Chapter 28

58 3 0
                                    

Abel's Pov

Dalawang lingo na ang lumipas simula nong nangyari kay Alex. Pero ang isang EYA JANESVILLE "EJ" LAZARO ay inako na ang paghatid sundo sa kapatid ko at halos siya na lahat ang gumagawa kaya hinayaan nalang namin.

" Ate " rinig kong tawag sakin ng bunso kong kapatid kaya hinarap ko naman ito at agad naman niya akong niyakap.

" Wag ka ng umapis please " sabi nito kaya napabuntong hininga ako.

" Bunso napag usapan nanatin to diba?. Gagawin ko to para sa makapag simula ako ulit at para narin makapag focus ako sayo. Para matustusan ko ang pag aaral mo " sabi ko sakanya pero mas lalong nalungkot ang mukha nito.

" Babalik ka naman ate diba?." Sabi nito kaya napangiti ako.

" Oo naman. Bat naman ako di babalik eh nandito ka kayo. Mabilis lang ako don babalik rin naman ako " sabi ko at niyakap naman ako nito. Masakit sakin ang gagawin kong to pero ito lang ang paraan para makalimutan ang lahat ng sakit at makapag simula ulit.

" Sige na. Malalate na ang ate " sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas. Tumambad naman sakin ang mga kaibigan kong parang namatayan.

" Anong mga mukha yan?. Mag si ayos nga kayo buhay pa nga ako pero yang mga mukha niyo parang namatayan na " sabi ko sakanila.

" Sure ka naba talaga dyan Abel?. Di na ba mababago isip mo?." Sabi ni Mark.

" Segurado na ako. At isa pa nakapag decide na ako " sabi ko.

" Di mo manlang ba siya kakausapin man lang bago ka umalis?." Sabi ni Carlos

" Para san pa?. Wala na kaming dapat pagusapan pa malinaw na sakin kong ano ang nakita ko " sabi ko naman kaya wala na silang sinabi pa at umalis na kami. Hinatid nila ako sa airport at ang kapatid ko ay nakayakap lang sakin hanggang sa tawagin na ang flight ko.

" Kayo na ang bahala dito ahhh. Yong kapatid ko kayo na ang bahala dito. Ikaw naman bunso wag matigas ang ulo ok?. Magpakabait ka dito. Mabilis lang ako. Babalik rin ako agad " sabi ko at niyakap ako lalo ni Alex. Pagkatapos non ay sila naman ang niyakap ko isa isa.

" Una na ako." Sabi ko masakit sakin na lumayo pero ito lang ang way para makapag simula ako ulit.

" Ate please wag ka ng lumingon" sabi ni Alex at alam kong umiiyak na siya ngayon.

Masakit sakin na makitang nagkakaganyan ang kapatid ko pero kailangan ko to. Kailangang kailangan ko to ngayon. Walang lingon lingon na umalis ako sa harap nila. Pag dating sa dulo ay pa simple akong gumilid para di nila ako makita nakita ko kong panu nila yakapin at patahanin si Alex. Alam kong nasasaktan siya ngayon sapag alis ko bukod kase sakin at sa mga kaibigan namin ay ako na ang naging nanay at tatay sakanya kaya subrang sakit na lumayo nanaman sakanya sakanila.



Ilang oras lang ay nakalapag na ang eroplanong sinasakyan ko. Paglabas ko ng airport ay agad kong nakita ang taong susundo sakin kaya agad na akong sumama sakanya hanggang sa makarating kami sa tutuluyan ko.


" Magandang hapon po ma'am" bati sakin ng kasambahay na sumalubong sakin.








Jobel's Pov

Masakit sakin makita ang taong mahal ko na aalis na di man lang ako hinayaang mag paliwanag. Di man lang niya hinayaang makapag salita ako bago niya bitawan ang mga salitang nakapag padurog sakin. Subrang sakit.

" Bess tahan na " sabi sakin ni bessy. Nandito kami sa airport lingid sa kaalaman ni Abel na nandito ako sa malayo. Alam nilang lahat except kay Abel na nandito ako. Alam narin nila kong ano talaga ang nangyari at salamat sa dios dahil di sila nagalit sakin.


" Ate " sabi ng kung sino sa likod ko at pag harap ko si Alex kaya agad ko itong niyakap. Nag papasalamat ako na di galit si Alex sakin dahil sa nangyari.

" Umalis na si ate " sabi nito na umiiyak.

" Babalik ang ate mo. Babalikan niya tayo " sabi ko na umiiyak narin.

" Mabuti pang tayo na at pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito " sabi ni Nicole kaya umalis na kami nakayakap lang sakin si Alex.

" Ate kailan kaya babalik si ate?." Tanong nito sakin.


" Hindi ko alam lex. Pero sana bumalik siya agad." Sabi ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakanya.

" Wag kayong mag alala. Babalik yon. Di niya tayo matitiis non lalo na kayong dalawa " sabi ni Carlos. Madalas kase loko loko to pero ngayon subrang seryoso niya.

" Sana nga bumalik siya. Namimiss ko na ang ate ko " sabi ni Alex at mas lalong umiyak. Maging ako ay na mimiss ko na siya.

Simula nong nangyari nong araw nayon. Di niya na ako kinausap. Iniiwasan niya ako at talagang ayaw niya akong harapin. Hanggang sa nalaman ko nalang na nag pa assign ito sa malayo. At don nanaman nadurog lalo ang puso ko. Kase talagang lalayuan na niya ako at walang nakakaalam samin kong san siya pupunta tanging siya lang ang nakakaalam.

Una naming hinatid ay si Alex na nakatulog na sa kakaiyak at tanging si Mark nalang ang kasama ko ngayon.

" Alam kong nasasaktan ka ngayon. Pero sana hayaan mo munang makapag isip si Abel. Kilala ko yon magpapalamig lang mo na yon at kong ok na siya babalik rin yon. Kaya wag kang mag isip ng kung ano ano kase alam kong ginagawa niya to para makapag isip siya ng maayos. Babalik yon wag kang mag alala " sabi nito pero di nalang ako nag salita hanggang sa makarating kami sa bahay. Pero bago ako bumaba ay may sinabi pa si Mark sakin.

" Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka non kaya babalik yon sayo. Magulo si Abel minsan pero maniwala ka sakin. Subrang mahal ka ng kaibigan kong yon kahit laging may topak yon at siraulo." Sabi nito pero di parin ako nag salita.


" Salamat sapag hatid. Magiingat ka pauwi " sabi ko at tumango naman ito kaya sinara ko na ang pinto at pumasok na. Naabutan ko naman ang mga magulang kong nakaupo sa sala at nanunuod ng tv pero di ko sila pinansin at umakyat na ng kwarto tsaka humiga sa kama ko at don na ako umiyak ng umiyak. Subrang sakit lang kase.




Si Doc at si Capt. ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon