Abel's Pov
" Dahil may stage 2 Cancer ang papa mo " sabi ni Jobel kaya napatingin ako sakanya.
" Yon ang totoo. Kahapon kinausap ako ni bessy nong umalis ka " sabi nito.
Jobel's Pov
Flashback ..
" Bess ano nanaman yang sasabihin mo?." Inis kong sabi dito.
" Halika dito. Tungkol ito kay Abel g*g* " sabi nito kaya lumapit ako dito. At may binigay na mga documents.
" Binigay yan sakin ni Doc Rosales kanina bago siya umalis at yan ang nabasa ko." Sabi nito at nagulat ako dahil si LA ang nakita kong nag donate ng dugo kay Abel.
" Pero bakit?. Akala ko ang tatay niya?. Anong kinalaman dito ni LA?." Tanong ko.
" Ewan ko. Pero sa nakikita ko. Magkapareho sila ng dugo ni Abel. Di naman pwedi segurong nagkataon lang yon na nakahanap agad sila ng dugo para kay Abel. Dahil alam mong kunti lang ang chance na makakahanap sila ng ganun kabilis na dugo. Bess kunti lang dito satin ang alam kong may ganung dugo. Kaya impossible naman na ganun lang yon kabilis. " Sabi nito kaya napatingin ako sakanya. Minsan lang to mag seryoso si bessy pero lahat ng sinasabi nito talagang maniniwala ka.
" Di kaya magkapatid sila sa ama?." Biglang sabi nito kaya napatingin ako sakanya.
" Bess. Isipin mo nalang. Biglang nag pakita ang tatay nito at sa ganun lang kabilis ay may naganap agad silang dugo?. Isipin mong mabuti. At dito isa pato. Nalaman rin dito na kaya hindi makapag donate ng dugo ang tatay niya ay dahil sa may Stage 2 Cancer ito." Sabi pa niya kaya mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.
End of Flashback..
" Yon ang totoo. Kaya di magawang mag donate sayo ng tatay mo dahil may sakit siya " sabi ko at nakita ko ang biglang pagtahimik nito.
" Abel " mahinang sabi ni Mark habang nakatingin dito.
" Talagang na sa pamilya na talaga ang ganun " sabi nito at napapikit ang mata.
" Anong ibig mong sabihin?." Tanong ko dito dahil parang wala manlang siyang reaction sa sinabi ko.
" Si mama tumor tapos siya Cancer. Talagang sa pamilya na yon." Sabi nito at napatingin sakin.
" Ngayon magisip ka na kong iiwan mo ba ako dahil sa nalaman mo " sabi nito at tumayo tsaka pumasok sa kwarto niya. Naiwan naman akong di makapag salita sa sinabi niya.
" Jobel pag pasensyahan mo na si Abel. Intindihin mo nalang gulong gulo na ang isip niya sa mga nangyayari. At totoo ang sinabi niya sa pamilya nila ang ganun. Sa mama niya nagkataon lang yon pero sa side talaga ng tatay niya may ganun talaga sila " sabi ni Mark kaya kahit nasaktan ako sa sinabi niya ay pilit ko nalang na inintindi.
" Uuwi na ako " tanging sabi ko at tumalikod na.
Masakit sakin ang mga sinabi niya. Bago palang kami at kakasimula palang namin pero ganun na agad ang sinasabi niya.
Umuwi na ako pero di ako sa bahay umuwi. Sa condo ako dumiretso ayukong makita nila ako na ganito at baka kong ano pang isipin nila.
Pagdating ko sa condo ko ay nag message agad ako kina mama na sa condo ako ngayon at di ako makakauwi. Naintindihan naman nila kaya ginawa ko na ang evening rituals ko at di na ako kumain. Pero bago pa ako tuluyang makahiga sa kama ko ay nakatanggap naman ako ng message galing kay Mark at Carlos. Unang binuksan ko ay ang ka ay Mark.
From: Mark.
Ako na ang humihingi ng sorry Jobel. Sana habaan mo pa ang pasensya mo sa kaibigan namin. Subrang dami lang ng pinag dadaanan niya ngayon. Kaya sana maintindihan mo.
From: Carlos.
Doc pasenya na sa nangyari kanina. Hayaan mo pagsasabihan ko si Abel. Sana habaan mo pa ang pasensya mo sakanya. Nagiging isip bata kase pag naguguluhan pasensya na po.
Di ko na sila nireplyan at natulog nalang. Marami pa akong trabaho bukas na naghihintay sakin.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok at ginawa ang mga rounds ko at natapos naman ako ng bandang 10am. Babalik na sana ako ng office ko ng makita ko sa di kalayuan si Abel at LA na naguusap sa harap ng office ko. Pero umalis rin agad ito.
Abel's Pov
Nandito kami ngayon sa canteen ng hospital kasama ko si LA dahil gusto nya raw akong makausap.
" Di ko na to patatagalin at masyado kang mainipin. Nandito ako para pagusapan ang about sa tatay natin " sabi nito.
" Tatay mo lang " matigas kong sabi.
" Look alam kong naging selfish kami sayo. Pero maniwala ka at sa hindi. Habang kasama namin si Dad walang araw na di niya sinubukang tumakas. Pero di niya nagagawa kase laging nakabantay sakanya ang mga guards ni mom. Pinagbantaan niya rin si mom na mapapahamak kayo kong subukan niya pang umalis. Kaya ako ang tumutulong sakanya para kahit minsan makalabas man lang. Lagi ko siyang tinatakas kay mom para makita kayo. Dahil naawa ako sakanya pag nakikita ko siyang umiiyak habang tinataboy palayo ng mama niyo. Di niyo alam ang hirap na pinag dadaanan niya sa kamay ng mom ko. Kaya please bigyan mo naman siya ng pagkakataon na makabawi man lang sainyo. Ngayon lang siya naging malaya ng mamatay si mom. Kaya ganun nalang ang saya niya ng makalaya siya sa sa kamay ng kumulong sakanya ng mahabang panahon " sabi nito at subrang sakit ng mga nalaman ko. Kaya diko napigilang di mapaluha sa harap nito.
" Di pa huli ang lahat kapatid." Sabi nito at tinapik ang balikat ko.
" Pasensya ka na pala kong ginugulo ko kayo ni Jobel. Sa totoo niyan ay sinisigurado ko lang na di mo siya sasaktan kagaya ng ginawa ko noon. At wala akong Plano na sirain kayo " sabi nito kaya napatingin ako sakanya.
" Pamilyadong tao na ako Abel. At may pamangkin ka na sakin. Kaya wala na akong rason pa para guluhin kayo. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Wala na akong rason pa para gumawa ulit ng rason para masira ang pamilyang binuo ko. Kaya wag ka ng mag alala " sabi nito at nagtawanan kami. Nagkatinginan kami saglit at nilahad ko ang kamay ko.
" Pasen-" dikuna natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin.
" Wag ka ng humingi ng pasensya naiintindihan ko naman. Kong ako seguro sa kalagayan mo subra pa dyan ang ginawa ko. Di biro at subrang hirap ang mawalan ng ama at ina sa tabi mo " sabi nito at kong ano ano pa ang napag kwentohan namin. Kweninto niya sakin ang mga moments na magkasama sila ni papa at ngayon magaan na sa puso ko at handa ko ng harapin ulit ang tatay ko.