Chapter 48: Hospital

1.7K 83 54
                                    

Claire


Masakit ang ulo ko nang gumising ako, magdamag kasi akong gising dahil nilalagnat si Ara. Nakatulog lang din ako nang makaramdam ako ng sakit ng ulo.


Kaya ngayon, parehas kami ni Ara na may sakit. Sinat at sakit ng ulo lang naman yung saakin pero si Ara medyo mataas ang lagnat.


Kapag hindi pa bumaba ang lagnat niya ay dadalhin ko na siya sa ospital.


Bumaba ako sa kusina upang palitan ang tubig sa planggana, pupunasan ko si Ara upang maginhawahan siya kahit papaano.


"Oh Claire, si Ara?" tanong ni Nana Norma nang makababa ako sa kusina


"May lagnat po siya, Nana. Lalagyan ko lang po ng bagong tubig 'tong planggana" sagot ko atsaka itinapat ang planggana sa gripo


"Naku po, uminom na ba siya ng gamot?" nag aalalang tanong niya


"Opo, pinainom ko po siya nung nagising siya kaninang madaling araw" I yawned


"Magpahinga ka muna at tignan mo ang mata mo, ang lalim na- oh may lagnat ka din ah" aniya


"Kaya ko naman po, mas mataas po ang lagnat ni Ara kaya kailangan niya ako" sagot ko


"Aba eh nasaan ba ang asawa mo?" tanong niya habang nakapamewang


"Baka po natutulog pa, Sunday naman po ngayon kaya wala siyang pasok" saad ko


"Bakit? Hindi ba kayo tabi matulog?" she asked curiously


"U-uhmm...."


"Ay oo nga pala" she sighed


"Nana, akyat na po ako baka gising na si Ara" pag iiba ko ng usapan


Pag akyat ko ay nakasalubong ko si Sandro na palabas na ng kwarto namin, bihis siya. Ewan ko lang kung saan pupunta.


"What's that?" tanong niya at itinuro ang planggana


"May sakit si Ara" sagot ko ngunit hindi ko siya dinapuan ng tingin


"S-sorry....may sugat ba si Ar-


I cutted him off "Marami, kaya nga siya siguro nagkasakit" I glared at him


"Look, I'm sorry. Stressed lang ako kaya nagawa ko yon" he sighed


"Wag ka sakin humingi ng tawad" tumingin ako sakanya "Wag saakin kung 'di kay Ara, sa anak mo" nilagpasan ko siya at hindi ko manlang tinanong kung saan siya pupunta


Pagpasok ko sa kwarto ni Ara ay nakita ko na gising na siya ngunit tulalang nakatingin sa kisame.


"Anak..." she looked at me


"Mum, my head hurts" daing niya


Kinuha ko ang thermometer na nasa side table at pinagamit sakanya iyon.


39.6


Sobrang taas ng lagnat niya!


Mabilis kong kinuha ang bag niya at naglagay ng konting gamit niya, binihisan ko si Ara atsaka siya binuhat.


"Nana! Ate Sally! Dadalhin ko lang po si Ara sa ospital, kayo na pong bahala dito" kalmado kong sabi


"Jusko po, mag ingat kayo"


"Ingat, Ma'am!"


"Manong, sa hospital po tayo" sabi ko sa driver namin


Nang makarating kami sa ospital ay may agad naman nag asikaso saaming nurse.


Nagsagawa ng tests kay Ara at thankfully, normal naman ang mga ito. Pwede naman na daw iuwi si Ara mamaya, pero sa ngayon ay kailangan pa siya obserbahan at pinapababa pa ang lagnat niya.


"Mommy ko... I'm hungry" she pouted


"What do you want to eat, anak?" I asked while caressing her hair


"I want soup po" sagot niya


"Okay, I will buy you soup. Dito ka lang ah" sabi ko


Ibinilin ko siya sa nurse bago ako umalis. Pero, hindi pa man ako nakakalabas ng ospital ay may nakita akong isang tao na hindi ko inaasahan.


"S-sandro?" bulong ko


She's with a girl, kalalabas lang nila galing.... maternity clinic?


No, don't tell me...











____

Kalma! Meron pa mamaya!

Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you for reading. Please vote!

God Bless us all ❤️🥰

My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now