalmado kong tanong



"Oh wife! There you are! Pa kiss nga" akma siyang lalapit saakin ngunit itinulak ko siya sanhi ng pagka tumba niya



"What the hell! Bakit mo ako tinulak?! What's your problem ba ha?!" galit niyang sabi atsaka tumayo



"Amoy alak ka! Ang baho mo" asik ko



"Ang arte mo! Tumabi ka nga dyan!" singhal niya atsaka umakyat, sinagi niya pa ako sa braso kaya naman napa luha ako



Sumunod ako sa kwarto at nakita kong nakayakap siya kay Ara. Yes, Ara is still sleeping with us dahil ayoko pa siya ihiwalay ng kwarto kahit may sarili na siyang kwarto.



Dahan- dahan ko inalis ang pagkakayakap niya kay Ara, ang baho niya baka maamoy siya ng anak niya!



Kahit may pagka mabigat na si Ara ay binuhat ko siya palabas ng kwarto, sa kwarto niya kami matutulog ngayon. Bahala na si Sandro sa buhay niya!



"Mommy, why are we here?" Ara asked, naalimpungatan ata siya



"We are going to sleep here, anak. Sige na go back to sleep, you have school pa tomorrow." sagot ko



"Si daddy po?" she asked



"He's drunk"



"Oh no, I know he smells like a rotten egg" she whispered, napatawa naman ako sa sinabi niya



"Goodnight mommy, I love you so much" she kissed my lips



"I love you too, mahal ko"



Maya-maya pa ay nakatulog kami ni Ara na magkayakap.



Nagising na lamang ako nang marinig ako ang maliliit na hagikgik at halik mula kay Ara.



"Mommy ko! Wakey wakey na po!" she giggled




"Ara ko, I'm sleepy pa" nakapikit kong sabi



"But, Mommy! Wakey ka na, I have school pa po"



Unti-unti ko naman idinilat ang mata ko at nakita ko si Ara na naka pout.



I pinched her cheeks and kissed her nose "Mommy...I have question po"



"What is it?" I asked



"Love po ba tayo ni Daddy?" she asked



Nagulat naman ako sa tanong niya. Siguro nagtataka na din siya dahil hindi sila madalas magkita ng daddy niya at hindi na rin sila nakakapag bonding tulad ng dati.



"Oo naman, daddy loves us" I kissed her lips "Tara na, ako ulit maghatid sayo sa school" I added



"Yeyyy! You're the best talaga, Mommy ko!" she hugged me



Pagbaba namin ni Ara sa kusina ay nakita namin na kumakain na si Sandro, hindi man lang kami tinawag.



"Good morning daddy ko!" Ara approached Sandro and kissed his cheeks but, Sandro ignored her



"Kumakain ka na pala, dapat tinawag mo kami" sabi ko habang inaalalayan si Ara umupo sa harap niya



He sighed "You know naman na nagmamadali ako diba kasi busy ako sa trabaho"



"Lagi ka naman busy" bulong ko



"Ang aga-aga ang dami mong drama!" pinalo niya ang mesa kaya naman nagulat kami ni Ara



"D-daddy, please be calm. Don't shout" paiyak na sabi ni Ara



"Sandro nasa harap tayo ng bata" naluluha kong sabi



"Wala akong pake!" sigaw niya tsaka kami iniwanan sa kusina



"M-mommy, I'm scared" umiiyak na sabi ni Ara



"Shhh, mommy's here. Wala lang sa mood si daddy kaya sumigaw siya" pagpapakalma ko sakanya



Nagbago na si Sandro, hindi naman siya ganito dati eh. Nitong mga nakaraang linggo lang siya naging ganyan.












_____

To avoid confusions, maglalagay ako ng mga flashbacks.


Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you for reading. Please vote!


God Bless us all 🥰❤️

My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now