Chapter 55: My Daddy!

1.7K 75 95
                                    

Sandro



Ara and I are going to the park, mabilis lang kami nakarating dito dahil malapit lang naman ang park sa bahay nila Claire.



"Daddy, swing tayo!" hinila ako ni Ara papunta sa swing



"Daddy, mag swing ka rin po" aya niya saakin



"Okay....Ara, kumusta na kayo ni mommy?" I asked



"Uhmmm...we are both happy and sad?" halata sa boses niya na ang hindi kasiguraduhan



"What do you mean?"



"We are happy po kasi kasama po namin si Lolo and Lola sa house pero ikaw naman po ang hindi namin kasama" she pouted



"I miss you, daddy. Sleep ka na po ulit with us" dagdag niya pa



Kung pwede lang....



"Anak, I still need to fix some things kasi between sa relationship namin ni Mommy mo. Pero I promise na aayusin ni daddy ang mga pagkakamali para makasama ko na ulit kayo, okay?" paliwanag ko



"Okay po" she smiled



"Ara...?" muling tawag ko sakanya



"Why po?"



"I'm very sorry... it's my fault kung bakit nagulo ang buhay niyo. It's hard to explain sa ngayon dahil bata ka pa but, always remember that I love you and I'm always here for you....sa inyo ni mommy" tumayo ako sa swing at lumuhod upang pantayan siya, I caressed her cheeks and kissed her forehead



"I'm sorry din dahil nasaktan kita. I know that saying sorry isn't enough pero anak sana mapatawad mo ako" I added



"I'm not mad at you po and daddy I'm sorry din po kasi I'm so kulit and I didn't listen to you" yumakap siya saakin at niyakap ko siya pabalik



I don't deserve them...Ang bait ng anak ko at ni Claire saakin samantalang ako napaka duwag ko.



Nagpadala ako sa banta at takot. Babawi ako, gagawin ko ang tama. Ang protektahan ang mag ina ko at tapusin ang kasamaan ni Arnaldo.



"Dada!"



Napatingin kami ni Ara sa batang papalapit saamin.



"Dada! I miss you, dada ko!" si Lia.



"Who is she po?" Ara asked curiously



"I'm her daughter!" Lia rolled her eyes



"Huh?"



"Bingi ka ba? I said I'm his daughter!" asik ni Lia



"Lia.." saway ko



"Lia, that's bad" si Jia.



"Teacher Jia? What are you doing here?" Ara asked when she saw Jia



"Oh, hi Ara. Nandito ka din pala. Lia is my daughter" Jia caressed Lia's hair



"Anong ginagawa niyo dito?" bulong na tanong ko kay Jia



"Baka nakakalimutan mo ang kasunduan natin?" she smirked



"Daddy, you know each other? How?" Ara asked



"Ang kulit mo! I said I'm his daughter and I'm going to have a baby brother or baby sister! Are you inggit?" mataray na sabi ni Lia



"Lia!" galit na saway ko



"Pero Dada-



"Daddy....is it true? Is she your daughter and you are going to have another baby? Pero daddy why si Teacher Jia? Diba dapat si mommy?" curiosity is evident on her voice



"Anak-



"Yes, it's true. Magkaka baby na kami ng daddy mo" Jia cutted me off



"Jia" nagtitimpi kong sabi



"Daddy...why?" pabulong na tanong ni Ara



"I'm her daughter! He's my dada!" Lia crossed her arms and rolled her eyes



"No! That's not true! I'm his only daughter and he loves us!" pinipigilan niyang maiyak, namumula na ang ilong at nanggigilid na ang luha niya



"No! Ampon ka lang eh! Hindi ka love ni dada, tignan mo hindi mo siya tabi mag sleep. Kami magkatabi tapos binibilhan niya pa ako ng-



"Stop! I hate you all! I hate you, Daddy!" malakas na sigaw ni Ara habang umiiyak, bigla naman siyang tumakbo papalayo saamin



"Ara!"



"Kapag may nangyaring masama sa anak ko lalabas ang baho niyo! Sisiguraduhin kong kayo naman ang maduduwag!" banta ko kay Jia at iniwan sila sa park



Sinundan ko naman si Ara, nakarating na siya sa highway nang biglang....



"Ara!" sigaw ko












_____

Bukas ulit!!

Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you for reading. Please vote!

God Bless us all ❤️🥰

My Terror Boss (Sandro Marcos- Complete)Where stories live. Discover now