Chapter 1

857 10 0
                                    

Abel's Pov

" Good job guys " masayang bati ko sa mga kasamahan ko.

" Sa wakas natapos rin HAHA " Sabi ni Mark isa sa mga matalik kong kaibigan.

" 1week vacation is here " masayang sabi rin ni Carlos

" Buti nalang talaga " sabi pa ni Nicole.

" Ikaw boss san ka?." Tanong ni Ej sakin.

" San pa?. Kundi sa bahay lang yan " sabi ni Mark at nagtawanan sila. Di kase ako palalabas kagaya nila.

" Matutulog ako buong 1week bakit?." Sabi ko.

" Bat di ka nalang kaya sumama samin boss. Jamming sa gabe para naman makapag enjoy minsan lang to " sabi pa ni Carlos

" At dinamay mo pa ako sa mga ganyan. Naku tigil tigilan niyo ko" sabi ko.

" Wag niyo na kaseng pilitin si boss di naman umiinum to ehh. Pero kong gusto mo boss tuturuan kita kong panu "isa pa to ehh.

" Gawin niyo lahat ng gusto niyo. Basta ako tigil tigilan niyo" sabi ko at kinuha na ang gamit ko.

" Sige na. Alis na ako bahala kayo dyan" sabi ko at iniwan silang tawa lang ng tawa don.

Ganyan ang mga kaibigan ko. Tatawanan ka nila pag dika nakisali sa kanila. Sanay na ako sa mga yan pero maasahan mo sa lahat ng oras kahit buhay ko pag may mission kami. Pinagkakatiwala ko sakanila. Ganyan.naman talaga dapat ehhh. Kailangan nating magtiwala sa mga kasamahan natin.

Palabas na ako ng quarters ng matamaan ng mata ko ang isang babaeng nakatalikod namay lalaking nakaupo sa harap nito. Nakatalikod ito sakin kaya di ko makita ang mukha niya.

" Good morning ma'am" bati nila sakin at sumalodo.

" Anong nangyari don?." Tanong ko sakanila.

" Na dukotan boss ehhh. Mabuti nalang mabilis reflections niya at marunong mag martial arts kaya dina nakatakbo pa " sabi nito at napatingin ako sa kinaruruonan nila ng mag si labasan ang mga kumag kong kaibigan.

" Talagang mahal mo kami boss ahhh. Hinintay mo pa talaga kami Hanggang dito sa labas. Ano?. Sama ka na samin?. Nag bago na isip mo?." Tanong ni Ej.

" Hay naku. Umalis na nga kayo " sabi ko pero hinila ako ni Nicole at Carlos sa magkabilaang braso.

" Sasama ka samin saayaw at sa gusto mo Capt." Sabi nito at tuluyan na akong kinaladkad paalis.



Jobel's Pov

Nandito ako ngayon sa presinto kasama ang lalaking subukang mandukot sakin. Mabuti nalang talaga at naturuan ako ni Cy ng mga self defense kong hindi baka napano na ako.

Habang naguusap kami ng police ay napalingon ako don sa grupo ng mga police na naguusap at kinaladkad ang isang police paalis.

" Dalhin niyo na sa loob yan " sabi ni mamang police na nagpabalik sakin sa ulirat.

" Maraming salamat po " sabi ko dito at umalis na. Mabuti nalang at wala akong pasok ngayon kase naka leave ako ng ilang araw.


* RING RING *

Agad kong sinagot ito ng makita kong si Cy ang tumatawag sakin.

" Bess " sabi nito na parang umiiyak kaya nataranta ako.

" Anong nangyari?. Umiiyak ka ba?." Tanong ko dito.

" Niloko niya ako " sabi nito at tuluyan ng umiyak ng umiyak.

" Daan ako dyan " sabi ko at binaba na ang tawag. Mabilis naman akong sumakay sa kotse ko at dumiretso na sa bahay nito. Nakaabang lang ito sa labas ng gate ng bahay niya ng makita ako ay agad rin itong pumasok. Kaya nag drive na ako papunta sa kong san kami madalas pumopunta pag ganitong broken siya.

" Hard please" agad na order nito. Nandito kami sa bar na pagmamay ari niya. Nasa counter lang kami ay siya iyak lang ng iyak.

" Spell the tea " sabi ko kaya ayon napa kwento siya ng mga lahat ng nangyari.

" Sinabi niya sakin na ginamit niya lang ako para mapa selos ang ex niya para bumalik ito sakanya " sabi nito at humahagulhol na ng iyak.

" Napaka sama talaga ng ugali. Sabi ko na ngaba na di mapagkakatiwalaan ang hayop nayon ehh." Sabi ko. Sa lahat ng ayaw ko ay ang makitang ganto ang kaibigan ko. Mabait sa mabait si Cy matapang pero mabilis itong lumambot pag nasaktan.

" Hayaan mo na ang walang kwentang yon. Di ka niya deserve di siya kawalan para pag aksayahan mo ng mga luha mo " sabi ko dito.

" Pero bess ang sakit ehh " sabi nito kaya napabuntong hininga ako.

" Sauna lang yan masakit. Iiyak mo lang lahat yan. Dito lang ako di kita iiwan." Sabi ko dito.

" Tara walwal " sabi nito pero umiling ako.

" Bess alam mong di ako umiinum. Hahayaan kitang mag paka wasted pero ngayon lang to ahh." Sabi ko kaya napangiti ito at uminum na ng uminum.

Di ko naman inaalis ang mata ko sa kaibigan kong panay ang inum ng inum hanggang sa makaramdam ako na gusto kong mag cr.

" Bess cr lang ako ahh. Dito ka lang wag kag aalis." Sabi ko at tumango naman ito.

" Kuya iwan ko muna tong boss mo. Wag mong iaalis ang paningin mo dito" sabi ko at tumango ito kaya agad na akong umalis.

Pagdating ko ng restroom ay walang tao kaya agad na akong nag cr para makabalik ako agad. Pag labas ko may nakabanggaan ako at natapon yong dala dala niyang alak sakin kaya uminit ang ulo ko.

" Sorry " sabi nito pero tiningnan ko ito ng masama.

" Sorry your face " sabi ko dito pero tumaas ang kilay nito.


" Teka lang miss. Di ko naman sinasadya ahh. Nag sorry na nga ako pero masungit kapa. Ikaw kaya yong di tumitingin sa dinadaanan mo tas ikaw pa may ganang magalit" sabi nito. Totoo naman yon at ewan ko ba kong bat ako nagagalit di naman ako ganto.

" Tsk." Sabi ko nalag at tinalikuran na ito. Bumalik na ako sa kong san ko iniwan ang best friend ko at nakita ko naman itong bagsak at may nakabantay sakanya na dalawang bouncer. Seguro sinubukan naman tong lapitan ng kong sino dito. Tsk.

" Ma'am andyan na pala kayo." Sabi ni kuya.

" Anong nangyari?." Tanong ko kahit alam ko naman kong ano.

" May sumubok pong lumapit sakanya kanina at pilit itong sinasama nakita naman namin na ayaw ni boss kaya kumilos na kami at isa pa po parang masasama yong mga lumapit sakanya." Sabi nito kaya tumango ako at nag patulong na ako na buhatin si bessy na isakay sa kotse ko.

Si Doc at si Capt. ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon