Jobel's Pov
Natapos ang libing at never nag pakita ang kapatid ng mama ni Abel simula nong nagka initan sila sa burol ng mama nito. Di narin umiiyak si Abel naging tahimik ito at naging seryoso. Palaging focus sa trabaho at halos wala ng pahinga.
" Doc " napabalik ako sa ulirat ng may tumawag sakin. Si Carlos pala.
" Ikaw pala carlos anong ginagawa mo dito?." Tanong ko kase kakatapus lang ng rounds ko at babalik na sana ako ng office.
" Ahhh. May bibisitahin lang doc " sabi nito at yumuko.
" Ahh. Ok. Sige na baka nag mamadali ka una narin ako at lunch break narin " sabi ko dito.
" Sige po doc. Ingat po kayo " sabi nito kaya umalis na rin ako.
Naglalakad ako pabalik ng office ko ng makasalubong ko si LA.
" Hi doc " nakangiting bati nito pero di ko ito pinansin.
" Ano nanamang ginagawa mo dito?." Inis kong tanong dito.
" Yayain sana kitang mag lunch?. Alam ko kaseng di kapa kumakain" sabi nito pero di ko ito nilingon at tuloy lang akong pumasok sa office ko.
" Pwedi ba LA?. Kaya ko ang sarili ko. Di na ako bata para samahan mo " sabi ko dito.
" Ok. Look Jobel alam kong nasaktan kita noon pero babawi ako. Di kita susukuan dahil mahal na mahal kita Jobel mula noon hanggang ngayon ikaw parin " sabi nito.
" HA HA HA umalis ka na " sabi ko at sakto namang bumukas ang pinto.
" Hey, di kaba marunong kumatok?." Inis na sabi nito pero si Abel seryosong nakatingin lang saming dalawa.
" Pwedi ba LA?." Inis kong Sabi dito.
" Sorry naka istorbo ata ako." Sabi nito.
" Mabuti alam mo. Pwedi ba umalis ka na " sabi pa nitong katabi ko.
" Sumusubra ka na LA. Abel hintayin mo ako wag kang umalis." Sabi ko at huminto naman ito. Kinuha ko ang mga gamit ko at hinarap si LA.
" Tigilan mo na ako LA at kahit ilang besis mo pa akong suyuin wala ka ng makukuha sakin. Matagal na tayong tapos kaya sana naman tigilan mo na ako dahil may mahal na akong iba" sabi ko dito at hinawakan ang braso ni Abel palabas ng office ko.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan at walang sino man samin ang kumikibo. Kaya naisipan kong ako nalang kase di ko alam kong anong tumatakbo sa isip nitong kasama ko.
" Abel pwedi ba tayong magusap?." Tanong ko dito.
" Kinakausap mo na ako doc " sabi nito.
" Abel pwedi ba???. Ano bang nangyayari sayo??. Di ka naman ganyan " sabi ko pero tahimik lang ito hanggang sa makarating kami sa isang lugar na presko ang hangin at nakaka relax. Agad naman itong bumaba at umupo sa upuang nandon.
" Dito ang naging comfort zone ko nong mga panahong gulong gulo na ako. Na halos kainin na ako ng galit at sama ng loob " sabi nito kaya umupo ako sa tabi nito.
" Pwedi na ba tayong mag usap?." Tanong ko dito at tumango lang ito.
" Anong nangyari sayo?. Simula nong nangyari sa hospital at pagkatapos ng libing ng mama mo. Ni hindi mo manlang ako kinakausap. " Sabi ko pero huminga ito ng malalim at tumingin sa paligid.
" May mga bagay na di dapat 100% na ineexpect lalo na kong makakasakit lang naman sayo " sabi nito di ko ito maintindihan kaya seryoso ko itong tiningnan.
" Na assigned kami ng grupo non sa isang mission sa Camarines Sur para kami ang humawak sa mga kabataang gustong pumasok ng pagiging police kaya di na ako nagkaroon pa ng oras para makadaan sa hospital ng araw nayon. Pero nong bago mawalan ng hininga si mama sinubukan kong pumonta sa office mo non para sana humingi ng tawad sadikopag pansin sayo simula nong nakabalik ako. Pero nalaman kong may girlfriend ka na pala " dahil sa sinabi nito ay pinalo ko siya sa braso.
" ARAY KO NAMAN " daig nito.
" Anong girlfriend ang pinagsasabi mo???. Ni hindi mo manlang ako tinanong kong totoo bayang pinaparatang mo sakin. Kaya pala nong nakasalubong ko si Mark at Carlos para silang di makapag salita nong sinabi kong di naman tayo nagkita. Si LA ex ko siya at di ko siya girlfriend. Kaya ko lang naman sinabi yon dahil sa gusto ko ng tigilan niya ako " sabi ko dito kaya tumango tango lang ito at nakangiting tiningnan ako.
" Oh???. Anong nginingiti ngiti mo dyan???. May kasalanan ka pa sakin Abel ahhh. Mali yang pinaparatang mo sakin " sabi ko kaya natawa ito at niyakap ako ng mahigpit.
" Thank you. Akala ko magiging friend zone na ako sayo ehhh." Sabi nito kaya pinalo ko ulit ito at tinugunan ang yakap nito.
" Pero sandali. Sino nga pala ang mahal mo??. Sabi mo kanina don sa ex mo may mahal ka ng iba?." Tanong nito.
" Maniniwala ka ba kong sasabihin kong ikaw yon?." Sabi ko pero para siyang natigilan sa sinabi ko.
" Oo. Ikaw nga Abel akala ko nga dati namimiss ko lang yong pangungulit mo sakin. Pero nong nakita ko kung pano ka yakapin ng dalawang pinsan mo ay di kopa masasabi sa sarili ko na mahal na pala kita non. Pilit ko lang tinatanggi sa sarili ko " sabi ko dito at para naman itong maiiyak.
" Di mo alam kong ganu ako kasaya ng malaman ko sayo yan " sabi nito at niyakap ulit ako.
" Matagal ko na dapat sanang sabihin Sayo ehh. Kaso ngalang nagpapakalunod ka sa trabaho " sabi ko dito kaya natawa ito.
" Ikase naman po yon lang ang way ko para makalimutan ko ang mga nangyari. Pero dahil ngayon na nalaman ko na mahal rin ako ng mahal ko. Wala ng sapat na rason para magpaka lungkot kase meron na akong ikaw " sabi nito at ngumiti ng subrang tamis.
" Tama na ngayan HAHAHA tara na at ng makakain na tayo. Nagugutom na ako " sabi ko dito kaya tumayo ito at may kong anong kinuha sa likod ng kotse niya.
" Alam kong gutumin ka kaya nag ready na ako. Wag kang mag alala walang gayuma yan. At kong meron man di na kailangan kase magiging sakin karin naman soon HAHAHA " Hay naku nalang talaga.
" Love kain na masarap yan. Ako nag luto lahat niyan " sabi nito kaya natawa ito ng makitang namumula ako kaya hinampas ko nanaman ito sa balikat. Bumalik nanaman ang pagiging makulit niya.